Zai pov.
Tumili si Zerrah at tumakbo papalapit kay Raven at sa iba pang mga bruha. Ako naman ay naglakad na papalapit sa kanila taena sino ba talaga mahal nila ako o ang anak ko? Sana ganiyan rin salubong nila sa akin. Tampururot lang pero charot lang.
"Bakit mo ba kami niyaya buntis?" Sabi ni Cane na nakatingin sa cellphone nito. For sure tungkol na naman ito sa business. Grabe talaga ito kahit saan basta tungkol sa pagpapayaman naku Gora agad ang bruha. Kahit nga hindi na ito magtrabaho hanggang sa pagtanda nito kaya siyang tustusan ng yaman niya dahil sobra-sobra na ang ito. Pero knowing Cane hindi ito tatahimik hangga't hindi ito ang pinakamayaman.
"Kasi nga gusto kong tulungan n'yo ko sa pagbili ng mga damit ng mga babies." teka ano raw? Babies?
"What do you mean for babies?" Na-eexcite na sabi ko.
"I'm expecting twins. Kasi noong nagpacheck-up ako kahapon 'yun ang sabi ng doctor." Kaya pala ang laki ng tiyan nito dalawa pala ang dinadala. Aba grabe sila!
Pero napipi ako, gano'n din sana ang mararansan ko, dalawa sana ang anak ko, pero nawala siya..
"Tita I will marry your son." Napasinghap kaming apat nang marinig namin na nagsalita si Zerrah, seryosong- seryoso ito habang nakatitig sa tiyan ni Raven. Tila ba determinadong-determinado ito.
Nang makabawi ako sa gulat ay agad na hinarap ko ang anak ko sa akin.
"Sweetie paano mo naman na sabi na may lalaking anak si tita Raven malay mo dalawang baby girl ang nasa tummy nito saka ang baby mo pa." Nagtaka ako sa seryosong mukha ng anak ko. Tila may nakikita akong katauhan na hindi dapat. An exact replica of someone I knew.
"I know na may lalaki at siya ang pakakasalan ko. He's mine mom. " Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sinabi nito at alanganin na tiningnan si Raven at ang iba pa na gulat na gulat pero si Zeine ay napapailing lang.
"Paano 'yan?" Natatawang saad ni Zeine at tiningnan kaming dalawa ni Raven kaya sabay namin itong sinamaan ng tingin.
Tiningnan ko muli ang anak ko
"Sweetie ang bata mo pa saka tingnan mo o' andiyan pa sa tummy ni tita ang baby." Nagpout ang anak ko at tumango . I pat her head and smile. Mabuti na lamang at nagagawa ko pa itong kausapin at mag-explain rito.
Lumapit sa'kin si Cane at umakbay sa'kin
"May ugali siyang nakuha sa mga demon ang pagiging possesive. Hindi nga maikakaila na anak siya ng isa sa kanila." Nakangising bulong ni Cane sa tenga ko. I sigh alam ko naman na madami itong nakuha sa ama hindi lang sa kulay ng mga mata kundi pati na rin sa pag-uugali nito pero para sa'kin ay akin lang ang anak ko at kailanman ay hindi magiging parte si Gid ng buhay niya.
"Naku tayo na at para makabili na tayo ng mga damit ng babies."
Sabi ni Raven na sobrang excited. At maaring ginawa lang nito iyon para mawala ang pagkailang namin sa isa't isa.I sigh.
So ayon nga pumili kami ng iba't ibang damit para sa babies ngunit dahil hindi pa naman alam ang gender nito ay pumili na lamang kami ng mga damit na pwede sa girl at boy ngunit ang anak ko ayun pili ng pili ng mga kulay na panglalaki dahil pinipilit nitong may lalaki ngang anak si Raven. Kaya ayun wala kaming magawa kundi bilhin ang kung anong gusto nito. Dahil unang dahilan spoiled ito sa mga tita at ninang nitong si Cane. Pangalawa ikaw ba naman na gamitan ng puppy eyes ng sobrang cute na bata tingnan lang natin kung hindi ka bibigay agad.
"Naku mukhang seryoso ang anak mo sa sinabi nito." Nang-aasar na sabi ni Zeine.
Bwisit dagdag pa itong babaeng 'to walang ginawa kundi mang-asar."Magtigil ka riyan ang bata-bata pa ng anak ko." Inirapan ko ito at nilapitan ang anak ko na pumipili ng libro. Gusto raw kasi nitong basahan ang baby sa tiyan ni Raven. Bwisit ang baby pa ng anak ko kaya bawal muna ako magkaroon ng balae taena! Kahit pa si Raven 'yun.
BINABASA MO ANG
Hate Series 2: Zairah Wintei Zee
Acak"You are my wife! Kukunin ko lang kung ano ang akin! Ang matagal ng akin Zai. This womb is once with my child at sisiguraduhin kong ito pa rin ang magdadala ng mga anak ko, your heart even if it's full of hatred it's still mine. At huwag na huwag ka...