Zai pov
Nagising ako dahil tila may humahalik sa pisnge ko at base sa maliliit nitong kamay ay agad na nakilala ko iyon na pagmamay-ari ng anak ko.
"Mom! You're here!" Masiglang sambit nito at mas pinugpog ako ng halik kaya napatawa ako saka minulat ang aking mga mata only to be greeted by a beautiful smile plastered on my daughter's lips. Minsan talaga mas maganda pa sa umaga ang isang ngiting bubunggad sa iyo lalo na kapag galing iyon sa taong mahal mo at mahalaga sa'yo.
"Mom hinintay kita pero hindi ka umuwi." Nagpout ito kaya kinurot ko ang pisnge nito tiyak nagtatampo na naman ito pero may magagawa ba ako kung gano'n talaga ang nangyari?
"Nakatulog kasi si mama sa bahay ng tita mong baliw." Tumango-tango ito at saka napahawak sa baba nito na tila matandang tao na nag-iisip at sumasang-ayon.
"Don't worry babawi si mama magluluto tayo ngayon ng pancakes." Tumalon-talon ito sa kama pagkarinig sa sinabi ko at wala akong nagawa kundi ang umiling dahil mas masarap sa pakiramdam 'yung makabawi ka sa anak na pinakamamahal mo.
"Yeheyy! I Love you mom!" I smile and kiss her on her cheeks making sure na mararamdaman nitong mahal ko ito para maisip nitong ako lang ay sasapat na sa kaniya na hindi na niya kakailanganin ng taong hindi naman siya matatanggap.
"I love you too sweetie, halika na baba na tayo." Excited na tumango ito pero nagtaka ako ng biglang kumunot ang noo nito.
"Hindi po kayo pupunta sa office?" Sabi nito na may lungkot sa mukha, kaya tiyak gusto lamang nito ngayon ay ang makasama ako at ano ba ang halaga ng kompaniya ko? Eh para sa akin ay ang mahalagang yaman na meron ako ay ang anak ko mismo.
Pera ay pera lamang, maaaring mapasaya ako no'n panandalian pero still, ang tanging nakakapagparamdam ng totoo at permanenteng saya sa akin ay ang mga taong pinapahalagahan ko na kailanman hindi mawawala pagkat nakaukit ito sa puso ko.
"Syempre hindi dahil babawi si mama sa napakagandang anak niya. Magbabonding tayong dalawa ngayon." Nagningning ang mga mata nito at napasuntok-suntok pa sa hangin.
"Wooh!! Yehey!!!" Tili nito at napasuklay na lamang ako ng aking buhok.
"Mom can we also visit kuya before we go to the mall?" Napangiti ako at tiningnan ang anak ko ang mga mata nito ay may ning-ning at alam kong hindi ko na ito matatanggihan.
"At ano naman ang nakain ng anak ko at gustong dumalaw sa kuya? Akala ko ba ayaw mo pumuntaa doon dahil mas namimimiss mo siya?" She look at me innocently with her eyes at saka ngumuso kaya natawa na lamang ako ng mahina dahil ang cute nitong tingnan.
"I don't know mom I just felt that I need to go there." I look at her curiously baka namiss niya lang nga ang kuya niya. Minsan kasi nagiging weird din 'tong batang 'to hindi mo mabasa ang ugali siguro gano'n talaga kapag bata pa masyadong papalit-palit ng ugali at mood kaya minsan hinahayaan ko na lamang ito at binibigay na lamang ang gusto nito para wala ng madaming salita.
I smile, and caress her cheeks
"Sige princess.."
--------------
"Andito na tayo anak ko." Nilingon ko ito sa tabi ko na nakatingin pala sa labas ng bintana ng sasakyan at nang lumingon ito sa'kin ay saka ko nakita ang pekeng ngiti sa labi nito.
"Mom bakit nga po ulit nawala si kuya Zerroh?" Natigilan ako at muntik ko na rin makagat ang sarili kong dila nang marinig 'yun at kahit ang boses nito ay sobrang seryoso.
"A-anak ba't mo naman naitanong sa'kin?" Kumunot ang noo nito at kita ko ang kakaibang emosyon na umukit ss mukha nito.
"Kasi dati mo pa sinasabi na si kuya namatay sa pagprotekta sa akin, makulit po ba ako? May ginawa po ba ako? Kung ako po ang dahilan ibig po ba sabihin galit po kayo sa akin--" Napasinghap ako at agad ko itong niyakap ng mahigpit hindi ko akalain na papasok sa utak nito ang gano'n bagay, masakit sobrang sakit na marinig ang bagay na 'yun mula mismo sa anak ko, wala naman kasi itong kasalanan dahil ako ang may kasalanan, kung una pa lang sana hindi na ako nagpakatanga edi sana nagawa ko sanang mailigtas ang anak ko, kung sana mas naging matatag ako at lumaban baka nga hawak ko silang dalawa ngayon at nakakasama.
BINABASA MO ANG
Hate Series 2: Zairah Wintei Zee
Rastgele"You are my wife! Kukunin ko lang kung ano ang akin! Ang matagal ng akin Zai. This womb is once with my child at sisiguraduhin kong ito pa rin ang magdadala ng mga anak ko, your heart even if it's full of hatred it's still mine. At huwag na huwag ka...