Someone To Love
By: CatchMe
Chapter 7
"Pare, effective kaya itong gagawin natin?" bulong ng isang binata sa kaibigang nakasuot ng kulay puti na polo habang nakatingin sa kaibigang si Lance kausap ang babaeng mapapangasawa daw umano nito ayon sa lola ng kaibigang si Lance.
"I dont know, pare. Parang palaban nga ang babae. And I think, parang malaki ang tama niya kay Lance para sumugod agad dito." sagot naman ng binatang nakaputing polo sa katabing binata.
"Maganda naman ang babae pare, diba? Tsaka pakiramdam ko, may gusto din iyang kaibigan natin sa mapapangasawa niya. The way he talked to that woman? Parang nirereverse psychology niya para magpakasal sa kanya ang babae." nakangiting bulong muli ng isang binata dahilan ng pagtawa ng mga ito at biglang sumeryoso ang mga mukha nang napabaling ang tingin nina Lance at Dianne sa mga ito.
"No! It cant be! Hindi ito ang gusto kong mangyayari sa araw ng kasal ko. Nasaan na ang mga rosas sa paligid? Ayon sa pina pangarap kong kasal? Na inayunan ni CatchMe na magaganap daw umano ang aking kasal sa isang beach na napapaligiran ng bulaklak na rosas?" tanong ni Dianne sa sariling hindi alam ang magiging desisyon sa sinasabing options ng binata.
Minsan na siyang pinagsabihan ng pinsan niya na ikakasal daw siya sa isang beach na napapaligiran ng rosas na tumugma naman sa kanyang dream wedding. Samantalang ang pinsan niyang si Amyra ay garden wedding daw ang kasal nito, na nagkatotoo nga. Dahil ang pinsan niya, minsan ay may nakikitang nagaganap na kahit sarili nito ay hindi alam kung bakit nakikita niya ang maaring magaganap in the future. Ika nga ng kanilang pamilya, ay may third eye daw ito.
"Pero bakit ganito?" muling tanong niya sa sarili. "Ni wala man lang kahit na single stem of rose? Paano na ang presence ni mommy?" saad pa nito ng magsalita muli ang binata.
"So what's your plan? Tutunganga ka nalang ba or what?" muling tanong ng binata sa kanya.
"Why don't you choose the option number 2 Dianne, and go away bago mo pa pagsisihan ang lahat." muling ulit na tanong ng binata sa dalaga sa sinabi nito kani-kanina lang.
Napahinga muna ng malalim ang dalaga at nakapag isip nang kanyang desisyon.
"Why should I? I told you, I'm a fighter. Not a quiter." nakangiti na ring sagot ng dalaga sa binatang nabigla sa di inaasahang sagot niya.
"Bahala na! Lord, guide me nalang. Kahit kasalanan man ang magdesisyon ako ng walang pahintulot mula sa aking kinikilalang magulang, ay ikaw na ang bahalang ipaintindi sa kanila lord. Cause i think, I really love this man. And waiting for almost three years to know him in person is enough for me to marry him. Bahala na. Basta, magpapakasal ako sa kanya!" sambit ni Dianne sa sariling nginitian ang binata.
"What do you mean? Y-you'll marry me!?" hindi makapaniwalang tanong ng binata sa kaharap na kung kanina lang ay parang pasan nito ang mundo, ngayon naman ay parang nilipad ng hangin ang problema nito at kay tamis pa ng ngiting ibinigay sa kanya.
"Of course! Magpapakasal ako sa 'yo!" ani ng dalagang kinindatan ang binata at muling ngumiti dito.
"Argh, she's flirting with me!" anas ni Lance sa sariling napabuntong hininga.
"Okay, give me the documents that I asked you to bring so we can proceed with the ceremony right away." sagot niya sa dalaga nang biglang natawa ang dalawa niyang kaibigan at sabay silang napatingin ng dalaga sa mga ito nang nagtatanong ang mga mata kung ano ang itinatawa ng dalawa na biglang sumeryoso ng tingnan nila ng dalaga.
"I need to call my cousin first, to stand as a witness in my wedding." maya-maya ay sambit ni Dianne sa binata at kinuha ang sariling cell phone sa bag.
BINABASA MO ANG
Someone To Love (Complete)
RomanceSomeone To Love By: CatchMe "Yes I know I wasn't perfect when we fought and cried all those nights. But the passion that we have is too strong, to give up the fight." Teaser Lance Miguelle Lancero One of the most handsome Bachelors of The Rose Emper...