Chapter 8

8.3K 181 2
                                    

Someone To Love

By: CatchMe

Chapter 8

"After this, pwede ka nang umuwi." ani ng binata kay Dianne na nagtatakang napatingin sa kanya.

"What?" biglang tanong naman ni Dianne na hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Lance.

"Sabi ko, pwede ka nang umuwi pag katapos nito." ulit pa nito sa kanya.

Napamaang namang nakatingin si Sabrina Rose sa kanilang dalawa ni Dianne.

"What do you mean by that?" naguguluhan pa ring tanong ni Dianne kay Lance na asawa na niya.

"Ay, mahirap bang intindihin? O masyadong nabo-"

"Don't dare to say that word Lance Miguelle.!" mariing sambit ni Dianne na itinaas pa ng bahagya ang isang kilay sa asawang si Lance. "Remember, I'm your wife now para pagsabihan nang ganyan!" dagdag pa niya dito.

"Aba, kakakasal nga lang namin eh, palalayasin kaagad ako? Napaka-walang konsiderasyon talaga nito. Dapat mag ho-honeymoon muna!" ani niya sa sariling tinitingnan pa rin ang asawa sa mata.

"Insan, di ba dapat kailangan mong umuwi? Para ipaalam mo kina tita ang pagpapakasal mo. Tiyak na magugulat silang lahat pag nalaman nilang nagpakasal kana." saad naman ni Sabrina na nasa likod ni Dianne.

Napalingon na lamang siya sa pinsan at napag isip-isip ang sinabi nito sa kanya.

"Well, may point ka diyan insan. Pero hindi naman pwedeng mag isa lang akong haharap sa kanila. Dapat kasama ko ang asawa ko pag sinabi ko kina mama at papa na nag asawa na ako-" natigilang saad ni Dianne nang biglang sumagot si Lance sa sinasabi niya sa pinsang si Sabrina Rose.

"What!? No way! Sabihin mong mag isa. Huwag mo akong idamay sa-"

"Anong hindi idamay!?" agaw naman ni Dianne nang biglang tumutol ang asawa sa suhestyon niya sa pinsan.

"Asawa na kita Lance Miguelle. Ika nga 'til death do us part. Tapos pagharap lang sa magulang ko, naduduwag ka!?" mabilis na sagot niya dito.

"Huwag na huwag mong sasabihin na duwag ako! Dahil hindi ako naduduwag-"

"Kung hindi ka naduduwag, bakit ayaw mo akong samahan para sabihin kina papa na kasal na tayo?" hamon naman ng dalaga sa asawang tila umandar nanaman ang pagka supladito nito at napalingon sa dalawang binatang biglang natawa.

Galit namang binalingan ni Lance ang dalawang kaibigang sina Brad at Francis na biglang natawa sa bangayan nilang dalawa ng asawa.

Samantalang nagugulohang palipat-lipat ng tingin si Sabrina Rose sa kanilang mag-asawa at iniyuko ang ulo ng magtama ang paningin nila ng binatang si Francis.

"I told you Dianne-"

"Wala kang sinabi!" agaw ulit ni Dianne dito. "Para matapos na ang usapan, mas mabuti pang samahan mo ako sa pagharap kina mama. Isa pa, ikaw itong nagyaya sakin magpakasal ngayon. And you planned it without letting my parents know about your decision. So, this is your responsibilty to face them and tell them the truth that we're already married. Tapos ngayon hindi mo sila haharapin? Hindi ba kaduwagan ang tawag dun? Aba! Baka gusto mong ma-shotgun ni papa?" sambit pa ni Dianne na sumilay ang napipigil na ngiti sa labi nang makitang nadagdagan nanaman ang galit sa mukha ng asawang si Lance na sasagot pa sana, ngunit hindi na naituloy nito ang sasabihin ng inakbayan at binulungan ng kaibigang nitong si Brad.

"Pare, para di na kayo mag away dito at maisakatuparan mo ang mga plano mo, bakit di mo nalang harapin ang magulang ni Dianne?" mahinang sambit ni Brad sa tenga ni Lance. Dahilan nang pagtahimik nito at maya maya ay napabuntong hiningang tiningnan ng matalim si Dianne.

Someone To Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon