chapter11

17K 401 12
                                    

Zai pov.

I sigh while driving, nakaka-stress kasi talaga ang mga araw na nagdaan, dahil sa lalakeng 'yon. Tapos dagdag pa ang business kung saan ang daming dapat asikasuhin saka ayoko naman itong pabayaan dahil ito na lang ang naiwan ng mga magulang ko.

Mariin na kinagat ko ang aking ibabang labi, if only andito pa sila hindi ako mahihirapan ng ganito. Pero ang gagawin ko na lamang ngayon ay tutupadin ko ang lahat ng mga pinangarap namin nina mama at papa isa na roon ang magkaroon ng resort sa iba't ibang panig ng pilipinas.

at ito nga papunta ako sa isang restaurant para I-meet ang ka-appointment ko. Na-eexcite ako dahil I have this appointment with the owner of this resort that I really want to have. Simula nang makita ko ito sa kauna-unahang pagkakataon.

Kaya pina-arrange ko agad ang meeting ko sa owner para sabihing bibilhin ko iyon para gawing family resort. Kaya lang noong una tinatanggihan ako pero sa huli pumayag na rin daw ang may-ari.

I was snap from my thoughts when I heard my phone ringing, kinuha ko iyon at inaccept ang call.

"Hello ma'am nabigay ko na po ang annulment papers." Kumunot ang noo ko. Pang-ilan na ba ito? Sa dami ng pinadala ko sa gagong 'yon e' ewan ko ba kung bakit ni isa walang bumalik sa'kin na may pirma nito. Nakakaimbyerna na talaga ang lalakeng 'yon. Pirma lang ang hinihingi ko pero ang hirap nitong ibigay sa'kin! Ano pala ang gusto niyang mangyari 'yung pagsabayin kami ng Alison na 'yon?! That slut! And gold digger? Never!

Fuck! Sumasakit ang ulo ko.

"Thanks Mr. Odde." Sabi ko saka binabaan na ito ng tawag. Sana naman ngayon may babalik na sa'king annulment papers na may pirma nito dahil nakakasawa na.

Inihinto ko ang kotse ko sa harap ng restaurant saka nilagay ang phone ko sa pouch ko saka bumaba ng kotse.

I was dress in black dress na hanggang mid thigh with grey blazer, my dress show a little bit of my cleavage. Malay ko ba baka lalaki ang imimeet ko tapos mahumaling sa alindog ko at ibebenta agad ang resort nito shet! ayan na-activate na naman ang kapilyahan ko.

Nagtaka ako at napalinga-linga dahil sa nakita kong walang katao-tao ang restaurant na pinasukan ko.

Pero napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang biglang may sumulpot na babae sa harap ko.

"Ma'am are you Mrs. Emerson?" Itatama ko sana ang sinabi nito ngunit natahimik na lang ako nang bigla nito akong hinawakan sa braso, bwisit naman oh! Sinabihan ko na ang sekretarya ko na gamitin ang Monseratt kong apelyido kapag mag-aarrange ng meeting dahil sinusumpa ko ang apelyido na Emerson kaya nga gusto ko ng ma-annul para maalis na ang apelyido na 'yon na nakadikit sa pangalan ko. Pero putek naiinis na ako sa babaeng humihila sa akin hindi kasi nakakatuwa.

"Ma'am we're here in the VIP. Pumasok na po kayo at hinihintay po kayo ni sir." Andito na pala kami hindi ko man lang napansin. Nabwibwisit kasi ako.

I nodded then she walk away. Grabe naman itong imimeet ko masyadong OA may pa-VIP room pang nalalaman.

Pinihit ko ang seradura at saka pumasok ngunit natigilan ako ng makarinig ako ng matinis na tili.

Wait? May sunog ba?

Ngunit nang lumapit sa'kin ang babaeng tumitili doon ko lang ito nakilala.

"Geneva?" Teka anong ginagawa nito dito at kung andito ito edi andito din si....

"Wife come here." Shit! Nagpout si Geneva at ako natulala lamang sa bumunggad sa aking mga mata. Hell! Nasa impyerno ba ako?

"Naku tawag na tayo ni halimaw." Anong nangyayari? Hinawakan ako ni Geneva sa braso at dinala ako papalapit sa dalawang taong nakaupo kaharap ang isang mesa na may lamang masasarap na pagkain.

Hate Series 2: Zairah Wintei Zee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon