Finale

15.4K 385 36
                                    

Someone To Love

By: CatchMe

Finale

Liezel, I'm sorry. But three years are long enough para magbago ang pagmamahal ko sa 'yo. Try to understand me, please. Mahal kita, pero noon yun. At ngayon, may nagmamay-ari na sa aking puso. Ayaw kong dayain ang sarili kong patuloy na paniniwalaan na ikaw ang mahal ko. Dahil sa kaibuturan ng aking puso ay si Dianne ang hinanahanap nito. I'm sorry for doing this Liezel. I'm sorry and please forgive me." mahabang wika niya at yuko ang ulong tinalikuran ang dalagang lumuluha.

"Lance Miguelle!" napahinto sa paghakbang na napalingon siya sa dalagang pinunasan ang luha. "You're right. Siguro nga makasarili ako kung aagawin pa kita sa babaeng mahal mo. Naiintindihan kita at tinatanggap ko ang desisyon mo kahit masakit sa akin. Yes I know, na malaki ang pagkakamali ko nang iwanan kita noon. You deserve to be happy Lance Miguelle." lumuluhang wika ng dalaga. "Go, on Lance. Hindi ako hadlang sa inyong pag iibigan."

Napatakbo pabalik ang binata at niyakap ang dalagang lumuluha. "Thank you, Liezel. Thank you so much." sinserong wika ng binata.

"Sige na, puntahan mo na siya." natatawang tulak nito sa kanya na muling pinunasan ang luha na agad namang sinunod ng binata.

Masayang siyang bumalik sa event hall at hinanap si Dianne ng salubungin siya ng kapatid na si Liam.

"Ano na naman ang ginawa mo kay Dianne?" nagtataka ang binata sa sinabi ng nakakabatang kapatid sa kanya.

"What do you mean?"

"Anong ginawa mo sa kanya, at bakit patakbo siyang umalis palabas dito sa event hall habang umiiyak? Hanggang kailan mo ba sasaktan at paiyakin si Dianne, ha?" matalim ang mga tinging ulit ni Liam.

"What the- oh shit!".

Nagmamadaling siyang umalis palabas ng event hall nang makuha ang ibig sabihin ng kapatid.

"Dianne where are you?" ani niya nang hindi makita ito sa pasilyo ng hotel at patakbong tinungo ang elevator at idiniin ang button.

Pinahid ni Dianne ang mga luha ng bumukas ang elevator. Agad niyang tinungo ang exit para makaalis kaagad sa lugar na iyon. Ngunit hindi pa man siya nakalabas, ay gulat siyang napaigtad ng may humawak sa kanyang braso.

"Miguelle-" agad na binawi ng dalaga ang braso. "Bitiwan mo ako."

"No, Dianne. Kailangan nating mag-usap."

"Tama na Miguelle! Ayoko na. Ayoko nang ipagpatuloy ang kahibangan ko. Mas mabuti pang bumalik ka na kay Liezel, at huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin. Dahil suko na ako, at sinisiguro kong ito na ang huling pagki-kita natin!" ani niya at mabigat ang mga paang iniwan ang binata.

"Dianne Clarisse Arnaiz!" malakas na sigaw ni Lance dahilan nang pagtigil sa paglalakad ng dalaga at pagtitinginan ng mga tao na naroon sa hotel. "Yes I know I wasn't perfect when I ran and lied all those times. But the passion that we have is too strong to give up the fight!"

"M-Miguelle.." nanigas ang katawang dahan-dahan siyang napaharap sa binatang nakatayo ilang hakbang lang ang layo sa kanya. "Am I dreaming?" bulong niya sa sariling pinahid ang luhang namuo sa kanyang mata.

Walang pakialam ang binata kung pinagtitinginan man sila nang mga tao sa paligid. Ang importante lang sa kanya ay bumalik ang dalaga sa piling niya at itama ang pagkakamaling ginawa niya dito.

"I want you to know that since the day you left me.. I realize how important you are to me Dianne and I admitted that I made a lot of mistakes."

Hindi mapigilan ng dalaga ang tuloy tuloy na pagbagsak ng pinipigilang luha sa narinig mula dito.

Someone To Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon