Chapter Two

8.8K 205 2
                                    

NAPABALIKWAS nang bangon si Dianne at hinihingal siyang napahawak sa dibdib dahil sa kanyang panaginip. Hindi na niya namalayang nahulog na ang kanyang mga luha sa mata nang maalala ang ina. Tiningnan niya ang kalendaryo at nakitang mothers day na ngayon. Tandang tanda niya ang araw na iyon ng mabawian ng hininga ang kanyang ina na yakap-yakap siya. Bumangon siya sa kanyang kama at kumuha ng malamig na tubig sa maliit na refrigerator na nasa kanyang kwarto at agad na uminom. Pabalik na siya sa kanyang kama ng mamataan ang paso ng rosas na nasa bintana ng kanyang kwarto at nilapitan.

"Happy Mother's Day mommy. I already missed you, but here I am. Matatag pa rin ako sa kabila ng kalungkutan kong wala kana sa aking tabi." malungkot niyang kinakausap ang rosas na nasa bintana ng kanyang kwarto.

"Mamaya mom, punta akong church, ipagdadasal ko kayo ni daddy. Syempre, may dala akong rosas mamaya for you and dad. Favorite natin itong roses diba? Mom, kung nasaan ka man ngayon, huwag ka nang mag-alala sa akin. Malaki na ako ma. Kaya ko na ang sarili ko kahit nalulungkot ako minsan. Pero everytime na nakikita ko itong rosas, parang nandito kalang sa tabi ko mom." masayang saad niya sa rosas na itinaas ang paso at dinampian ng halik ang namulaklak na rosas.

"I love you mommy.." muling saad niyang may ngiti sa labi at ibinalik ang paso sa may bintana.

Nagpalinga-linga si Dianne sa loob ng simbahan. Tapos na siyang mag dasal at nagsindi na rin siya ng kandila. Hawak hawak niya ang punpon ng rosas na nakabalot sa magandang wrapper. Dinaanan pa niya ito kanina sa flower shop nila ng pinsang si Sabrina Rose na mahilig rin sa bulaklak.

"Kanino ko kaya ibigay itong bulaklak?" saad niya sa sariling tumingin sa paligid ng mahagip ng kanyang mga mata ang isang matandang babae na nagdadasal. Nakaugalian na niyang mamigay ng bouquet ng roses tuwing mothers day. Nakangiti siyang lumapit sa matanda ng makitang umupo na ito at tila tapos na rin sa pagdadasal.

"Happy mother's day. Roses for you, beautiful granny." matamis ang ngiting saad ni Dianne sa matanda. Nagpalinga-linga naman ito at muling tumingin sa kanya. Napatawa na lamang si Dianne sa matanda.

"This is for you granny." nakangiti pa ring saad niya na iniaabot ang bouquet dito.

"A-ako?" nakakunot ang noong sagot ng matanda na itinuro pa ang sarili.

"Opo, kayo po. Sabi ko happy mothers day." nakangiti pa ring wika ni Dianne na ininibigay ang hawak na bouquet sa matanda na kinuha naman nito.

"Thank you Hija, ang bait mo naman. Happy mother's day also to your mom." nakangiting sagot ng matanda kay Dianne.

"Wala na po akong mommy." nakayukong sagot ng dalaga, at muling naitaas ang paningin para tingnan ang matandang hinawakan ang kanyang kamay.

"Im sorry hija." mahinang saad ng matanda sa kanya.

"By the way, Im Marciela Lancero, how about you?" nakangiting tanong nito sa dalaga at inilahad ang palad para makipag kamay. Lumiwanag naman ang mukha ni Dianne dito.

"Dianne po. Dianne Clarisse." nakangiting tinanggap ng dalaga ang malambot na palad ng bagong kaibigan. Nag usap muna sila ng kung ano-ano at natagpuan na lamang nila ang kanilang sarili na kapwa nagtatawan sa isang coffee shop at nagkapalagayan na ng loob sa isa't isa.

Doon nagsimula ang pagiging magkaibigan nina Dianne at Marciela. Lagi na silang nagkikita at nagkukwentuhan tungkol sa buhay-buhay, at mga nangyayari sa kanilang araw. Na ikwento na rin ni Dianne ang kanyang buong pagkatao dito. Nagkwento din ito sa kanya tungkol sa pinagdaanan nito noong kabataan pa lamang nito. Hanggang isang araw, nag kita muli silang magkaibigan sa kanilang paboritong coffee shop malapit sa simbahan.

"Hija, ano ang pangarap mo para sa iyong sarili?" nakangiting tanong nito sa kanya habang itinaas ang hawak na tasa ng kape na hinihipan at pakunti-kunting ininom ang laman.

Someone To Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon