Prologue
NAKARAMDAM ng inis si Dianne sa driver ng Taxi na sinasakyan niya. Mag aalas otso na ng umaga at tila mahuhuli pa siya sa kanyang appointment dahil sa sobrang bagal ng pagmamaneho nito sa Taxi. Kung maaari lang sigurong bumaba siya sa kahabaan ng EDSA ay ginawa na niya sa sobrang inis sa driver. Mas mabilis pa yata siyang tumakbo kay sa Taxi nito. Minabuti na lamang niyang makinig ng music sa kanyang ipod habang hindi pa siya nakarating sa kanyang destinasyon.
"Argh" galit na sambit niya sa isipan ng muling tingnan ang kanyang orasang pambisig ay alas otso medya na nang umaga.
"Diyos ko naman! Wala na bang ibibilis ang Taxi na ito?" tanong niya sa sariling hindi na maipinta ang mukha at napabuga na lamang siya ng hangin ng biglang makatanggap ng mensahe mula sa pinsang si Sabrina Rose na kasosyo niya sa pinatayong flowershop. Binasa niya ang nakasulat at muling napabuntong hininga sa pakisuyo nito. Ayon dito ay kung pwede niyang silipin ang simbahan kung saan may magaganap na kasalan mula sa kliyente nila ng pinsan dahil hindi makakarating ito at may biglang dumating na bagong offer nang dealer nila sa kanilang shop sa Quezon City. Kapapatay lang niya ng kanyang cellphone ng muling magring ito at kinabahan siya ng makita ang pangalan ni Mr. Wong na dapat ay ime-meet niya ng alas otso ng umaga sa Wong Shang Hae Coffee shop na pag aari nito.
"Good morning, Mr Wong, I'm sorry for-
"Ms. Arnaiz, I have an emergency meeting this morning and I can't talk to you regarding the flowers that we ordered from your shop. But I'll meet you this afternoon 3:00 pm at same place." bungad kaagad ni Mr. Wong kung kaya't hindi naituloy ng dalaga ang paghingi ng paumanhin sa kanilang korean customer para sa opening ng new business ng mga ito. Napahinga ng maluwag ang dalaga sa narinig at sinagot ang sa kabilang linya.
"It's okay Mr. Wong, no worries. See you then at 3:00 o'clock this afternoon in your coffee shop." nakangiting saad niya dito at ini-off ang kanyang cellphone ng magpaalam na ito sa kanya.
"Mas mabuti pa sigurong sa simbahan na lang ako tutuloy" anas ni Dianne sa sarili at binalingan ang driver ng Taxi at sinabi niya ditong tutuloy na lamang sa Christ The King Church na nasa, Greenmeadows Quezon City.
"WOW! Ang ganda naman." Namanghang saad ni Dianne sa kanyang sarili na inikot ang paningin sa loob ng simbahan. She was amazed to see her favorite flower na walang iba kundi ang Roses na nakapalamuti sa paligid. Maganda ang pagkakaayos ng mga ito at tila bagong pitas lang dahil sariwang sariwa pa ito at nangingibabaw ang mabangong amoy ng rosas sa paligid. Pinagsawa muna niya ang mga mata sa magagandang rosas at nilapitan si Dearlie, na abala sa pag aassist sa mga abay.
After a couple minutes ay humakbang siya pakaliwa para makita ang iba pang mga bulaklak na nasa dulo while she was still staring at the bunch of roses na nasa altar, nang may nakabangga sa kanyang lalaki dahilan ng pagka out of balance ng kanyang katawan at muntik ng matumba kung hindi maagap ang lalaki sa paghapit sa kanyang bewang before she fell down the floor. Napasinghap siya ng malanghap ang scent ng pabango nitong tila kay sarap amoyin. At ganun na lamang ang pagkabog ng kanyang dibdib ng magtaas siya ng kanyang mukha at makita ang napaka-gwapong mukha ng kanyang nakabangga.
"Careful young lady." nakangiting saad nito habang hawak pa rin siya nito sa kanyang bewang at inilalayang makatayo.
"I'm sorry, I didn't mean-
"Everybody, back in your line now! The bride is already here!" may kalakasang wika ng baklang assistant ni Dearlie na siyang nag oorganize sa kasalan. Nang biglang tila nataranta at di mapalagay ang lalaking kanyang kaharap.
"Excuse me, I have to go." ani nitong tumalikod na sa dalaga para pumunta sa mga nakahanay nang mga abay na nasa bungad ng simbahan. Sinundan na lamang ng tingin ni Dianne ang di nakilalang lalaki at nanghihinayang na napabuntong hininga.
"Sino kaya siya?" kinikilig na tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan pa rin ang lalaking nakabangga na nag umpisa nang maglakad papuntang altar nang sumalang ang malamyos na musika na nagsilbing wedding march. Pupunta na sana siya sa may bakanteng upuan ng makatanggap ng tawag sa kanyang cellphone. Mabilis siyang lumabas ng simbahan para hindi masita dahil sa may kalakasan ang kanyang ring tone at ganun na lamang ang pagkadismaya niya ng masagot ang tawag mula sa kanyang kinikilalang amang si Mr. Marcelino Arnaiz na kapatid ng amang maagang sumakabilang buhay. Pinapapunta siya nito sa opisina at may mahalagang sasabihin kaya't napilitan na lamang siyang lisanin ang simbahan at hindi na muling nasilayan ang may ari ng gwapong mukha na nakabanggaan niya kanina.
HINDI maipaliwanag ni Lance, sa sarili ang kaligayahang nararamdaman habang pinagmamasdan ang kanyang mapapangasawang naglalakad sa aisle palapit sa kanya sa altar. In a few minutes, ay magiging asawa na niya ang kanyang kasintahang si Liezel Jans.
"After two years, you will be my wife Liezel." masayang saad niya sa sarili.
"At pagkatapos ng kasal natin, ay dederetso na tayo sa El Bonita Rosa, doon tayo bubuo ng ating magiging anak, at mamuhay tayong masaya sa gitna ng paraiso." muling saad niya sa sarili habang ini-imagine niya ang magiging reaksyong ng mapapangasawa pag nakita nito ang pinatayo niyang bahay sa isla ng El Bonita Rosa. Pangarap na talaga niyang manirahan sa isla kasama ang kanyang mapapangasawa at si Liezel nga iyon. She did not know that he owned a house in the famous island in Palawan, just for her. And she don't even know if he's a member of The Rose Emperors. Ang gusto ni Lance ay mamahalin siya ni LiezeL bilang siya, at hindi dahil sa siya ay isang Rose Emperor ng sikat na isla sa Palawan o ano pa man. Kaya niya itinago ang lahat dito. And after this wedding, ay aaminin na niya ang lahat sa kanyang asawa.
Napabalik sa reyalidad ang pag iisip ng binata ng marinig ang malakas na bulong-bulongan ng mga bisita at ganun na lamang ang kanyang pagkabigla ng makitang patakbong palabas ng simbahan ang fiancee niyang si Liezel habang hawak hawak ng dalawang kamay ang wedding gown na itinataas nito para hindi sagabal sa pagtakbo.
"Liezel!" malakas na tawag niya dito na naguguluhan. Habang ang mga bisita ay mas lalong lumakas ang bulong-bulongan na nakasunod ang mga tingin sa bride na patuloy sa pagtakbo palabas ng simbahan.
"What's happening son?" nagtatakang tanong ng daddy niyang nabigla rin sa pagtakbo ng kanyang fiancee. Hindi na sinagot ng binata ang ama at mabilis na sinundan ang fiancee niyang si Liezel habang tinatawag ang pangalan nito.
BINABASA MO ANG
Someone To Love (Complete)
RomanceSomeone To Love By: CatchMe "Yes I know I wasn't perfect when we fought and cried all those nights. But the passion that we have is too strong, to give up the fight." Teaser Lance Miguelle Lancero One of the most handsome Bachelors of The Rose Emper...