ALAS-DOS na ng hapon nakarating si Lance sa Antipolo mula pa sa Isla ng El Bonita Rosa sa Palawan gamit ang kanilang private plane ng sapilitan siyang pinapunta ng kanyang abuelang si Donya Marciela sa bahay nila sa Antipolo. Ayon dito ay ngayong hapon siya makikipagkita sa babaeng Dianne Clarisse ang pangalan na siyang mapapangasa niya.
"That witch! Ano kaya ang pumasok sa kukote ng babaeng yun para pumayag na magpakasal sa akin? O di kaya gusto niya ring magpakasal sa akin dahil sa kayamanang maaari kung manahin kay lola Marciela?" inis na bulong ni Lance sa sariling naglalakad papasok sa malaking bahay nila. Dinig na dinig niya ang nakasalang na classic song na paborito ng kanilang abuela.
"Miguelito!" masayang sambit ng kanyang abuelang sinalubong siya ng yakap at hinalikan sa pisngi nito na ginantihan naman ng binata.
"How's your trip Miguelito?" dagdag pa ng kanyang abuela na akay-akay na siya nito papunta sa malawak na living room.
"Okay lang po lola, kinakamusta ka pala nina mommy at daddy. Kung pwede daw ay magbakasyon ka naman sa Isla para makalanghap ng sariwang hangin." sagot niya ditong inakbayan pa ang abuela.
"Yes, Miguelito. uuwi ako sa Isla El bonita Rosa para saksihan ang kasal niyo ni Dianne." masaya namang sagot ni Donya Marciela sa apong si Lance.
"Lola!? Ni hindi ko pa nga nakikita ang mukha ng babaeng yun, tapos magpapakasal na agad ako sa kanya?! What if kung pera lang habol niya sa atin? O di kaya ay naghahangad siya ng popularidad dahil kilalang tao tayo lola? At siya pala ay isang gold digger at balang araw ay nanakawan lang pala tayo.!? Akala mo ba papayag ako ng ganun ganun nalang lola?!" sunod sunod na saad ni Lance na agad ipinakita ang pagka dis-gusto sa babaeng gusto nitong pakakasalan niya.
"Lance Miguelle!" mataas ang boses na sambit ni Lola Marciela na halatang nagalit sa tinuran ng apong si Lance. "How could you say that word to that inoccent girl? Huwag kang basta basta manghusga sa isang taong hindi mo pa nakikilala ng lubusan!" galit ang rumihistro sa mukha ni Donya Marciela nang husgahan kaagad ng apong si Lance ang kanyang kaibigang nakilala sa simbahan ng Antipolo.
Bigla namang natahimik si Lance ng maramdamang nagalit ang kanyang abuela.
"Shit! My big mouth!" napabuga siya ng hangin at mahinahong nagsalita muli.
"I'm sorry lola. I did not mean it." hinging paumanhin niya dito kahit nagpupuyos ang kanyang kaloob-looban sa babaeng mas kinampihan pa ng kanyang abuela.
"Kung nagawa mong lokohin at utuin si Lola, pwes ako, hinding hindi mo mauuto at maloloko! Sigaw ng kanyang isipan.
"Well, as what I said. Gusto kong pakasalan mo si Dianne. Dahil alam kong magiging mabuti siyang asawa para sa 'yo -"
"No lola! I won't do that! Ayokong magpakasal sa taong hindi ko kilala lalong lalo na ang taong hindi ko mahal!" agaw ni Lance sa sinasabi ng abuela.
"At sino ang gusto mong pakasalan? Si Liezel na pinahiya ka sa harap ng maraming tao? Na iniwan ka sa altar?! Lance Miguelle, wake-up! Matagal nang nangyari yun. At hindi ka niya mahal kaya ka niya iniwan. Kailangan mong tanggaping tapos na ang lahat sa inyo at kailangan mo nang mag move-on. Tigilan mo na ang umasang babalikan ka pa niya dahil malabo ng mangyayari yun! It's almost three years nang nangyari yun hijo. Kailangan mong pagtuunan nang pansin ang iyong sarili. Sana maisip mo naman na hindi ka na bumabata." mahabang litanya ni Donya Marciela.
"So kaya mo pinapakialaman ang buhay ko lola? I know what I'm doing, at hindia pa rin ako magpapakasal sa Dianne na 'yan!" sagot naman niya sa abuela.
"Kung ayaw mong pakasalan si Dianne, then sisiguraduhin kong ni singko, wala kang makukuhang mana mula sa akin Miguelito!" galit na namang saad ng Donya.
BINABASA MO ANG
Someone To Love (Complete)
RomanceSomeone To Love By: CatchMe "Yes I know I wasn't perfect when we fought and cried all those nights. But the passion that we have is too strong, to give up the fight." Teaser Lance Miguelle Lancero One of the most handsome Bachelors of The Rose Emper...