Zairah pov
Nakakatuwa na sa dami kong pinagdaan sa kaniya rin pala ang bagsak ko. We finally had find each other happiness and contentment but time flies so fast at dadating din ang araw na ang susunod na yugto ay magsisimula. Pero bago mangyari 'yon gusto ko muna magawa kong alisin lahat ng galit sa puso ko. Gusto ko maging masaya 'yung totoo at buong-buong saya.
"M-mama tandaan mo gagawin ko ang lahat para makapaghiganti because I saw him mom. I saw my father at hindi ako titigil hangga't 'di ko siya mapapabagsak. I will make him suffer. I promise d-dahil 'yun din ang ginawa niya. Hindi niya tayo hinanap. Lalagyan ko ng dumi ang pamilya niya. Tandaan mo mama 'di pa tapos ang lahat. Namatay ka man na hindi ka niya kapiling pwes paparusahan ko siya!" Natigilan ako nang may makita akong isang batang lalaki na nakaitim. Hula ko ay kaedad nito si Zerrah. Rinig na rinig ko ang sinabi niya nakakalungkot na sa mura nitong edad ay puno na ito ng poot. Lalapitan ko na sana ito ngunit hindi ko ito naabutan dahil agad itong tumakbo.
Papunta sa isang kotse, mula doon may nakita akong taong sumalubong rito na tila ba hinihintay talaga ito, ewan ko ba pero parang kilala ko ang likod ng taong 'yun.
Napabuntong-hininga ako sana 'yung batang 'yon ay magkaroon ng kalinawan. Sana lang ay hindi siya mapuno ng poot sa paglipas ng panahon. Tsk, naglakad ako papunta sa pakay ko sa lugar na ito.
Ang makaharap si Allison. Napangiti ako at umupo sa harap ng puntod ni Allison saka inilapag ang bulaklak na hawak ko sa gilid ng puntod nito.
"Allison." Ang pangalan nito ay noon nagbigay sa'kin ng impyerno hindi ako makapaniwala na ngayon nababanggit ko na ito na walang takot o poot.
"Alam mo hindi ko lubos maisip na makakaharap kita ulit At ito nga magpapasalamat ako sa'yo dahil ikaw ang nagpatatag sa akin noon na akala ko lahat ay bangungot pero naisip ko kung hindi dahil sa'yo hindi ako magiging malakas at hindi ko magagawang harapin ang mga pagsubok na may tapang. Isa pa nasabi sa'kin ni Gideon na ikaw rin ang may dahilan kung bakit siya natauhan. Salamat Allison. Sana matahimik ka na riyan at maging masaya dahil pinapatawad na kita. Ang tagal man nitong nangyari pero ito ako ngayon andito na ako Allison." Dumaloy ang luha mula sa aking mga mata hindi dahil sa takot o ano man kundi dahil sa saya. Saya sapagkat sa wakas nakuha ko na ang kapayapaan at kalayaan na matagal ko ng hiningi. Ngayon ganap na akong nakawala sa gapos ng nakaraan.
"Mom halika na sabi ni dad 'di ba pupunta pa tayo sa doctor at ipapacheck up si baby?" Pinunasan ko ang luha ko saka dahan-dahan ng tumayo. Mahirap kasi sapagkat lumalaki na ang tiyan ko, I sigh.
May araw na makakabawi rin ako sa'yo Allison, Piping pahayag ko
"Sige halika na anak." Tumalikod na ako saka hinawakan ang kamay ng anak ko para sabay na maglakad.
"Alam mo mama may nakilala akong batang lalaki kanina pero nakakapagtaka na may nakita akong galit sa mga mata nito. Galit ata siya sa'kin sabi pa nga niya mang-aagaw raw po ako." Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
"Natanong mo ba kung bakit niya nasabi iyon?" Umiling ang anak ko saka napayuko.
"Tumakbo siya agad pagkatapos niyang sabihin na gaganti siya. Alam mo mama wala naman po akong ginawang masama kaya bakit kaya niya 'yon sinabi?" Pati ako hindi ko rin alam pero away bata lang naman 'yon at hindi na dapat iyon isipin. Ang importante ay ang pamilyang binubuo namin ngayon, Hinaplos ko ang buhok ng anak ko.
"Huwag mo na 'yon isipin baka hindi iyon sadya na sabihin sa'yo ng batang lalaki at kung wala kang ginawang masama edi wala kang dapat ipag-alala." Sumilay ang ngiti sa labi ng anak ko saka tumango. Buti na lang at nawala na ang lungkot sa mga mga nito. Ayaw na ayaw ko kasing nakikitang nasasaktan ang anak ko dahil mahal na mahal ko ito. She's my treasure at gagawin ko ang lahat para maprotekthan ko ito.
"Tama ka mama. Hindi ko na iyon iisipin. At kapag nagkita kami ulit ng bata. Tatanungin ko siya kung bakit siya galit sa'kin at kapag may kasalanan talaga ako edi ako mismo ang hihingi ng tawad. 'Di ba 'yan ang turo niyo sa'kin ni papa?" Pinisil-pisil ko ang pisnge nito nagpapasalamat ako dahil nabigyan ako ng napakabait na anak.
"Syempre! Dapat magmana ka kay mama na sobrang bait." Sabi ko sabay tawa na kinaismid nito.
"Tsk, kailan pa kaya?" Napatigil ako sa pagtawa at ngumuso grabe naman 'tong anak ko hindi man lang sumakay sa trip ko.
"At nga pala sabi ni papa dadaan tayo kina tita Raven mamaya. Bibisitahin natin ang mga babies. Sayang nga lang at naging girl silang lahat. Kung hindi naku may bf na sana ako." Ako naman ngayon ang napataas kilay. Hindi nito alam kung gaano gabi-gabi akong nagdadasal na sana babae ang anak ni Raven. Shete ang bata pa kasi nito para magkaroon ng boyfriend. At nakakatakot talaga 'yung pag-usal nitong nagsasabing pag-aari na niya ang anak ni Raven. Salamat na lang talaga at babae ang anak ng bruha.
"Ahm mister salamat 'a." Kumunot ang noo ko ng matanaw ko na ang asawa ko na may kumakapit na higad sa braso nito.
"GIDEON TUXX." Madiing pahayag ko na kinalingon ng hudyo at ng talandi. Umiling iling si Gideon at ang babae naman ay nakatingin sa'kin na puno ng pagtataka. Tinanggal ni Gid ang kamay ng babae at natatarantang nilapitan ako.
"Oh ow." Mahinang sambit ng anak ko ngunit 'di ko ito pinansin at nakatuon lang ang pansin ko sa higad na babae. Inis na sinamaan ko ito ng tingin.
"Sugarpie it's not what you think tinulungan ko---" Tinaas ko ang aking kamay para huminto ito sa sasabihin nito. And I signal Zerrah to go to the car na ginawa naman nito agad.
Kaya hinarap ko na ang babae. Na pangisi ngisi pang nalalaman habang pinapasadahan ng tingin si gideon aba't ang talandi.
"Ikaw babae ka may asawa na 'tong nilalandi mo kung gusto mong magpakamot sa iba ka dahil sa akin lang 'tong lalaking nilalandi mo at ako lang dapat ang kamutin nito at akin lang ang hotdog niya huwag kanang makisawsaw at 'yang nangangati mong pekpek sa pader mo ikiskis nang mawala ang mga kuto!" Nakangangang iniwan namin ang babae at hila-hila ko si Gideon
"Z please M-maniwala ka hi--"
Hinarap ko ito at kinintalan ng isang halik sa labi."Huwag kang mag-alala G may tiwala ako sa'yo. Sana nga lang hindi mo 'yon sirain. Mahal kita at ikaw ang asawa ko kaya ikaw ang aking paniniwalaan kaysa sa mga malandi. Bwisit naman kasi 'yang mga babae parating nakasunod sa'yo." Ngumisi ito at niyakap ako.
"Pero ikaw ang pinakamaganda sa kanila. Ikaw ang pinakamatapang at mapagmahal na asawa. Bukod sa lahat ikaw rin ang babaeng mamahalin ko ng buong puso hanggang sa huling hininga ko. Wala na akong pakealam sa ibang babae tanging ikaw na lang ang nasa puso ko. Mahal na mahal kita at ikaw lamang. Dumaan man ang madaming pagsubok sabay natin iyon haharapin." I smile at tumingkayad para abutin ang labi nito sa isang mabilis ngunit mapusok na halik.
"Hoy babae nakita mo iyon 'di ba? Kaya chupe akin na siya." Pahiyang-pahiya na pumasok sa loob ng kotse nito ang babae saka pinaandar na iyon ng mabilis. Tumawa ako ng malakas. Tsk, Bitch!
"Ang harsh mo talaga wife pero gusto ko 'yung selosa mong side. You look more gorgeous." Ayieeh kinikilig ako teh.
"Halika na para mapacheck up na natin kung anong gender ni baby." Tumango-tango ito at hawak kamay kaming naglakad.
Nagpapasalamat ako dahil sa huli nakuha ko rin ang sayang matagal kong pinangarap sana nga lang ay magtagal ito. Sana manatili itong matatag kahit may dumating muli na unos.
Unos na hindi ko pa alam pero alam kong may masasaktan na naman.
Unknown pov
"You kill my mother at hindi kayo dapat na maging masaya I will be back at sisiguraduhin ko na makukuha n'yo ang paghihiganting hindi n'yo makakalimutan. I will ruin the family that you have at sisiguraduhin ko na dadanak ng luha. Ipapatikim ko sa inyo ang pakiramdam na mawalan ng pamilya." Tiningnan ko ang papalayong kotse.
Maghintay kayo hintayin n'yong ako mismo ang gigiba sa inaakala n'yong tatagal na pamilya.
😍😍😉😉😉😗😀😁😁😁😍😍😁😁😘
Yan para po ito kay @kamiyamy
Dahil mukhang nabibitin pa po siya.'yan na po ang ending and see you in 2nd gen.
BINABASA MO ANG
Hate Series 2: Zairah Wintei Zee
Acak"You are my wife! Kukunin ko lang kung ano ang akin! Ang matagal ng akin Zai. This womb is once with my child at sisiguraduhin kong ito pa rin ang magdadala ng mga anak ko, your heart even if it's full of hatred it's still mine. At huwag na huwag ka...