chapter 14

16.7K 380 51
                                    

Zai pov

Nagising ako dahil sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tapos dagdag pa ang sakit ng buo kong katawan. Langhiya ikaw ba namang magdamagan na nakipag-jugjugan? Grabe naman kasi ang energy ni sharp shooter man parang natigang ng maraming taon.

Mapait akong napangiti, pero maganda naman ang resulta nito dahil pipirmahan na ng kulokoy na 'yun ang annulment.

Matatapos na ang lahat naging mababa man ako sa paningin nito kagabi ay huli na rin naman 'yun.

"Fuck! Yes gagawin ko ang lahat para gawing miserable ang buhay niya!" Napapikit akong muli sa narinig kong boses ni Gid na parang nakikipagtalo sa cellphone hindi ko nga alam kung bakit pero naiintriga ako. Pasimpleng sinulyapan ko ito kung saan nakita ko itong nasa may bintana at may katawagan baka siguro isa sa mga demonyo nitong kaibigan.

"No! I will never fell for her! At saka alam n'yo namang siya ang dahilan kung bakit iniwan ako ni Alison 'di ba?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga naririnig ko, how dare him! Kung gano'n siya pa ang may ganang gumanti sa'kin! At ano raw iniwan siya ni Alison? That fucking gold digger at ako raw ang dahilan? So ano 'yon gumawa na naman ba ng kwento si Alison?

Bakit ba Gid hindi ka nagsasawang saktan ako? At ang malaking tanong bakit ko pa ito nararamdaman? I should not feel this way ma-aannul na kami kaya dapat hindi na ako maapektuhan sa mga pinanggagawa nito. But I can't help it.

Inaakusahan na naman ako nito gaya darit, hindi nito alam ang pinagdaanan ko, pero ito? Hindi man lang magawang makinig at makiramdam, puro na lang Alison..

Naninikip ang dibdib ko ang sakit kasi paulit-ulit na lamang.

"Oh! Yeah I just fuck her, trinato ko siya na parang prinsesa habang inaangkin siya pero sa loob ko gusto ko na siyang patayin. She's a whore! Pinagtangol ko pa siya kay Alison pero sa huli malalaman ko lang pala na hindi ko anak ang bata na dinadala niya! Dahil isa siyang puta she even fuck with girls nakakadiri siya!" I want to scream and cry, ano ba ang pinagsasabi nito? What had happen?

Ano ba ang pumasok sa isip nito?

Hindi niya anak ang bata? Kaya ba hindi niya man lang ako mapuntahan? Kaya ba mag-isa akong nagluksa?

Hindi niya alam ang sakit nang nag-iisang nagluluksa para sa anak namin at sa magulang ko. Hindi niya alam kung gaano kabigat na umasang baka may makapitan ako ng mga araw na 'yun.

And hell! Kailanman hindi ko gustong maging madumi! Kailanman hindi ko hinangad iyon! They force me! Sumigaw ako! Nagmakaawa at naghintay na dumating siya para iligtas ako tapos ngayon sasabihin niyang ginusto ko?

Bawat mga pananakit! Bawat insulto ay hindi ko matanggap ang tagal kong sinuka at pinandirihan ang sarili ko! Kahit hindi ko ginusto still hinayaan ko pero mas masakit pala marinig sa iba na sasabihing ang dumi ko. Sobrang sakit.

Kala ko..

Akala ko lang na baka naman maunawaan ako ng iba pero tama si Alison oras na matapos siya ay pandidirihan ako ng lahat, kahit mali niya still nadumihan na ako kaya wala na..

Sirang-sira na ako.

Gideon pov

"Pero dude hindi mo ba naisip na tanungin muna si Zai alamin mo kung totoo ba na nakipagrelasyon ito sa babae." I grip the phone so hard na halos ikasira na nito. Hindi ko magawang magtanong, para ano pa ba?

Nasabi na sa akin ni Alison ang lahat kaya kahit kailan hindi ko na kailangan makinig kay Zai! Kasi sinungaling siya.

"Bakit may umaamin bang taong nagkasala?" I smirk nang biglang tumahimik ang kabilang linya.

Hate Series 2: Zairah Wintei Zee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon