Chapter 19

9.9K 193 5
                                    

Someone To Love

By: CatchMe

Chapter 19

Napatingin si Lance sa suot niyang Rolex wrist watch. Five more minutes ay sasalang na siya sa stage kung saan ay inimbentahan siya ng isang sikat na T.v network sa bansa na mag guesting sa isang talk show. Kung saan ay related sa kanyang pagkatao bilang isa sa myembro ng kinikilalang Rose Emperors ng bansa na nagmula sa Palawan.

Mga myembrong kinabibilangan ng matataas na antas sa lipunan. Habulin ng medya at mga usap usapan sa matataas na sosyedad.

Dahil sa pamimilit ng kanyang abuela ay napilitan siyang maging guest ng naturang talk show. Requested daw umano ng karamihan dahil sa lumabas na usap-usapang may asawa na ang isang myembro ng Rose Emperor at ito ay isang palabas lamang.

Katulad noong isang araw. Siya ang nasa front page ng TRASH Magazine kung saan nakalagay ang kaniyang litrato na buhat-buhat si Dianne.

Kuha iyon noong una silang magkita ng dalaga sa isang mall ilang buwan na ang nakalipas. And the news said, that the said marriage is not real.

Dahil sa kinasasangkutang issue ay mabuti pa ngang harapin niya ang medya para linisin ang kanyang pangalan at ideklarang wala siyang asawa.

Pero ano itong nararamdaman niya? Bakit parang labag sa kanyang kalooban ang sabihing wala siyang asawa? Bakit tila umaasam siyang maging makatotohanan ang pagiging mag asawa nila ng dalaga?

"I'm really, really stupid!" asik niya sa sariling napailing.

"Mr. Lancero, be ready at tatawagin kana ni Ms. CatchMe." baling sa kanya ng isa sa crew ng talk show.

(Aha! At ako pala ang Host dito! Hahahaha! Echuserang author, umeksena pa! Hahaha)

Ngumiti lamang siya dito bilang pag sang-ayon at maya-maya nga ay tinawag na ang kanyang pangalan.

Hindi maipapaliwanag ang kabang nararamdaman ng dalaga. Kinausap siya noong isang araw si Lola Marciela para pakiusapang samahan si Lance sa guesting nito sa isang sikat na talk show.

Noong nagdaang mga araw kasi ay nagsilabasan ang isang balitang peke ang kanyang kasal. At wala siyang naisip na paraan kung paano lusutan ang kinasasangkutang gulo.

Kinausap siya ng kanyang magulang ukol sa kumakalat na balita ng TRASH Magazine. Pero nagsinungaling siya sa kanyang magulang na walang katuturan ang kumakalat na balita.

Kaya heto siya ngayon, sasamahan niya ang binata sa kanilang kasinungalingan. Ayon na rin sa gusto ni Lola Marciela para hindi madumihan ang pangalan ng kanilang pamilya dahil na rin sa kaagawan ng apong si Lance.

Mas lalong nadagdagan ang kaba ng dalaga ng tinawag na ang pangalan ng binata. Pinilit niyang magpakatatag at inayos ang sarili. Huminga muna siya ng malalim at ipinikit ang mga mata. Alam niyang maya-maya lang ay tatawagin na rin siya para samahan si Lance sa stage.

"Hi, magandang araw po sa inyong lahat, ako po si Ms. CatchMe, and behalf of The Rose Magazine, ay nandito po tayo sa isang live interview with one of the hottest couples of the famous people in our society. Let's welcome Mr. Lance Miguelle Lancero of THE ROSE EMPERORS!"

Malakas na palakpakan ang mga audiece, nang marinig ang pagtawag sa pangalan ng binata at sabay nun ay ang pag-akyat naman ni Lance sa stage.

"Good afternoon Mr. Lancero, have a seat." nakangiting bati ng host at kinamayan ang binata.

"Thanks. Just call me Lance." nakangiti ring tinanggap ang kamay ng host at naupo sa malambot na sofa.

"Also, let's welcome, the wife of our famous guest for tonight. Dianne Clarisse Lancero!"

Someone To Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon