Zai pov continuation of the flashback
"Fuck bitch, kung 'yang mukha mo ang lagi kong makikita mabwibwisit at masisira lang ang araw ko. 'Di ba sinabi ko na sa'yo na kung maaari ay huwag mong ibabalandra 'yang mukha mo kapag andito ako!" Napayuko ako because I don't want to meet his glaring eyes. gusto ko lang naman sana itong ipaghahanda ng agahan hindi ko naman naisip na maaga siya ngayong magigising.
"I-I'm sorry." Nanghihinang usal ko ngunit napaigik lang ako ng hawakan niya ng mahigpit ang panga ko at iniangat iyon para magtama ang aming mga mata. Naiiyak na ako habang nakatingin sa mga mata nito. Na Dati puno ng saya pero ngayon ay puno ng galit.
"Sorry?! Anong magagawa ng sorry na 'yan 'a Zairah?!" Umiling-iling ako dahil natatakot na ako rito. Pero wala akong magawa masyado itong malakas
"Kung hindi dahil sa'yo magkasama sana kami ni Alison! kami sana ang kasal ngayon! Kaya 'yang pangit mong mukha ay huwag na huwag mo ipapakita sa'kin dahil baka mapatay kita." Nanginginig na tumango ako. Kaya padaskol na binitiwan na nito ang panga ko at umalis na ng kusina.
Ako naman ay Napa-upo sa sahig at napahagugol. Hindi ko magawang sumagot rito, tanging tanngo lamang ang magagawa ko.
"I-I'm s-sorry, I'm sorry....G."
Anim na buwan na kaming kasal pero ang akala kong kaya ko na siyang mahalin ng hindi patago ay hindi nangyari. Dahil ng makasal kami sinabihan at binalaan ako ni G na huwag akong magpapakita rito. Pero kahit gano'n ay gusto ko pa ring tuparin ang gawain ko bilang asawa, Kaya araw-araw gumigising ako ng maaga upang maipaghanda ko ito ng agahan ng hindi nito ako nakikita, nauuna na rin akong kumakain dito sa gabi pagkatapos ay pupunta na ako sa kwarto ko, dahil kahit kasal kami ay ni minsan hindi ko nakasabay na matulog si G.
Ako rin ang naghahanda sa mga damit nito wala naman kasi kaming kasambahay dahil ang sabi ni G sayang daw ang pera. Pero sino ba ang niloloko niya? Alam ko naman na kahit isang daang kasambahay kaya nitong I-hire dahil sa yaman nito, saka mayaman din naman ang pamilya ko. Kaya Sa tingin ko ginagawa niya talaga ito para pahirapan ako ngunit hindi ko 'yon ininda dahil sa katunayan masaya ako sa ginagawa ko dahil napapaglingkuran ko ang asawa ko.
Mapait akong ngumiti, he never treat me as his wife. Gabi-gabi saksi ako sa paglalasing nito. Ako lagi ang naglilinis dito kapag nalalasing at ako lagi ang nasasaktan kapag naririnig ko ang pagbanggit nito ng pangalan ni a
Alison.Pero kahit sobrang sakit kailangan kong tiisin kasi ako naman ang may kasalanan, ako naman ang humingi nito.
'Kahit kailan hindi ka niya mamahalin Z, kung hindi lang dahil sa tinakot ito ng mama nito na hindi ito ang magmamana ng kompaniya hindi naman nito pag-aaksayahin na makasama ka sa isang bubong.'
Tanga na kung tanga pero kailangan ko itong gawin para na rin sa ikabubuti ni G. Tanda ko pa ang sinabi ni tita.
Kapag hindi raw naging mabuti ang pakikisama ni G sa'kin sabihin ko lang daw rito at imbes na kay G niya ipapamana ang kompaniya ay sa akin na lang daw. Kaya magtitiis ako para kay G alam ko naman kasi na pangarap talaga nitong hawakan ang kompaniya ng ina at ng yumao nitong ama.Bahala na hindi matupad ang pangarap ko at least 'yung sa kaniya ay matupad. I smile saka Pinunasan ko ang mga luha ko.
Ni hindi man lang niya napansin na hindi na ako pumapasok sa school. Huminto ako para rito para mapaglingkuran ko ito. I'm 20 years old at matanda sa'kin ng dalawang taon si Gideon.
Noong una nabahala ang parents ko sa ginawa ko pero sinabihan ko sila na next year mag-aaral muli ako. Kaya Hindi na umangal ang parents ko dahil desisyon ko naman daw 'yon kaya ang ginawa nila sinuportahan na lang nila ako.
BINABASA MO ANG
Hate Series 2: Zairah Wintei Zee
Aléatoire"You are my wife! Kukunin ko lang kung ano ang akin! Ang matagal ng akin Zai. This womb is once with my child at sisiguraduhin kong ito pa rin ang magdadala ng mga anak ko, your heart even if it's full of hatred it's still mine. At huwag na huwag ka...