Someone To Love
By: CatchMe
Chapter 11
"Shit!" mahinang mura ni Lance nang maisara ang pintuan ng kanyang kwarto. "Bakit ba ako nagpapaapekto sa babaeng yun?" aniya sa sariling tinungo ang bintana at tumingin sa kawalan. "Liezel, where are you? Kailan ka babalik? MatagaI na akong naghihintay sayo, at mahal pa rin kita. Ikaw lang ang mamahalin ko at wala nang iba." bulong niya sa sariling napabuntong hininga.
Matapos maghugas nang plato ay umakyat na si Dianne. Balak sana niyang pasukin ang asawa at kausapin, pero nag aalinlangan siyang magagalit nanaman ito. Kaya tinungo na lamang niya ang kanyang kwarto at inayos ang mga gamit at nagpalit nang damit pantulog.
Lumapit muna siya sa bintana ng matapos ayusin ang kanyang mga gamit at tumanaw sa kabilang bahagi kung saan nag kikislapan ang mga ilaw sa resort.
Ilang minuto pa siyang nakatayo sa harap ng bintana at bumuntong hiningang bumalik sa kanyang kama at muling natulog.
Malakas na katok ang nagpagising kay Dianne. Agad siyang bumaba sa kama at pupungas pungas na binuksan ang pintuan nang bumulaga sa kanya ang hubad na katawan na tanging jeans lamang ang suot at pawisang mukha nang asawa.
"Alas dyes na. Wala ka bang planong magluto?" bungad agad ni Lance sa asawa ng pagbuksan siya nito.
He took a deep breath nang makitang kinukusot pa nito ang sariling mata at tila inaantok pa. "Why is she look so inoscent pag bagong gising?" ani Lance sa sarili.
Kagagaling niya lang mula sa mahaba-habang pag jo-jogging at pag eexercise sa harap nang bahay.
"Ha? Ah, m-magbibihis lang ako." nabubulol na sagot ni Dianne sa asawa at lihim na napalunok. "Shaks! Sino ba ang hindi mapapalunok kung ganito ka gwapo at ka machong adonis ang bubulaga sa 'yo araw-araw?" anas niya sa sariling tatalikod na sana para magbihis ng damit pambahay nang bigla siyang pigilan ng asawa sa kamay.
Nagtataka namang napatingin siya dito at nagtatanong ang mga mata.
"Sino ba ang pina-pagandahan mo dito sa bahay at kailangan mo pang magpalit ng damit? Wala nang ibang lalaki dito, kaya tama na yang suot mo at hindi naman ako interesado sayo." wika ni Lance at hinila na ang asawang naka damit pantulog pa rin.
"Teka nga. Kay aga-aga yan kaagad ang isasalubong mo sakin? How sweet naman." inis na wika ni Dianne sa asawang hila hila siya sa kamay. "Bitawan mo ang kamay ko! Marunong naman akong maglakad, at mahirap na, baka mainlove kapa sa akin at kainin mo ang sinabi mo." saad pa niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito at nauna nang bumaba sa hagdanan.
Naiwan namang natigilan si Lance at napaisip ng malalim sa sinabi nang asawa at natatawang napailing. "Ako? Ma-inlove sayo? Never!" ani niya sa sariling pumasok na lamang sa kwarto at naligo.
Kanina pa nakatunganga si Dianne sa kusina. Nakasaing na siya ng kanin, ngunit hindi naman niya alam kung anong ulam ang lulutuin. Kinuha na lamang niya ang tirang adobo kagabi at nilagay sa kawali para initin. Kumuha siya ng limang itlog at hotdog na nasa freezer at nilagay sa lababo.
"Paano ba ito lutuin?" bulong niya sa sariling napakamot sa ulo. "Kung bakit kasi hindi ako ni mama pinapaluto sa bahay eh. Wala tuloy akong alam sa pagluluto." saad pa niyang kinuha ang itlog at biniyak. "Ang alam ko, may mantika yung itlog. Tama!" ani niya sa sariling nilagay ang nonstick pan sa apoy at nilagyang nang mantika. Nang umusok ang kawali ay binuhos niya ang limang biniyak na itlog. Sabay sigaw ng ubod nang lakas.
Biglang kinabahan at mabilis na tumakbo pababa si Lance nang marinig ang sigaw nang asawang tinatawag ang pangalan niya.
Naabutan niya itong patuloy na sumisigaw at tatalon talon habang nag aapoy ang kawaling nakasalang sa apoy.
"Miguelle! Miguelle! Help!" patuloy na sigaw ni Dianne na hindi alam ang gagawin. Takot na takot ang kanyang nararamdaman nang biglang sumiklab ang apoy sa loob ng kawali.
"What's wrong! Oh shit!" sambit ni Lance na mabilis na pinatay ang stove at kinuha ang kawali at nilagay sa lababo.
"Miguelle.." ani Dianne nang makita ang asawang mabilis na inalis ang kawali sa stove.
"What do you think you're doing!? Susunugin mo ba ang bahay ko!?" baling ni Lance sa asawa nang biglang matigilan nang makita ang takot sa mukha nito at biglang napayakap sa kanya.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdam nang dumait ang katawan nito sa kanya at bigla na lamang siyang nakaramdam ng pag alala sa asawa. Hindi niya alam kung paano pawiin ang takot na nakikita sa mata nito, but embrace her is good enough para maipahiwatig ditong she's safe habang nasa tabi siya nito.
Hindi nila alam kung ilang minuto sila sa ganuong sitwasyon, hugging each other habang nakatayo sa kusina.
"I'm sorry.." mahinang saad ni Dianne na inilayo ang sarili mula sa asawa nang humupa na ang kanyang takot.
"Are you okay?" nag alalang tanong ni Lance dito.
"Yeah. Nabigla lang ako kanina." wika naman ni Dianne nang nakayuko.
"Don't you know how to cook?" tanong ni Lance sa asawang hindi makatingin sa kanya. Umiling lamang si Dianne bilang tugon sa kanyang tanong.
"Geez. Nag-asawa ka pa? Eh hindi ka naman pala marunong magluto. Magugutom ang asawa mo sayo kung ganun." muling wika ni Lance.
Naiinis namang tumingin ang asawa sa kanya.
"Hayaan mo, mag-aaral akong magluto para sayo! Mahirap nang pumayat ka, at biglang lumiit ang malabakal mong abs!" inis na sagot ni Dianne at tinalikuran ang asawa at muling kumuha ng itlog.
"Huwag ka nang magluto." wika na lamang ni Lance. "Ayusin mo nalang ang sarili mo, o di kaya ay maligo ka nalang at sa labas na tayo kakain." dagdag pa ni Lance na tinalikuran ang asawa at muling bumalik sa taas nang bahay.
"Sa labas? Saan kaya? Baka sa resort. Well maganda rin pala ang resulta nang nasunog na itlog, at makakarating din ako sa resort." saad ni Dianne sa sariling binalik muli ang hotdog sa freezer.
Umakyat na rin siya sa kanyang kwarto at naligo sa sariling banyo na nasa loob ng kanyang kwarto. Matapos mag ayos ay excited na siyang lumabas at kinatok ang asawa sa kwarto nito.
Natigilan si Lance nang pagbuksan ang asawang may ngiti sa labi.
"Tara na!" excited pang yaya nito. Tiningnan muna niya ito mula ulo hanggang paa at nakakunot ang noong nagsalita.
"Wala kana bang mas magarang damit?" nagtataka namang napatingin si Dianne sa sarili.
"Why? What's wrong with this?" aniyang muling sinipat ang suot na damit. "Marumi ba? Magpapalit na lang ako." wika pa niyang tumalikod at bumalik sa sariling kwarto. "Teka lang. Malinis naman to ah?" bulong ni Dianne sa sarili ng tiningnan ang kanyang reflection sa salamin sa kanyang kwarto.
"Damn! Bakit naman ako
Magrereact nang ganito? Ano ngayon kung ganun kaiksi ang suot nitong short? Ano ngayon kung pag pyestahan man ng kalalakihan ang maputi at makinis niyang binti? Ano ngayon kung maglalaway man ang lahat na mga kalalakihan sa resort dahil sa kagandahan ng kanyang asawa. Ano ngayon kung-" hindi natuloy ni Lance ang pagmamaktol ng isipan nang biglang matigilan.
BINABASA MO ANG
Someone To Love (Complete)
RomanceSomeone To Love By: CatchMe "Yes I know I wasn't perfect when we fought and cried all those nights. But the passion that we have is too strong, to give up the fight." Teaser Lance Miguelle Lancero One of the most handsome Bachelors of The Rose Emper...