Someone To Love
By: CatchMe
Chapter 20
Desidido na si Lance na putulin ang ugnayan kay Liezel mamaya kung saan ay dadalo din ito sa "Bal des Roses" o Ball of the Roses, sa Palazzo Contreras na isa sa pinaka luxurious hotels sa bansa.
Ilang araw nang dumaan nang huli silang magkita ni Dianne nang mag guest sila sa isang talk show.
Mula ng araw na iyon tinimbang niya sa kanyang puso kung sino ba talaga ang mahal niya. And finally nakadecide na rin siya kung sino ang pipiliin niya sa dalawa. And that is Dianne Clarisse at wala nang iba.
Matagal nang nakatayo sa lobby ng hotel si Dianne at nag uurong sulong siya kung papasok o hindi sa event hall ng Palazzo Cotreras.
Muli silang nag usap ni Donya Marciela kahapon na dapat siyang dumalo sa big event ng taon kung saan pinagungunahan ng Rose Emperors ang nasabing event.
"Nandito na rin lang naman ako kaya't itudo ko na."
Itinuloy niya ang paglakad ng salubungin siya ng napakalaking ice sculpture sa lobby ng hotel, na tila diyosang nakaupo sa gitna ng napakaraming bulaklak, at may hawak na isang rosas sa kamay.
Sa likuran naman ng iskulturang yari sa yelo ay ang engrandeng marble staircase ng hotel.
Napasinghap siya ng masilayan ang chandelier na nakasabit sa itaas ng grand staircase at maging sa animo'y prusisyon ng mga tao, ang mga babaeng nakasuot lahat ng mamahaling gowns, habang ang mga lalaki ay makikisig sa suot nilang tuxedos na nakikita lamang niya sa palabas sa t.v.
Huminga muna siya ng malalim bago lumapit sa head butler ng party na nakapwesto sa tuktok ng hagdanan, sa may gawing entrance ng grand hall.
Ini-abot niya ang hawak na invitation card na bigay ni Donya Marciela at sinabi ang kanyang pangalan sa head butler na siyang nag-aannounce ng mga pangalan ng bisita sa buong grand hall.
"Dianne Clarrise Arnaiz Lancero!"
Malakas na sambit ng head butler ang nagpalingon kay Lance at sa iba pang mga besita sa entrada ng event hall.
"Pare, your wife is here? I though hindi siya makakarating." wika ni Lael na sinundan din ng tingin ang pababa na sa hagdan ang dalaga.
"Oo nga dude! Bantay sarado ka na niyan kay misis." natatawang segunda naman ni Matt.
"Shut up, bro!" ani niyang tinalikuran ang grupo at sinalubong si Dianne.
"Dianne, you came.." niyakap niya ang dalaga at ginawaran ng magaang halik sa labi.
"It's because of lola Marciela." naco-concious na hinanap ng kanyang mga mata ang abuela ng binata.
"She's here, come on."
Napasunod siya sa binata ng hilahin siya nito patungo sa mesa ng pamilya nito.
Masayang sinalubong siya ng kambal na sina Sybil at Shairabelle na humalik sa kanyang pisngi.
"Good evening po, m-mom, dad." napipilitang bati niya sa magulang nang binata na malugod siyang niyakap ng mga ito.
"Lance said, you're not feeling well hija. Kaya hindi ka makakarating. But thanks god, you're here now. We though you're pregnant kaya masama ang pakiramdam mo." nakangiti pa nitong sabi na siyang ikinapula ng pisngi ng dalaga.
"Hija, I'm glad na pinaunlakan mo ang imbitasyon ko." masayang niyakap ni Donya Marciela ang dalaga na iginaya sa table na walang masyadong tao.
"Napag isipan ko po ang sinabi niyo lola. Siguro oras na para mag usap kami ni Miguelle tungkol sa relasyon namin."
"Tama ka hija, salamat at napagbigyan mo ang kahilingan kong makipag-usap sa kanya. I assure you, na mahal ka talaga ni Miguelito. Believe me hija, mahal ka niya." nakangiting hinawakan ni Donya Marciela ang kamay ng dalaga at niyakap.
Napabuga ng hangin ang binata at humakbang patungo sa table nina Liezel. Kakarating lang nito at pansamantang iniwan muna si Dianne kasama ang kanyang pamilya.
Desidido na talaga siyang putulin ang relasyon niya dito ngayon din alang-alang sa pagmamahal niya kay Dianne.
Oo nga at masasaktan si Liezel, pero hindi na niya kayang dayain pa ang sarili. Nilapitan niya ang dalaga na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan nitong galing din sa buena familia.
"Liezel, can we talk?"
"Yeah sure, sweety. Excuse us, guys." baling nito sa mga kaibigan at sumama sa binata. Humantong silang dalawa sa hall way na malayo sa karamihan. "Sweety, what is it? Napalayo na tayo sa party."
Tumigil ang binata sa paglakad at hinarap ang dalaga. "Liezel.."
"Yes? What is it?" nagtataka ang mukhang napatingin ang dalaga kay Lance.
"Liezel, I-I'm sorry. Gusto ko nang tapusin ang relasyon nat-"
"Sweety, ano bang pinagsasabi mo? Will you please stop joking." biglang agaw ng dalaga.
Hinawakan ng binata nang dalawang kamay ang balikat ng dalaga. "No! Liezel. I want to stop this! Ayoko nang ipagpatuloy ang relasyon natin."
"Pero sabi mo mahal mo pa rin ako di ba?" namumuo ang mga luhang wika ng dalaga.
"Oo mahal kita Liezel. Mahal na mahal kita, dahilan ng ilang taong pagkakulong ng aking pagkatao sa isang kahilingang babalik ka. And you did it, Liezel. Bumalik ka nga pagkatapos ng mahigit tatlong taon. At inaamin kong lubos akong nasiyahan sa iyong pagdating. Pero, may problema itong puso ko. Dahil wala sanang pagbabago sa pagmamahal na nararamdaman ko sayo, kung hindi lang pumasok sa buhay ko si Dianne."
Nag excuse muna si Dianne na tutungo sa comfort room nang makaramdam ng tawag ng kalikasan.
Nagtanong siya sa isang waitress na naglalakad habang namimigay ng wine sa mga besita. Itinuro naman nito ang hall way at sinabing lumiko na lamang sa dulo at makikita na niya ang comfort room. Nakayukong tinungo niya ang hall way na malalim ang iniisip. Kanina pa niya hinahanap ang binata at gusto na niya itong kausapin. Pero hindi niya makita. "Saan na kaya pumunta yun?" ani niya sa sarili nang marinig ang pag uusap ng dalawang taong natatakpan ng artificial na puno sa dulo ng hall way.
"Sweety.."
"Liezel, tulad ng sinabi ko mahal kita. walang dudang minahal kita mula noon hanggang ngayon. At kahit ano ay kaya kong ibigay sayo dahil sa mahal kita. Ikaw ang babaeng nagpabaliw sa pagkatao ko ng ilang taon. At ngayong nandito ka, bumalik na sa tamang pag iisip ang puso ko. You brighten my mind sa lahat ng gumugulong katanungan sa isip ko. And thank you for that Liezel."
"Sweety, Mahal kita. Ilang taon ko ring dinadala sa puso ko ang pagmamahal na ipinagkait ko sayo! Pero nandito na ako, at gagawin ko ang lahat, huwag kalang mawala sa akin. Please sweety, magsimula ulit tayo ." naiiyak na napayakap ang dalaga sa malapad na dibdib ng binata.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ni Dianne na agad siyang tumalikod at mabilis ang mga hakbang na nilisan ang hall way. Hindi na niya napigilang pumatak ang kanyang mga luha at hindi na rin niya ininda ang nakakasalubong na mga besita nang tuloy tuloy siyang dumaan sa bulwagan para tunguhin ang grand staircase ng malaking event hall ng Palazzo Contreras.
"Dianne, What happened?" Napalingon siya ng marinig ang boses ni Liam na bigla siyang hawakan nito sa braso. "Why are you crying?"
"Liam, I have to go." iniwas niya ang tingin at binawi ang braso mula sa pagkakahawak nito. Hahabulin pa sana siya nang binata nang lapitan ito ni Miyaka.
BINABASA MO ANG
Someone To Love (Complete)
RomanceSomeone To Love By: CatchMe "Yes I know I wasn't perfect when we fought and cried all those nights. But the passion that we have is too strong, to give up the fight." Teaser Lance Miguelle Lancero One of the most handsome Bachelors of The Rose Emper...