chapter 32

16.9K 388 15
                                    

Zai pov

"Mom hindi ka ba talaga sasama?" Napatingin ako sa anak ko na nakaupo sa sofa na may lungkot sa mga mata nito.

Ilang linggo na ang lumipas at gaya ng napag-usapan namin ni gideon naging civil nga kami sa isa't isa, napagkasunduan din namin na doon matutulog sa kaniya si Zerrah every Thursday, Friday at Saturday. At ngayon nga ay Thursday kaya kukunin ito ng ama nito, okay na rin naman sa'kin ang naging sitwasyon namin ngayon dahil nakikita ko naman na nagiging masaya si Zerrah sa piling ng ama nito base na rin sa mga kwento nito.

Saka sa bawat araw na nagkikita kami ni Gideon kapag sinusundo nito ang aming anak ay puro tango lang ang binibigay ko rito at kapag naiabot ko na rito si Zerrah ay binibilinan ko lang ito ng bawat gawin saka aalis na ako sa harap nila. Nasasaktan pa rin ako naman kasi ako at hindi ko 'yon pwede ipakita sa kaniya baka makaramdam na naman nito ang guilt at pipilitin na naman nito ang sarili na pakisamahan ako.

"'Di ba napag-usapan na natin ito anak? Na kayo muna ang magbonding ng papa mo?" Nagpout ito kaya nilapitan ko ito at niyakap.

"Alam mo naman na hindi kami pwede ng papa mo 'di ba sweetie."
Tiningnan ko ang mukha nito saka hinalikan ito sa noo.

"But mom dad loves you." Nagmamaktol na sabi nito kaya pinisil ko ang ilong nito hindi niya ako mahal anak at masakit iyon.

Sadyang masyado pang bata ang anak ko para maunawaan ang lahat.

"Aherm." Nakarinig kami ng tikhim kaya napabaling ako sa pinanggalingan nito, he stand there like he owned everything with his business attire and those eyes that I want to stare.

"Handa na ba ang lahat?" Malumanay nitong saad and I was snapped from gaping at him shit talaga naman o'. Tumayo ako at tiningnan ito ng deretso sa mga mata.

"Yes it is pero bago 'yon mag-usap muna tayo. Sweetie hintay ka muna rito 'a? Sandali lang kami ng dad mo." Sambit ko at tumango ang anak ko kaya naglakad na ako paalis ng sala hindi na rin ako nag-aksayang lumingon sapagkat alam ko naman na susunod si Gideon.

Nang marating ko ang kwarto ko ay dumiretso ako sa kabinet at kinuha ang brown envelope at ballpen saka binalingan ko ang lalaking kanina pa pa lang tumitingin sa akin with his intense stare habang nakasandal sa pinto

Fuck he is hot Arghh! Bwisit na lalaki.

Saka ano ba itong iniisip putek Zairah umayos ka!

Kinalma ko ang sarili ko at ibinigay ko rito ang envelope, binuksan naman niya iyon at inilabas doon ang puting papel saka binasa.

Ang kaninang masayang emosyon na nakabakas sa mukha nito ay napalitan ng galit.

"So desidido ka na talagang hiwalayan ako?" Malamig nitong saad, ano ba ang pinagsasabi nito e' napag-usapan na naman namin na papalayain na namin ang isa't isa bakit parang bitter pa rin ito?

"Yes and just sign it." Nanliliksik ang mga mata nitong tiningnan ako, ibinigay ko rito ang ballpen na tinanggap naman nito pero nakatingin parin sa'kin saka ibinibaba nito ang mga tingin nito sa kabuuan ng katawan ko.

I shiver nakasando at short ako pero sa mga tingin nito para akong hubad.

Na hindi nakakatuwang pakiramdam

"What if you're pregnant?" Nagulat ako sa sinabi nito pero agad rin akong nakabawi.

"Kung mangyari 'yon then hindi ko ito ilalayo sayo Gid. Gaya ni Zerrah hahayaan kitang magakaroon ng time kasama ang anak mo." He glare at my tummy and to my face but I maintained the cold expression plastered on my face.

"Pero nagawa mo na noon? Paano ko masisigurong hindi muna gagawin muli?" I gritted my teeth, gusto ba nito ng away?

Ngayon kasi parang iba ang pinupunto nito, at parang ibinabalik nitong may sala ako na pagtago sa anak namin.

Hate Series 2: Zairah Wintei Zee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon