Someone To Love
By: CatchMe
Chapter 6
Nagising si Dianne dahilan ng ingay ng cellphone niyang nasa kanyang bag na nakapatong sa kanyang uluhan. Nagulat pa siya nang maalalang nasa pamamahay pala siya ng binata kaya't inayos niya ang sarili at kinuha ang cellphone na nasa kanyang bag para sagutin.
"Oh no!" napangiwing anas niya ng makitang ang pinsang si Sabrina Rose ang tumatawag sa kanya, at nag alalang napatingin sa glass sliding window na madilim na ang nasa labas.
Agad niyang dinampot ang cellphone at sinagot ang nasa kabilang linya.
"Insan okay kalang ba? Nasaan kana?" sinalubong siya ng nag alalang tanong ng pinsan niyang si Sabrina na nasa kabilang linya.
"Sorry, insan. M-may importante kasi akong kausap kaya di na kita natawagan." sagot na lamang niya dito ng makita ang binatang lumabas sa kwarto nito.
"Okay lang ako, pauwi na nga ako ngayon. Pasinsya na talaga kas." dagdag pa niyang inalis ang mga tingin sa binatang lumapit na sa kanya.
"I'll be there in thirty minutes, sige ingat bye." muling sagot niya sa pinsan nang tinanong siya nito kung anong oras siya babalik sa shop. Nakalimutan tuloy niyang may pupuntahan pala sila ng kanyang pinsan na isang event ng bahay-ampunan kung saan isa ito sa mga sponsor ng mga charities na sinasalihan nito.
"Lance, Im sorry nakatulog yata ako ng matagal, di tuloy tayo nakapag-usap nang mabuti." hinging paumanhin ni Dianne sa binatang nakaharap sa kanya.
"Well, gusto kong pag usapan natin ang pinaplanong kasal ni lola, and I want you to read this and sign-
"Im sorry again, but I have to go. May hinahabol pa kasi akong event kasama ng pinsan ko at mali-late na ako. Pwedeng next time nalang?" agaw niya sa sasabihin pa sana ng binata at tumayo para tumungo sa banyo.
"Ahm, dito ba ang banyo?" baling niya sa binatang hindi nakapagsalitang nakasunod ang tingin sa kanya.
"Yes." wala sa sariling sagot ni Lance at agad namang pumasok si Dianne sa banyo nang nakayapak. Muling tiningnan ni Lance ang hawak na bond paper at inilapag sa lamesita kasama ang hawak na sign pen.
"No, kailangan mapermahan ng babaeng ito ang kontrata ko." ani niya sa sarili ng maya maya ay lumabas na rin si Dianne mula sa banyo. Nakapag hilamos na ito at pinupanasan ang mukha ng maliit na towel na nilagay niya sa banyo. Sinundan niya ito ng tingin ng muling lumapit sa sofa at kinuha ang suklay sa bag nito at nagmamadaling inayos ang sarili.
"Teka, ano nga yung babasahin ko at perpermahan?" baling ni Dianne sa binata ng makita ang nakalapag na bond paper at sign pen sa lamesita ay agad niya itong kinuha at penirmahan ng hindi binabasa.
"Ito ba yun? Okay na." nakangiting sagot niya sa binatang hindi nakapagsalita.
"Hindi mo ba babasahin kung anong nakasulat sa papel? Tanong ni Lance sa dalagang isinukbit na ang bag sa balikat nito. "Grabeng babeng ito. Kung kumilos sa pamamahay ko, akala mo siya ang may ari." ani ng binata sa sariling tiningnan nang nagtatanong tingin ang dalaga.
"Huwag na. Im in a hurry kasi. Sige, see you soon again." paalam ng dalagang isinuot ang high heels.
"Teka! Hindi na ba masakit ang paa mo?" muling tanong nang binata dito.
"Hindi na masyado." nakangiting baling ni Dianne sa binata at humakbang na palapit sa pinto ng muling tawagin ng binata.
"Sandali lang, ihahatid na kita." alok naman ni Lance sa dalaga nang palapit na ito sa pinto para lumabas.
BINABASA MO ANG
Someone To Love (Complete)
RomanceSomeone To Love By: CatchMe "Yes I know I wasn't perfect when we fought and cried all those nights. But the passion that we have is too strong, to give up the fight." Teaser Lance Miguelle Lancero One of the most handsome Bachelors of The Rose Emper...