Someone To Love
By: CatchMe
Chapter Five
Walang pakialam si Lance kung maraming mga mata man ang nakatingin sa kanila. Pinangko niya ang dalaga at tuloy-tuloy na umalis sa kanilang kinatatayuan para dalhin na lamang ang dalaga sa kanyang kotse. Kapwa nilang alam na pingtitinginan sila ng mga taong namamasyal sa mall dahil pangko-pangko niya ang dalaga sa kanyang nga bisig, ngunit ininda na lamang nila ito.
Hindi maipaliwanag ni Dianne ang nararamdamang pagkakapahiya nang bigla na lamang siyang pangkuin ng binata. Pero sa kabila ng kanyang isipan ay nagsusumigaw ang kanyang utak sa kilig dahil sa isang mala-adonis na nilalang na nagbubuhat sa kanya.
"Teka lang Lance, ibaba mo nalang ako." reklamong saad niya sa binatang binubuhat siya.
"Nyahahaha.! What a feeling." kinikilig na sigaw nang utak niyang pilit itinatago ang nararamdamang kilig para dito.
Hindi sumagot si Lance sa sinabi ng dalagang buhat-buhat niya. Patuloy pa rin siyang naglalakad at hindi na inindang pinagtitinginan sila ng mga tao nang mahagip ng kanyang paningin ang isa sa mga nadaanan nilang kinunan sila ng letrato.
"Shit!" mahinang mura niya nang kumislap ang camera na hindi kalayuan sa kanila.
"Hanggang dito ba naman ay sinusundan pa rin ako ng paparazzi?" bulong niya sa sariling pilit iniyuko para itago ang mukha. Tuloy-tuloy siyang lumabas nang mall at tinungo ang kanyang kotse at ibinaba ang dalaga buhat sa pagkapangko niya dito, nang hindi sinasadyang mapalihis ng kaunti ang suot nitong above the knee light pink dress at mas lalo pang nabunyag sa kanya ang mapuputi at makinis na hita nito. Dahilan nang wala sa loob siyang napalunok ng laway.
Mabilis na inayos ni Dianne ang suot at nagpalinga-linga sa paligid bago pumasok sa kotse nang binata nang pinagbuksan siya nito nang pintuan.
"Thank you." saad niya nang tuluyan nang makaupo at isinara nang binata ang pintuan ng kotse nito at mabilis na umikot sa driver side.
"May itinatago din palang pagka maginoo." nakangiting saad ni Dianne sa sariling sinisundan ng tingin ang binata. Sisimulan na sanang buhayin ni Lance ang makina ng kotse nito nang yumuko ang dalaga at hinimas-himas ang paa nito.
"May I see." saad ni Lance na nakatingin sa paa ng dalaga.
"Huwag na. Okay lang naman to." tila nahihiyang sagot ni Dianne na ngumiti ng bahagya sa binata.
"No, I insist. Come on, let me see." muling saad ng binata sabay yuko at tiningnan ang paa nang dalagang namumula.
"Sa Pad ko muna tayo tutuloy at nang mahilot yang paa mo." ani ng binatang binitawan ang kanyang paa at binuhay na ang makina ng kotse nito.
"Pad agad? Mapadali ang kasal natin niyan honeypie." saad ng dalaga sa sariling hindi maiwasang ang mapangiti sa naisip na kalokohan. Na hindi naman nakaligtas kay Lance ang ngiting sumilay sa labi ng dalaga.
"Ano na naman kaya ang nginingiti ng babaeng ito? Baka iniisip niyang gusto ko siya kaya ko siya dadalhin sa pad ko? In your dreams Ms Arnaiz. Never akong magkakagusto sa 'yo At once na maikasal na tayo, tiyak na pagsisihan mo ang pagpapakasal sa akin. With the help of my ten rules?" sambit ng binata sa sariling napangiti rin.
"Titingnan natin kung hindi ka mag aalsa-balutan at humingi ng divorce." muling saad niya sa sariling napahalakhak ng tawa na akala mo ay magiging matagumpay ang kanyang planong iniisip.
Nagtataka namang napatingin si Dianne sa binatang biglang napahalakhak na akala mo ay nanalo nang ilang milyong piso sa lotto.
"W-why are you laughing?" kunot ang noong taong niya sa binata na biglang natahimik at tila napahiya.
BINABASA MO ANG
Someone To Love (Complete)
RomanceSomeone To Love By: CatchMe "Yes I know I wasn't perfect when we fought and cried all those nights. But the passion that we have is too strong, to give up the fight." Teaser Lance Miguelle Lancero One of the most handsome Bachelors of The Rose Emper...