chapter 31

16.7K 355 12
                                    

Zai pov

Umahon ang galit sa puso ko sa narinig na sinambit nito.

Nagpumiglas ako ngunit dahil sa malakas ito at nanghihina ako hindi ako nakatakas at napahagulgol na lamang.

"I hate you! I hate you! Tinawag ko ang pangalan mo pero hindi ka dumating! Hindi kita superman Gid kasi ikaw mismo ang nanakit sa'kin! Ikaw! Wala ng iba Gideon sobra na hindi mo ako hinayaang mahalin ka bagkus paulit-ulit mo akong sinaktan upang bumitaw." Nanghihina ako, yumuyugyog ang balikat ko sa pag-iyak hindi ko na mapigilan ang emosyon ko sobrang sakit na kasi e'.

"Umasa ako Gid, umasa ako! Na baka sumagi sa isip mo ang pangako mo! Na hindi mo ako hahayaang masaktan pero anong nangyari? I was left in this room broken beyond repair. Para akong manikang pinagsawaan Gid! Now how can I call you my hero? Tell me! Oo manika Gid paulit-ulit na halos hindi ko magawang ikilos ang katawan ko, halos hindi ko makilala, halos gusto ko na lamang burahin ang buong buhay ko. Tila dumilim lahat, sinisi ko ang sarili ko pero wala naman akong magawa dahil nangyari na, nasira na ako. Pero ikaw ba? Nakaya mo ba? Nakaya mo bang isipin na baka pagod na ako? Na baka hirap na ako? Na baka kailangan ko rin ng masasandalan? Na baka tinatawag kita bilang kaibigan at asawa ko? Hindi naman kita pinilit na mahalin ako pabalik e' pero alam mo ang hinihingi ko? Respeto, pang-unawa at kaibigan mula sa'yo pero wala.. dahil iba binigay mo sa'kin, marka ang binigay mo na nag-alis ng respeto ko sa sarili ko, at nagbigay sa'kin ng impyerno. Kaya ngayon Gid sino ka ba sa buhay ko?" Naramdaman ko ang pagbasa ng balikat ko dahil sa patak ng luha na hindi galing sa'kin kundi kay Gid kasabay nito ay hinarap ako nito and then there I saw him crying which make his eyes redish.

I can't help but sobbed asking myself why does he need to cry? Nagiguilty ba ito? Pero 'di ba paghihiganti itong ginagawa niya?

Kaya bakit pa kailangan ipakita sa'kin ang ganiyang bagay?

Para ba mas lalo niya akong mapaniwala?

"I'm sorry if I'm not here when they did it, I'-Im sorry that your king was blinded, hindi ko nakita na nandito lang pala ang reyna ko na naghihintay at umaasa fuck! I never treated you as my queen but I treated you like a slave. ang sakit na makita ang asawa ko na naghihirap, ang bestfriend ko na dating may saya ay wala na, I broke you Z. Alam ko 'yun hindi ko magawang tumitig, alam ko paulit-ulit." hikbi 'yan ang mga sinasagot ko rito parehong nagsipatakan ang mga luha namin hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi iyon gusto kong magtanong pero hindi ko magawa.

What does he mean?

Alam niya ba?

Kaya ba ganito siya?

"K-kita ko kung paano nila ginawa 'yon how you scream my name hinihintay na maligtas ka mula sa mga kamay nila pero hindi ako dumating, kung pwede lang ibalik baka sana hindi ka nasaktan, kung pwede lang Z, hell I-I'm a bastard for not believing you, at masakit pa ni rape ko ang sarili kong asawa dapat mas pinaramdam ko sa'yo ang pagmamahal hindi tulad ng ginawa nila na binaboy ka. Oo hindi ako naiiba sa kanila. Isa akong demonyo Z, and I regret it. I really regret it because I can see the consequences." I cried sa kaalamang alam niya! Naiinis na pinagsusuntok ko si Gideon. Because how dare him! Alam kong nagiguilty siya kaya ganito, saka bakit ngayon niya lang na realize kung kailan wasak na wasak na ako.

Ano pa ang mapupulot ko sa nasira ko ng pagkatao?

Maibabalik ba ng sorry niya ang lahat ng mga nawala?

Mababalik ba kung ubos na ubos na ako?

"H-huli ka na! Wasak na wasak na ako, alam mo? Pinarusahan mo ako G-Gid sa kadahilanang minahal kita! Sobra- sobrang parusa Gid. Kaya napagod na akong lumaban, I have nothing to give, nothing to sacrifice or nothing to fight for, at wala na akong makapang pagmamahal sa puso ko kundi poot! At sakit. Gusto kong maghiganti pero saan ako magsisimula? Gusto kong matapos na ang sakit pero paano Gideon? Paano ba gawin ang sarili mong manhid?" Niyakap ako nito hindi ko na magawang magpumiglas dahil sa hinang-hina ako. Sa nanlalabong paningin ay pinilit ko aninagin ang buong lugar at napangiti ako ng mapait.

Hate Series 2: Zairah Wintei Zee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon