Someone To Love
By: CatchMe
Chapter 9
"What!?" biglang tanong ni Lance sa abuela.
"I said, doon na kayo ni Dianne sa El Bonita Rosa tumira. Di ba may bahay ka naman doon? Sayang kung hindi mo titirhan, pinatayo mo pa naman yun para sa iyong asawa. So, ngayong may asawa kana, doon nalang kayo maninirahan sa isla." muling ulit ni Donya Marciela sa apong si Lance. Kakarating lang nila galing sa bahay nina Dianne. At sa bahay nila sa Antipolo sila tumuloy.
"Pero lola-"
"Wala nang pero-pero Miguelito. Doon na kayo titira ng asawa mo." agaw na sagot ni Donya Marciela.
"Lola, sinunod ko na nga ang kagustuhan ninyong pakasalan ko si Dianne, pati ba naman ang pamumuhay namin ay pakikialaman niyo pa?" reklamo ni Lance sa abuela at ibinagsak ang katawan sa malambot na sofa.
"Titigil lang ako sa pakikialaman sa buhay mo Miguelito, kung magkaroon ka na nang anak." ani nang kanyang lola dahilan nang kanyang biglang pagtayo sa hinihigaang sofa.
"What the-" napabuntong hininga na lamang si Lance sa sinabi ng kanyang abuela at napailing na naupo muli sa sofa. "Well, okay na rin kung nasa isla kami, at nang mapahirapan ko ng husto ang babaeng yun." saad na lamang niya sa sariling napangiti ng bahagya.
"What was that for?" napalingon si Lance nang magsalita ang kanyang abuela.
"Ang alin?" nakakunot ang noong balik tanong niya sa abuela.
"That smile." tipid na sagot ni Donya Marciela sa apong si Lance.
"What about my smile?" nagtataka namang tanong ni Lance dito.
"I know you Miguelito. But let me remind you. Dianne is already your wife. Treat her as how you treated Liezel before." seryosong sambit ng kanyang abuela nang biglang gumuhit ang galit sa kanyang mukha at mabilis na tumayo at tinungo ang kanilang mini bar. Napabuntong hiningang sinundan na lamang ng tingin ni Donya Marciela ang apong si Lance Miguelle.
"Wala na bang ibibilis yang lakad mo?" inis na baling ni Lance sa asawang hila-hila ang dalawang de gulong na traveling bag at may nakasabit pang backpack sa likod nito, dagdag pa ang handbag nitong nasa kaliwang kamay. Kakarating lang nila sa Airpot ng Palawan para pumunta sa isla ng El Bonita Rosa gaya ng utos ng kanyang abuelang si Donya Marciela.
"Kung ikaw kaya ang humila nitong bag ko, eh di sana mas mabilis ang lakad ko!" inis ding sagot ni Dianne sa asawa. "Napaka ungentleman talaga nito! At kanina pa talaga ako pinapahirapan ng walang puso kong asawa!" reklamo ng utak niyang sinusundan ang asawa sa paglalakad.
"Bakit? Sino ba nagsabi sayong magdala ka nang maraming gamit? At pati yata ang kagamitan sa loob ng bahay ay isinama mo pa sa bag mo!" lingong sagot naman ni Lance dito at binilisan pa ang pag lakad.
"Aba! At ginagalit talaga ako ng hinayupak na ito!" galit na wika niya sa sariling pilit hinihila ang dalawang traveling bag. Sumasakit na rin ang likod niya sa bigat ng kanyang backpack.
"Saan ba tayo pupunta? Nangangalay na ako." reklamo niyang ibinagsak ang bakpak sa sementadong sahig ng maabutan ang asawang nakatayo na sa labas ng paliparan.
"Sa impyerno!" sagot ni Lance at muling tinalikuran ang asawa at sumakay sa taxi.
"Kitam! Sobrang sama talaga ng lalaking to! Pasalamat ka at mahal ka ng baliw kong puso, at kaya ko pang pagtiisan ang puso mong kulay itim!" inis nanamanang sambit ni Dianne sa sarili at muling pinulot ang backpack at ibinigay sa driver ng van na tinulungan siya sa kanyang mga bagahe.
BINABASA MO ANG
Someone To Love (Complete)
RomanceSomeone To Love By: CatchMe "Yes I know I wasn't perfect when we fought and cried all those nights. But the passion that we have is too strong, to give up the fight." Teaser Lance Miguelle Lancero One of the most handsome Bachelors of The Rose Emper...