Zai pov
"Mom tita Zeine is here." Napahilamos ako ng mukha sa narinig kong sabi ng anak ko. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako noh! Nasusuklam is the right word. Putek talaga naisahan ako takte! Talaga ang lalakeng 'yon sarap ipakulam.
Simula ng makauwi ako kanina hindi maalis-alis ang mga sinabi at ang mga nangyari noong nasa bahay pa ako ni Gid. I'm so stupid to trust his words
Napakatanga talaga kasi una pa lang bakit ba ako maniniwala sa isang unggot na manggagamit at sinungaling?
"I'll go down sweetie, teka saan pupunta ang anak kong maganda at bihis na bihis ito?" She smile, she's so cute with her blue dress and blue ribbon ganda talaga nito mana sa akin syempre.
"Nag-cry kasi ako kagabi dahil wala ka mama kaya nagpromise si yaya na dadalhin niya ko sa park ngayon kapag tumigil ako sa pag-iyak, tapos sabi pa nga niya nasa work ka raw kagabi kaya hindi ka nakauwi kaya nga noong umuwi po kayo kanina hindi ko po kayo ginambala dahil alam ko pong pagod po kayo." Na-guilty ako sa sinabi nito, simula ng dumating si Gid nagulo na ang buhay ko tapos hindi ko pa nakasama ang anak ko kagabi dahil lang kasama ko ang hinayupak nitong ama. At ano raw work? Ang dapat ngang sabihin ay ako ang trinabaho ng gagong 'yon tapos sa huli para lang akong parausan nito, dagdag pang hindi man lang nito tinupad ang usapan namin.
Nakakapang-init ng ulo pero ayokong ipahalata sa anak ko iyon napaka-observant pa naman nito baka makahalata ito na may problema ako na walang iba kundi ang ama nito.
"I'm sorry sweetie mom is just busy pero babawi rin si mommy I'll buy you toys just say anything you want." Niyakap ako nito at hinalikan ako sa pisnge oh, she's so sweet.
"It's okay mom alam ko naman pong nagwowork po kayo para sa ikabubuti ko rin saka pangbawi n'yo na po sa'kin ang pag-alaga sa katawan n'yo po please mom alagaan n'yo po ang health n'yo, hindi naman po importante ang mga toys sa'kin basta kasama ko lang po kayo." I kiss her forehead na kinapout nito, ang sweet ng anak ko kaya tila natunaw ang galit na nararamdaman ko, sa lahat e' iyung pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay 'yung dumating ito sa buhay ko.
"Promise me mom." Seryosong sabi nito na kinatawa ko kaya tumango ako at hinalikan ito sa matambok nitong pinge she's really my stress reliever.
"Promise!" Sabi ko at tinaas pa ang kanang kamay ko na kinatango nito at hinalikan ako nito sa noo ko.
"Love you mom."
"Love you too, halika na at tiyak na hinihintay na tayo ni Zeine at ng yaya mo." Excited na tumango ito kaya hinawakan ko ito sa kamay at sabay kaming bumaba sa sala.
"Aba ang tagal n'yong mag-ina." Nakapameywang na sabi ni Zeine and I roll my eyes atat lang makita ako e' noon nga ni hindi ako nito dalawin, ano bang nakain nito? Baka nakalanghap ng kemikal sa laboratoryo nito kaya nagkakaganiyan.
"Oh bakit napunta ka rito?" Imbes na sagutin ako nito, nakita kong pinasadahan nito ng tingin ang katawan ko. Shit! nahalata ata ni doc! Patay ako nito. Napalunok ako at naiilang na napatingin sa aking kanan.
"I smell something fishy here." Nang-uuyam na sabi nito at mas pinasadahan ako nito ng tingin samatalang nagtatakang tiningnan ni Zerrah si Zeine.
"Wala naman po tita 'a mabango naman ang house namin." Alanganin na hinarap ko ang anak ko sa akin at ngumiti rito bago hinaplos ang pisnge nito
"Anak mag-ingat ka roon a' huwag ka lumayo kay yaya." Tumango ito at napatingin pa sa may kusina at namilog ang mga mata nito nang makita ang buto ng yaya nitong papalapit na.
"Zerrah halika na." Nagningning naman ang mga mata nito nang marinig ang boses ng yaya nito ako naman ay parang nabunutan ng tinik. Pero naiwan tuloy ako sa terror na virgin na hindi ako tinatantanan ng masamang tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/114998539-288-k90990.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate Series 2: Zairah Wintei Zee
De Todo"You are my wife! Kukunin ko lang kung ano ang akin! Ang matagal ng akin Zai. This womb is once with my child at sisiguraduhin kong ito pa rin ang magdadala ng mga anak ko, your heart even if it's full of hatred it's still mine. At huwag na huwag ka...