Chapter 18

8.6K 193 3
                                    

Someone To Love

By: CatchMe

Chapter 18

"Oh, insan, akala ko ba mag me-meet kayo nina Amyra? Bakit nandito ka?" bungad ng pinsan niyang si Sabrina Rose na siyang kasosyo niya sa flower shop.

Mula sa hotel ay dito na siya tumuloy sa shop. Ayaw niyang uulanin siya ng katanungan ng kanyang magulang kung bakit ang aga niyang umuwi.

"Sumama kasi ang pakiramdam ko, kaya hindi na ako tumuloy." mahina ang boses na sagot niya nang hindi tumitingin sa pinsan. Natatakot siyang baka mahalata ng kanyang pinsan ang pamumula ng kanyang mga mata mula sa pag-iyak.

"Baka buntis kana insan. Dapat umuwi ka nalang para makapag-pahinga ka." mahina siyang napatawa sa sinabi nito. Pero kung magkakataong mabuntis siya eh di, mas maganda. Para may alala siya sa taong mahal niya. Napabuntong hiningang inabala na lamang niya ang sarili sa binabasang magazine.

Naagaw ang kanyang pansin sa isang article tungkol sa magaganap na "Bal des Roses" o Ball of the Roses sa Palazzo Contreras na isa sa pinaka-luxurious hotel sa bansa.

Ang pinaka-pinag-uusapang social event ng taon. Ang party na pinangungunahan ng The Rose Emperors, ang samahan ng mga successful, mayayaman at sikat na mga bachelors ng Pilipinas.

Lahat ng miyembro ng The Rose Emperors ay pawang nagmula sa buena familia, mga tinitingala sa alta sociedad, kasama ang lalaking minahal niya ng lubos. Si Lance Miguelle, at ang pagtitipong iyon ay siguradong dadaluhan ng napakaraming mahalagang tao na nag mula sa iba't-ibang sektor ng pulitika, negosyo, at kung ano-ano pa. Mapupuno ang Ball of the Roses ng crème de la crème ng Philippine society.

Napaisip siya sa nabasang article. Kahit papaano ay humahanga siya sa kinabibilangan ng binatang minsan na ring naging kanya. Kakatiklop lang niya ng magazine ng tumunog ang kanyang cell phone. Si Lola Marciela.

Nagtataka siya kung bakit ito napatawag. Hindi na niya inilihim dito ang natuklasang peke ang kasal nila ni Lance. humingi ng depensa si lola Marciela noon sa kanya sa ginawa ng apo. Which is magda-dalawang linggo na silang naghiwalay ni Lance.

"Good afternoon po Lola." mahina ang boses na sagot niya dito. Hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa matanda. Dahil wala rin itong alam noon na peke ang naganap na kasal. Kaya't walang dahilan para sumama ang kanyang loob dito.

"Hija, how are you?"

"I'm fine lola. You don't have to worry. Napatawag po kayo?"

"Nabasa mo na ba ang news?"

"Po? Yung Bal des Roses lola?" sagot niya sa donya.

"No. The Trash Magazine hija."

"Bakit po lola? Hindi ko po nabasa."

"Pwede ba tayong magkita ngayon hija?" pag iiba ng donya sa usapan.

"Syempre naman po lola. Bakit hindi?" mahinang napatawa ang dalaga.

"Talaga? Thanks hija. See you then. Same time, same place." masayang wika ng matanda at nagpaalam na dito.

Malalim ang iniisip na nakatayo si Lance sa terrace ng kanyang kwarto na nasa second floor ng kanilang bahay sa Antipolo. Dito na siya tumoloy at hindi na sa kanyang condo dahil lagi siyang pjnupuntahan ni Liezel. Lumagok siya ng alak mula sa hawak na baso. Heto siya ngayon, parang baliw na umiinom habang nakatanaw sa kadiliman. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mukha ni Dianne.

Kahit anong waksi niya dito ay nanunuot pa rin sa kanyang tenga ang mapait at basag na boses nito. Ang luhaang mga mata na nakikiusap sa kanya.

"Shit! Im so stupid!" malakas niyang inihagis ang hawak na baso sa dingding at watak watak na nahulog sa sahig. Sumasakit na rin ang kanyang ulo sa isiping siya ang dahilan ng paghihirap ng kalooban ng dalaga. Galit siya sa kanyang sarili dahil sa kanyang kalokohan kaya't Sinipa niya ang pader ng ubod lakas sabay sigaw sa pangalan ng dalaga para maibsan ang galit sa sarili.

Hanggang sa mapagod at padausdos na naupo sa marmol na sahig. Hindi na niya namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha habang sabunot niya ng dalawang kamay ang kanyang mga buhok.

Mula sa nakabukas na pinto ng kwarto ni Lance, ay napabuntong hiningang napailing si Donya Marciela sa nakikitang anyo ng apo. "He's inlove with Dianne." mahinang mungkahi niya sa sarili at dahan dahang isinara ang pintuan ng kwarto ng kanyang apo.

Someone To Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon