Chapter Three

9K 184 0
                                    

Chapter Three

Bumulaga kay Lance ang miyembro ng Rose Emperors ng buksan niya ang pinto papasok sa El Bonita Rosa La Mancion, ang kanilang tambayan o hideout ng grupo kapag may magaganap o tapos na ang meeting sa Hotel & Resort ng isla, na nasa tuktok ng mataas na bahagi ng isla ng El Bonita Rosa. Dito sila tumutuloy lahat na miyembro at nagba-bonding tulad ngayong araw. Kakatapos lang ng kanilang meeting na idinaraos sa opisina ng hotel, kaya maraming myembro ang nagkakagulo sa La Mancion. Treck, Gian, Ludwig, Lael, and Keifer were talking about sports habang nakaupo sa veranda. While Thorn, Briar, Factor, Zayne, Zinger and his younger brother Liam were talking about the Rose farm. At ang nasa mini bar ng La Mancion naman ay sina Matt, Nate, Rojoef, and Jacob, at Zach na masayang nag iinuman while talking about thier Business. Sina Erssian, Baileys, Flaire at Exudos naman na nakaupo sa sala ay seryosong nag uusap na tila may mga problema. He stepped toward the sliding glass door at tumayo doon. He saw the beautiful views of the island right from the glass door where he stood. Madalas siyang dito tumayo dahil sa magandang tanawin na nakakarelax sa kung sinumang makakita nito, lalo na ang malinaw na karagatan na kulay asul. Habang sa likod na bahagi ng La Mancion, ay may malawak na veranda na makikita ang plantasyon ng Rosas. Ito ang kanyang iniiwasang makita. Ang malawak na plantasyon na nagpapaalala sa kanyang fiancee. He took a deep breath at ibinulsa ang dalawang kamay sa suot niyang itim na slacks. There he was again. Nakatanaw sa malayong bahagi ng karagatan, until something on his mind flash back three years ago.

Muli siyang napabuntong hininga ng maalala ang naudlot na kasal sa fiancee niyang si Liezel. Kung natuloy lang sana ang kasal nila ay siya na ang pinakamasayang nilalang sa mundo. But sad to say, tinakbuhan siya ng kanyang bride habang siya ay nakatayo at naghihintay sa harap ng altar. Ganito nalang ba siya palagi tuwing aapak sa Isla ng El Bonita Rosa? Lahat ng pangarap niya three years ago ay naalala niya kasama na ang babaeng minahal niya na ititira sana niya dito sa isla? Napailing siyang nakatanaw ang mga mata sa dagat nang maulinigan ang tunog ng kanyang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang slacks.

"Lola Marciela?" nakakunot ang noong sambit niya sa sarili ng makita ang pangalan ng kanyang abuela sa screen. Ayaw sana niyang sagutin ito at baka pipilitin nanaman siyang makipagdate sa mga apo ng mga kaibigan nito. Pero patuloy na umiingay ang kanyang cell phone kaya't napilitan siyang sagutin na lamang.

"Yes lola?" sagot niyang nakatingin ang mga mata sa karagatan.

"What took you so long to answer your phone Miguelito?" bungad kaagad ng kanyang abuela. Ito ang ayaw niya sa ugali ng kanyang lola na kahit simpleng bagay na hindi dapat bigyan ng importansya o panahon ay pinupuna nito.

"I'm sorry lola, nasa banyo kasi ako kanina." kaila na lamang niya para hindi na humaba ang kanilang usapan.

"I see. Oh, by the way, I want you to come here in Antipolo tomorrow afternoon." saad ng abuela niyang nasa kabilang linya at muling napakunot ang noo.

"Why lola? Kanina nga lang ako dumating dito sa isla, pinapabalik mo na agad ako? I thought dadaan pa ako sa branch natin sa Iloilo?" mahinahong tanong niya sa abuela. "Ano na naman kaya ang pumasok sa utak ni lola? At kailangang babalik ako agad sa Antipolo?" tanong niya sa sarili na nakikinig sa sinasabi ng kanyang abuela sa kabilang linya at ganun na lamang ang pagtaas ng kanyang boses.

"What?! Lola, you're kidding right?" hindi makapaniwalang reaksyon niya dito.

"No, I'm not Miguelito. As what I said, I want you to marry Dianne as soon as possible. So be here tomorrow afternoon at magkikita na kayo ng mapapangasawa mo para pag usapan ang inyong kasal." ma-awtoridad na wika ng kanyang abuela sa kabilang linya.

"Lola! You can't do that! You don't have a right para pakialaman ang buhay ko.!" napataas siya ng boses dahil sa nakaramdam na siya ng inis sa pakikialam ng kanyang abuela sa kanyang buhay. Natahimik naman ang lahat na mga kaibigan niya at napatingin sa kanya habang may kausap siya sa hawak na cell phone.

"Sinong kaaway ni Lance?" bulong ni Thorn kay Liam na nakakabatang kapatid ni Lance.

"Maybe, it's Lola Marciela. Si Lola lang naman ang nagpapataas sa dugo niyan. You know lola Marciela right? What she wants, she gets. Kahit ayaw mo pa ay wala kang magawa dahil sa iyon ang kagustuhan ni Lola." napailing na sagot ni Liam kay Thorn.

"At ano naman kaya ang napag usapan nila ni Lola Marciela? At kung makareact itong si Lance, eh parang katapusan na ng mundo niya?" natatawa namang sambit ni Briar.

Natawa na lamang ng mahina si Liam sa sinabi ni Briar.

"I think, its about women." saad niyang sinuntok ng mahina sa dibdib ang binata.

"I remember when I visited Lola Marciela sa Antipolo, pinilit siyang makipag date ni lola sa apo ng kaibigan nito. Ayun si Lance, parang mamatay sa galit dahil pinapangunahan nanaman siya ni Lola when it comes to his personal life. You know Lance, ayaw niyang pinapakialan ang buhay niya especially his love affair." napailing na sagot niya sa mga kaibigan.

"Poor, Lance." sabad naman ni Zayne na nakatingin rin kay Lance na nakatalikod sa kanila at patuloy na kinakausap ang lola nito.

"Hindi pa kasi nakapag move-on sa break-up nila ni Liezel, kaya siguro pinakialam na siya ng Lola niyo Liam." ani rin ni Factor na nakatingin din sa kinatatayuan ni Lance.

"Maybe.." sagot na lamang ni Liam sa mga ito at ibinalik ang atensyon sa naudlot nilang pinag uusapang apat tungkol sa farm ng rosas na nasa kabilang bahagi ng isla.

"Wether you like it or not, Miguelito. You have to marry her or else mawawalan ka nang mamanahin mula sa ari-arian ko!" muling sagot ni Lola Marciela na mas lalo pang sumulak sa dugo ni Lance sa narinig. Oo inaamin niyang dugo't pawis ang ipinuhunan niya para makamit lamang ang pagiging CEO sa Lancero's Shipping Line na mayroong iba't-ibang branch mula Luzon, Visayas at Mindanao. At ayaw niyang basta-bastang bitiwan ang pamamalakad sa kumpanya dahil doon niya kinikuha lahat ng pangangailangan niya. Pati na rin ang ipinatayo niyang sariling villa sa islang ito.

"You're really something lola. Ganun na ba kayo ka despiradong makakapag asawa ako?" mababa na ang boses na saad ni Lance sa kanyang abuela, nang mapagtantong nasa paligid pala niya ang mga kaibigang myembro ng Rose Emperors at nakatanaw sa kanya ng biglang tumaas ang boses niya kanina.

"My decission is final Miguelito. Be here tomorrow and we will discuss about the wedding." huling wika ng donya at ibinaba ang phone.

"What a--" napabuga na lamang siya ng hangin dahil sa natanggap na tawag mula sa abuela niyang naiwan sa Antipolo. "Bakit ba nangyayari sa akin ito? Bawat taon nalang ba ay merong mga pagbabagong magaganap sa pamilya namin?" ani niya sa sariling naisuklay ang sariling kamay sa kanyang buhok gamit ang mga daliri nito.

Parang kailan lang, nang muling dumating ang kapatid niyang si Liam sa kanilang mansyon. Mula ng kinidnap ito ng kanyang yaya. And they were all glad that after how many years ay bumalik si Liam sa piling ng kanilang pamilya. Malaking tulong sa kanilang mommy ang pagbalik ng nawawalang kapatid noon. Mula ng araw na manawala ang nakakabatang kapatid niyang si Liam ay para na ring nawalan ng gana ang kanilang mommy na mabuhay. At Ganun na lamang ang kasayahan ng kanyang ina nang bumalik ang kapatid sa kanila 10 years ago. That was the happiest moment para sa kanilang pamilya. Pero gaya nga kasabihan, sa kabila ng kasayahan ay may kasunod na kalungkutan. Dahil 3 years ago, akala nila ay tuloy tuloy na ang kanilang kasayahan lalong lalo na ng magplano na siyang magpakasal sa kanyang fiancee na si Liezel. Pero hindi. Iyon pa ang nag lugmok sa kanya para mawala ang kanyang pagkatao sa tamang direksyon. Hanggang sa isumpa niya ang rosas na dahilan ng pagkakilala nila ng fiancee niyang si Liezel. Pero hindi pa rin niya maialis sa sariling nanalaytay sa kanyang pagkatao ang pagiging Rose Emperor. Muling napabuntong hininga si Lance habang lumilipad ang isipan nito.

"And John Walt. Paano nito nakayang maglayas sa isla para makipagsapalaran sa Manila?" tanong niya sa sarili ng maalala ang bunsong kapatid na si Walt. Kung tutuusin, mabubuhay naman siya kahit hindi na magtatrabaho dahil tiyak nilang malaki ang mamanahin nito sa kanilang lola Marciela dahil ito ang paboritong apo ng donya. Dahil sa kanyang lola nito namana ang pagiging mahilig sa musika.

"Lola Marciela, you're the reason kung bakit naglayas si Walt dito sa isla." bulong niya sa sariling tila may kinakausap.

"At pati ba naman ako lola, pakikialaman mo? No! Hindi ako papayag lola sa gusto mong mangyari. Ayoko!" inis na sigaw ng kanyang utak na muling napabuntong hininga at naglakad palabas ng El Bonita Rosa La Mancion.

Someone To Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon