Chapter 17

9K 189 5
                                    

Someone To Love

By: CatchMe

Chapter 17

"Are you okay?"

"Yeah, thanks Liam." muling bumagsak ang luha ng dalaga.

Kakarating lang niya sa kanilang bahay mula sa El Bonita Rosa sa Palawan. "Liam, I want you to keep it as a secret muna. Ayaw kong malaman ng lahat na fake ang kasal namin ni Lance. Let him be the one to tell everybody that our marriage is not true. I mean-"

"Makakaasa ka Dianne. I know what you're feeling right now. If you need my help, don't hesitate to ask." agaw ni Liam sa dalaga. He embrace her para mabawasan ang hinanakit ng dalaga sa kapatid. Na kahit sa ganung paraan ay may karamay at masasandalan ang dalaga.

"Thanks, Liam. I'll go ahead." ani ng dalaga ng makita ang kinikilalang magulang na masayang lumabas sa kanilang bahay para salubungin siya. Inayos muna niya ang sarili at pilit na ngumiti para hindi mahalata ng mga ito na galing siya sa pag iyak.

"Dianne.. Pag isipan mong mabuti ang desisyon mo. Alam kong mahal mo si Lance, at sobra kang nasaktan sa iyong natuklasan. But you have to give him a chance to explain everything. Malay mo, napasubo lang pala siya. You hava to be strong, and forgive him. Face him para alam mo ang totoo niyang nararamdaman." Dianne's hug him and thank him again.

"Thank you, Liam. Yes I will. But, what if hindi naman niya hinihingi ang kapatawaran? Nakita mo naman kanina diba? Ni hindi niya nagawang lapitan ako at mag explain. Mas pinili niya si Liezel, than me." masama ang loob na wika ng dalaga nang biglang mapalis ang lungkot sa kanyang mga mata nang tuluyan ng makalapit ang kanyang kinalakihang magulang.

"Welcome home hija." masayang niyakap si Dianne ng kanyang magulang nang magtakang napatingin sa kanyang kasamang binata. "Who is he? Where's Lance Miguelle?" nakakunot ang noong tanong ng kanyang papa Marcelino.

"Ahm, he's out of town pa. At dalawang linggo siyang mawawala. So minabuti ko na munang magbakasyon dito sa bahay kasi na miss ko rin kayo ni mama." mabilis na sagot niyang niyakap ang magulang. "By the pa, ma, siya po pala si Liam Jeathro. Kapatid po ni Lance."

"Magandang hapon po sir, maam." bati ng binata na kinamayan ang mag asawa.

"Magandang hapon din hijo. Walang dudang magkapatid nga kayo ni Lance. Pareho kayong gwapo, diba hija?" natatawang wika ng ama ni Dianne na mainit na tinanggap ang kamay ng binata.

Niyaya muna nang mag asawa si Liam sa loob ng kanilang bahay at pinaghanda ng miryenda. Pagdaan nga tatlumpong miNuto ay nagpaalam na rin ito sa dalagang aalis na at may pupuntahan pa daw umano ang kanilang main branch ng Shipping Line.

Naiwang nakatulala si Dianne na nakaupo sa sofa. She was thinking about the secret she'd discover at hindi na naman niya napigilang mag init ang mga mata at mangilid ang kanyang luha. Mabilis niyang pinahid ito at patakbong umakyat sa kanyang kwarto at nagkulong.

"Sweety, you're staying here tonight?" malambing na tanong ni Liezel sa binata.

Nasa restaurant sila ng kanilang hotel at nag di-dinner. Magta-tatlong araw na itong nasa isla. Masaya siyang humarap sa fiancee at tumango. Sumigla ang mukha ng dalaga sa tugon ng binata. "By the way sweety, I want to show you something." anitong may kinuhang maliit na kahon sa bag nito.

Napakunot ang no-ong napatingin ang binata sa hawak na box ng dalaga.

"Her, remember this sweety?" binuksan nito ang box at tumambad ang kumikinang na singsing.

"Yeah."

"You've said three years ago before I leave, you want me to keep this. And if ever I decide to come back here, nandito ka lang at naghihintay sa akin. Now I'm back! 'Cause I found out that in three long years, ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko. And I decided to stay here for good and marry you sweety because I love you!" madamdaming wika ni Liezel na ikina-bigla ni Lance.

Someone To Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon