Chapter 10

7.7K 159 7
                                    

Someone to Love

By: CatchMe

Chapter 10

Napatigil sa paglalakad si Lance nang madaanan ang asawang si Dianne na masayang nakatanaw sa labas ng veranda ng kanyang bahay.

Napabuntong hininga siyang pinagmamasdan ito, habang nililipad ng hangin ang mahabang buhok nito. Tila ito isang inosenting bata na ngayon lang nakakita ng magandang tanawin sa tanang buhay nito.

Lalapitan na sana niya ang asawa ng muling maalala ang kanyang plano kung bakit sila nandito sa isla. Para pahirapan ito ng husto. Sinadya niya talagang mag commute sila patungo sa dito sa isla. Na kung tutuusin ay meron naman silang private plane at mga barko na pag aari ng kanilang pamilya. Pinuno niya nang hangin ang dibdib at pinatigas ang mukhang kinuha ang pansin nito.

"What are you doing here!? Hindi mo pa ba aayusin ang mga gamit mo? O baka umaasa ka pang may gagawa nun para sayo?" ani niya dito ng gulat itong napaharap sa kanya.

Gumuhit sa mukha nito ang pagkainis sa at tiningnan siya ng matalim bago nilapitan.

"Ang sama ng ugali mo!" inis na wika ni Dianne at tinalikuran ang asawa. "Panira ng moment ang hinyupak na ito." sambit pa niya sa sariling bumaba para kunin ang mga gamit.

Nakita niya kaninang nasa malawak na salas ang kanyang dalawang travelling bag at backpack. Inis niya itong kinuha at hinila palapit sa hagdanang may dalawampung hakbang. Inis niyang ibinagsak ang bag at binitawan ang isa. Inisa-isa niya ang paghila sa kanyang bag hanggang makarating sa taas at binalikan muli ang isa pang naiwan.

Matapos maiakyat ang dalawang bag ay sinalubong siya ng asawa at itinuro ang kanyang kwarto. Nagtataka namang napabaling siya ng tingin dito at magkasalubong ang dalawang kilay na nagtanong.

"We'll sleep in a different room?" wika niya sa asawang tumawa lang nang nakakaloko.

"Yeah. Why?" sagot ni Lance sa asawang magkasalubong ang dalawang kilay sa kanya.

"Ganito ba ang mag asawa dito sa isla? Hindi magkatabi sa kama pag natutulog?" muling tanong ni Dianne sa asawa. "Aba, paano kami makakabuo nito kung hindi kami magsasama sa isang kwarto? Excited pa naman ako sa honeymoon namin tapos ganito lang? No way! Dapat magtabi kaming dalawa! Dahil gusto ko na ring mag kaanak!" sambit niya sa sarili.

"Oh. You mean, you want me to sleep with you?" sambit ni Lance na nilapitan pa ang asawa at hinaplos ang pisngi nito. "You know what, my dear wife? I wanted to sleep with you. But sad to say, your not my type." dagdag pa ni Lance at tatawa tawang tinalikuran ang asawa at pumasok sa harap ng kwartong itinuro nito sa kanya.

"What the-" nangingit-ngit ang kaloobang napabuga nang hangin si Dianne. "Calm down Dianne, calm down. Dagdagan mo pa ang pasensya mo. Huwag kang papaapekto sa hinayupak na yun." paalala niya sa sariling sinundan ang asawang si Lance sa kwartong pinasokan nito.

Kakatok na sana siya nang maisip na pagbigyan na lamang muna ang asawa. Bukas na lamang niya ipagduldulan ang kanyang gusto at nakaramdam na rin siya ng pagod.

Kailangan muna niyang magpahinga bago makipagtalo sa asawang walang puso. Muli siyang bumalik at kinuha ang dalawang bag at pumasok sa kwartong kaharap lang nito. Matapos ilapag ang dalawang bag ay agad niyang ibinagsak ang pagod na katawan sa malambot na kama. Hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.

Madilim na ang paligid nang magising si Lance. Hindi na niya namalayang nakatulog pala siya nang matagal.

Agad niyang binuksan ang lampshade na nakapatong sa maliit na lamesita sa gilid nang kanyang kama. Tiningnan niya ang orasang pambisig at gulat na napabalikwas nang malamang mag aalas nuebe na nang gabi. Lumabas siya nang kanyang kwarto at sinalubong siya nang dilim nang buksan niya ang pinto.

Someone To Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon