chapter34

16.9K 360 16
                                    

Zai pov

"Ma'am andiyan po si sir Gideon." Nagtataka man, ngunit tumango na lang ako kay manang. Ano kaya ang sadya ng lalaking iyon sa'kin? May nangyari bang masama sa anak ko? Sa huling naisip ko ay nakaramdam ako ng pag-aalala kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras.

"Kayo muna rito manang at pagnaluto na po ang pancakes paki dalhan po kami sa labas pati juice na rin po." Tumango ito kaya agad na lumabas ako mula sa kusina upang sadyain ang aking panauhin na nasa sala.

Pagdating ko sa sala nakita ko si Gideon na komportableng-komportable na nakaupo sa sofa habang hawak-hawak ang cellphone at waring may katext.

Sa kilos nito parang wala namang masamang nangyari kaya ano naman kaya ang dahilan ng pagpunta nito rito? Hindi naman kasi nito kasama ang anak namin.

"Anong kailangan mo?" Iniangat nito ang mukha at binulsa sa jeans nito ang cellphone. Nakangiti itong nakatingin sa'kin. Anong nangyari rito? Nabagok ba ang ulo nito? Grabe si kuya o' ngiti ng ngiti na parang inspire dahil nakita si crush. Baka nga katext nito.

"Nalaman kong na may sakit ka raw sabi ni Zerrah kaya nagdala ako ng prutas para sa'yo." Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Wala naman akong sakit at isa pa kung meron man bakit naman ito dadalaw para bigyan ako ng prutas?

May nakain ba itong lason at nagkakaganito ito ngayon, pake niya ba kung mamatay ako sa sakit.

"Ano ba talaga ang kailangan mo Gid? Wala ang anak nating si Zerrah dito 'di ba andon siya ngayon sa bahay mo?" Nangunot ang noo nito at tumayo saka lumapit sa'kin muntik pa akong umatras shete! Kung hindi ko lang talaga naiisip na baka isipin ng gungong na 'to na apektadong-apektado ako, tiyak na napahiya ako.

Inilagay nito ang kamay sa noo ko waring tinitingnan ang temperatura ko. Sinabi ng wala akong sakit e'! Ang tigas ng ulo!  Hindi sa babang ulo 'a, 'yung nasa taas.

"Tama wala ka ngang sakit." I rolled my eyes at him -yan kasi hindi naniniwala.

"Ano ba kasi ang sadya mo--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang dumating si manang na may dalang pagkain inilapag nito sa mesa ang pancakes, dalawang basong strawberry juice at napalunok ako ng  laway sa huling nilapag nito shemay muntik ko ng makalimutan ang PINYA.

"Ma'am dinala ko na po agad ang Pinya 'di ba po gusto n'yo pong kumain nito.?" Masayang tumango ako. Naaakit ako sa pinya gusto ko na tuloy iyon sunggaban. Shit gusto ko ng kumain
Kaya lang may panira.

"Manang pakidala na rin po itong dinala ko sa kusina." Sabi ni Gideon at binigay ang supot kay manang ako naman ay ngumiwi dahil naaninagan ko ang loob no'n.  At Parang gustong bumaliktad ng sikmura ko ngunit pinilit ko pa rin ang sarili ko na huwag sumuka mahirap na't may audience pa ako.

"Manang salamat." Maikling sambit ko saka umupo na sa sofa. Tumango ito sa'kin at kay Gideon saka umalis

Hindi ko pinansin ang mga titig ni Gideon, at kinuha ko na lamang ang platito na may slice ng pinya saka kinuha ang tinidor para masimulan ko ng kainin ang kanina pang hinahanap ng panlasa ko.

"Akala ko ba hindi ka kumakain ng pinya? Kaya nga dinala ko ang paborito mong grapes at apple." Natulos ako at hindi nasubo ang pinya. Patay! Tiningnan ko ang nagtatanong nitong mga mata.

Saka pinakalma ang sarili ko at hinarap ang nag-uusig nitong mga mata.

"E' ano ngayon? Ang grapes ay paborito ko NOON iba na ang NGAYON minsan kasi kailangan mong ilet go ang mga nakasanayan mo, lalo na kung hindi mo na ito gusto." I said saka sinubo ang pang-huling slice ng pinya.

"Edi riyan lang 'yon.  Malay mo bumalik ang pagkagusto mo sa prutas na dinala ko, saka iyon naman talaga ang NAUNA kaya tiyak na hindi mo ito basta-basta malilimutan, huminto ka lang sandali pero hindi magtatagal hahanapin pa rin ng panlasa mo ang mga prutas na paborito mo." Ako lang ba? Dahil napapansin kung may ibang meaning ang mga pinagsasabi nito. Tsk siguro guni-guni ko lamang ang lahat.

Hate Series 2: Zairah Wintei Zee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon