Someone To Love
By: CatchMe
Chapter 16
Sikat ng araw ang sumalubong kay Dianne ng imulat niya ang mga mata. As usual, tinanghali nanaman siya ng gising at napangiti sa isiping nasa baba na ang asawa at nagluluto ng kanilang agahan.
Naligo muna siya bago bumababa at nagtataka nang hindi makita ang asawa sa sala at sa kusina. She call his name but she hear nothing from him. Kaya lumabas na lamang siya ng bahay para tingnan kung nasaan ito. Finally, she found him sa gilid ng pool na seryoso ang mukhang may kausap sa phone.
Lumapit siya sa asawa at mahinang tinawag pero hindi siya nito napansin dahil nakatalikod ito sa kanya. And she stepped closer to him at hindi muna nagsalita dahil gusto niyang sorpresahin ito.
But one more second passed, ay siya ang nasorpresa sa narinig mula sa asawa. She stepped back slowly para hindi maramdaman ng asawa na nasa likod siya nito hanggang sa malapit na siya sa pinto ay patakbo siyang umakyat sa kwarto kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha.
"No! Ayaw ko munang malaman ni Dianne na fake ang kasal namin. Maybe, I'll tell her soon but not now." wika ni Lance sa kaibigang si Francis na nasa Manila.
"How about Liezel pare? Maybe she'll be there in thirty minutes dahil pasakay na siya ng private plane patungo sa isla nang tumawag siya sa akin kanina."
"Damn! Bakit mo kasi sinabi sa kanya na nandito ako? At bakit di mo kaagad itinawag sa akin na nagkita pala kayo ni Liezel noong isang araw? Shit! Pare, anong gagawin ko kung dumating na si Liezel dito? At paano si Dianne?" naguguluhang tanong ni Lance.
Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman sa mga oras na iyon. He was happy then suddenly Liezel came back. But how about Dianne?
Confused na napabuga siya ng hangin. Matapos kausapin ang kaibigan ay agad siyang sumakay sa kanyang kotse papunting hotel para salubungin si Liezel.
Napatayo si Dianne nang marinig ang ingay ng kotse ng asawa. Pinahid niya ang mga luha at tinanaw sa bintana ang palabas ng kotse nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit para sa asawa. Sa pagloko nito sa kanya sa pinaniniwalaan niyang kasal silang dalawa.
"Ang tanga-tanga ko! Ang tanga-tanga ko talaga!" umiiyak na wika niya nang bumalik sa kama at pinagsusuntok ang unan.
Nang mahimasmasan ay tinawagan niya ang kaibigang si Liam na kapatid ni Lance. And hurriedly fix her things to leave Lance's house. Nang matapos maayos ang kanyang gamit sa maleta ay binaba niya na ito at hinintay ang pagdating ni Liam. After five minutes na paghihintay sa sala ay dumating na rin ang binata. Umiiyak na sinalubong ni Dianne ang nakakabatang kapatid ni Lance na nag-alalang niyakap ang dalaga.
"What happenned?" naguguluhang tanong ni Liam ng makita ang maleta ng dalaga sa sala.
"I'm leaving, Liam. And I need a plane right now." umiiyak pa ring sagot ni Dianne.
"But why?"
Ikinuwento ng dalaga ang narinig kanina mula kay Lance sa kausap nito sa phone. Matapos magkwento, ay may tinawagan si Liam para ihanda ang private plane ng kanilang pamilya. Kinuha niya ang bagahe ni Dianne at isinakay sa kanyang kotse.
Pilit na pinakalma ni Dianne ang sarili kahit nasasaktan pa rin ang kanyang kalooban sa nalaman. Naawa namang lihim na sinulyapan ni Liam ang dalaga. Mas lalo siyang nagalit sa kapatid sa ginawa nito kay Dianne na itinuring na niyang kapatid.
"That bastard!
Lance was standing beside his car while waiting for Liezel's arrival. Malapit lang ang himpilan ng private plane at chopper sa hotel. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdam kung masaya ba siya at sa wakas ay muli niyang makapiling ang fiancée na matagal na niyang inasam na bumalik sa kanya.
At heto na nga at nangyari na. But his feeling was unexplainable. He was so excited and happy about Liezel, pero nag-alala din siya kay Dianne.
Naguguluhang naihilamos niya ang mga palad nang maagaw ang kanyang pansin ng umandar ang isa sa kanilang private plane at tila may hinihintay.
Maya-maya pa ay dumating na ang isa pang private plane. Sabay nito ay ang pagdating din ng kotse ng kanyang nakakabatang kapatid na si Liam. He was supposed to ignore him dahil madalas ay hindi naman sila nagpapansinan nito. Pero salubong ang mga kilay nang makitang bumaba ang asawa mula sa kotse ng kapatid.
"Dianne? Where are you going?" nagtatakang wika ni Lance na mabilis na lumipat sa kabilang lane kung saan nakaparada ang kotse ng kapatid.
Ngunit hindi pa man siya nakalapit sa asawa ay sinuntok kaagad siya ni Liam sa mukha.
"Shit! Ano bang problema mo?!" sapo ang mukha at galit na idinuro ang kapatid. Aakma sana siyang muling lapitan ang asawa ngunit hinarangan siya ni Liam. "Dianne, let's talk. Bakit ka aalis!?"
"Stop playing your game Lance! Cause, I already know the truth!"
"What-"
"Narinig mo naman ang sinabi niya diba? Huwag mo nang paglaruan ang damdamin ni Dianne Lance! She's inoccent! How could you do this to her?!" galit ang boses na sigaw ni Liam sa kapatid. "Bago ka pumasok sa isang relasyon, siguraduhin mong malinis ang iyong intensyon!" mariing dagdag pa nito at tinalikuran ang kapatid. "Come on Dianne, I'll take you home."
Agad namang tumalima si Dianne at sumunod kay Liam. Hindi na niya tinapunan ng tingin ang asawa dahil sa luhang nagbabadya nanamang bumagsak sa kanyang mga mata.
"Lance! Sweety, I miss you!" sabay na napaharap silang tatlo sa isang magandang babae na nagsalita sa kanilang likod.
Parang dinurog ang puso ni Dianne nang biglang yumakap ang babae kay Lance at agad na ginawaran ng halik sa labi na hindi naman tinanggihan ng kanyang asawa.
"Let's go Dianne." yaya ni Liam sa dalaga at hindi na napigilan pa ni Dianne ang muling pagbagsak nang kanyang mga luha na tinungo ang naghihintay na private plane sa kanilang dalawa ni Liam.
Hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan si Lance ng yakapin at halikan siya ni Liezel sa labi. Nang makitang tumalikod na ang asawa kasama ang kapatid na patungo sa naghihintay na private plane. He wanted to stop her and explain everything. Pero naguguluhan siya sa sitwasyon. Lalong lalo na nandito sa tabi niya ang babaeng nagpabaliw sa kanya noon.
Sent from my iPhone
BINABASA MO ANG
Someone To Love (Complete)
RomanceSomeone To Love By: CatchMe "Yes I know I wasn't perfect when we fought and cried all those nights. But the passion that we have is too strong, to give up the fight." Teaser Lance Miguelle Lancero One of the most handsome Bachelors of The Rose Emper...