Chapter One
"GOOD evening mommy!" masayang bati ng pitong taong gulang na si Dianne Clarisse sa kanyang ina na nakahiga sa kama ng St. Paul's Hospital ng Iloilo. Tatlong linggo nang naka admit ang kanyang ina dahil sa malala na ang sakit nitong cancer. Pinagmasdan niya ang nakakaawang kalagayan ng ina na nakabalot ang ulo sa kulay puting tela dahil sa nalalagas ang buhok nito at may nakakabit na kung anu-anong tubo sa katawan.
Noong isang araw lang ginanap ang chemotheraphy ng ina, ngunit gaya ng sabi ng doctor, ay wala nang pag-asang mabuhay ang mommy niya. She had 2 more weeks to live, ayon sa doctor nitong kinuha ng kanyang uncle na kapatid ng kanyang ina ngunit hindi pa daw siguro at baka mapaaga pa ang pagpanaw ng kanyang ina. Ayaw man nilang tanggapin ang kalagayan ng kanyang mommy, ay wala na silang magawa lalong lalo na ang tiyuhin niyang si Marcelino, dahil huli na nila nadiskubreng may itinatagong sakit pala ang kanyang mommy.
"Good morning baby." masaya ring bati ng kanyang ina. Kahit halata sa mukha nitong pilit lamang ang ipinapakita nitong kasayahan. Alam niyang nahihirapan na rin ang kanyang ina sa sitwasyon nito, pero pilit pa ring lumalaban para sa kanya. Masaya niyang niyakap ang kanyang ina at hinalikan sa pisngi.
"I have a gift for you baby." muling saad nito na ginantihan ng yakap ang anak.
"Ano po yun mommy!?" excited na bulalas ng batang si Dianne sa ina.
"There." sagot nitong itinuro ang binatana ng kwarto na malapit lamang sa pinto. Napasunod ng tingin si Dianne sa itinuro ng ina at bumulatay sa inosenti niyang mukha ang kasayahan ng makita ang sinasabing gift ng mommy niya sa kanya.
"Roses!!" masayang sambit niya at mabilis na bumaba sa kama at kinuha ang may kaliitang paso na may nakatanim na rosas na kay gandang tingnan ang namumulaklak na rosas. Inamoy niya ito at lumapit sa ina hawak-hawak ang paso ng rosas.
"Do you like it?" nakangiting tanong nang mommy niya habang pinagmamasdan siyang masayang hinahalik-halikan ang namulaklak na rosas sa paso.
"Yes, mommy, and I promise I'll take good care of this. Our favorite flower." masayang sagot naman niya sa ina na hinahalik-halikan ang hawak na rosas.
"Aalagaan mo yan baby. Para pag wala na si mommy at nalulungkot ka, iisipin mo nalang na ako itong rosas." saad ng kanyang ina na muling yumakap sa kanya.
"Yes, I will mom." sagot naman niya dito na ipinatong ang paso na may rosas sa maliit na lamesita sa gilid ng hospital bed nito.
"Mommy, anong gusto mong gift ko sayo sa mother's day? Bukas na yun diba?" masayang tanong niya sa ina na umakyat sa kama nito at tumabi ng higa sa ina. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag guhit ng lungkot sa mukha nito ng banggitin niya ang salitang mother's day. Ngunit ng makita siya nitong natigilan at napatitig sa ina ay biglang nag iba ang anyo nito.
"Gusto ko?" nakangiting saad nito na niyakap ang anak na humiga sa kanyang tabi.
"Gusto kong maging matapang ang baby ko, maging mabait at masunurin pag wala na si mommy. Gusto kong ituring mong tunay na magulang sina uncle Marcelino and auntie Malou mo dahil pag wala na ako, sila na mag aalaga sayo." nakangiting saad ng mommy niya habang ang braso nito ay nakayakap sa kanya.
"Mommy, promise po, I'll be a good girl." sagot niyang may ngiti sa labi. Kahit sa loob loob niya ay gusto niyang maiyak sa isiping mawawala na ang kanyang mommy. Sa murang edad niyang pitong taon ay pinapakita niya sa kanyang ina na matapang siya. Kahit ang totoo ay nadudurog ang batang puso niya tuwing nakikitang naghihirap ang ina sa pinagdadaraanan nito.
"Yun lang ba ang gusto mo mommy?" muling tanong niya sa ina na bahagyang itinaas ang mukha paharap sa ina.
Napangiti namang napailing ang kanyang inang may sakit.
"Gusto ko, kantahan mo si mommy, baby." saad ng inang mas hinigpitan pa ang pagyakap sa kanya.
"Bakit ako? Diba dapat ikaw ang kakanta sa akin?" kunyari ay reklamo ni Dianne sa ina, kung kaya't natawa na lamang ang mommy niya at muling nagsalita habang yakap-yakap siya nito.
"Sige na baby, kantahan mo na si mommy." pilit nito sa kanya at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa kanya.
"Sige na nga!" Sagot niya dito na napabuntong-hinina at gumanti naman ng yakap ang batang si Clarisse at hinalikan muna ang ina sa pisngi at nagsimula nang kumanta ng Lullaby.
Hindi mapigilan nang ginang ang mapaluha habang kinakantahan siya ng kanyang anak na yakap-yakap niya. Alam ni Dianne na umiiyak ang kanyang ina, pero patuloy pa rin siya sa pagkanta kahit gusto na rin niyang maiyak sa kanilang sitwasyon, hanggang sa nakatulog silang kapwa nakayakap sa isa't isa.
ALAS-SAIS na nang umaga ng magising si Dianne na yakap-yakap pa rin ng ina. Dahan dahan niyang kinuha ang kamay nitong nakayakap sa kanya at humarap dito.
"Good morning mommy." bati niya sa inang hinalikan sa pisngi. Ngunit hindi sumagot ang ina na nakapikit pa rin. Kinapa niya ang leeg nito at nabigla, pero pilit niyang pinatatag ang sarili at maging matapang.
"Mommy, pahinga ka muna ha, huwag ka munang gumising. Alam kong pagod ka pa at kailangan mo nang mahabang pahinga. Naiintindihan naman kita mom, kaya dito lang muna ako sa labas para hindi maabala ang pagtulog niyo." matatag na wika ng batang si Dianne sa ina, na bumaba sa kama at muling humarap sa nakapikit na ina.
"Pahinga ka mommy ha." saad niyang tumalikod na dito at lumabas ng kwartong inuukupa ng kanyang ina.
Kakasara lang ng pinto ni Dianne ng dumating ang Doctor na may kasamang mga intern na nurse.
"Good morning, cutie. Gising na ba si mommy?" nakangiting bati ni Dr. Erna Libuna na siyang doctor nang kanyang ina.
Iniharang ni Dianne ang sarili sa pintuan at tiningnan ang doctor na nagtataka.
"Tulog pa si mommy. Huwag niyo siyang gambalain dahil namamahinga siya." malumanay na saad niya sa doctor na hindi umaalis sa harap ng nakasarang pintuan.
"Iche-check ko lang si mommy ha, kung okay na siya at-"
"Hindi! Huwag ninyo siyang gambalain! Namamahinga si mommy.!" biglang sigaw ng batang si Dianne na pilit pa ring iniharang ang katawan sa pintuan nang hinawakan siya at pinigilan ng isa sa mga intern para makapasok ang doctor sa loob. Biglang nagpapanic si Dianne ng tuluyang mabuksan ng mga ito ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok ang mga ito sa loob.
"Huwaagg.! Huwag niyong gisingin si mommy.!" naiiyak na sigaw niya sa mga ito.
"Mommyy! Mommyyy ko!" Patuloy sa pag-iyak si Dianne nang magkagulo ang doctor at mga intern nang malapitan ang kanyang mommy na wala nang buhay. Habang siya naman ay patuloy sa pagsisigaw at pag iyak.
"Mommyyyy.!!! Mommyyy!! Mommy ko!!!"
BINABASA MO ANG
Someone To Love (Complete)
RomanceSomeone To Love By: CatchMe "Yes I know I wasn't perfect when we fought and cried all those nights. But the passion that we have is too strong, to give up the fight." Teaser Lance Miguelle Lancero One of the most handsome Bachelors of The Rose Emper...