CHAPTER 3
- Rory's POV -
Medyo nakabawi na ako gawa ng maagang pagtulog kagabi kaya may oras pa ako na mag-online sa Facebook.
Walang message, may ilang notification lang at iilang friend request.
Una kong tinignan ang mga notification bago ang mga friend request.
Ivan Cabusas
Reycie Cruz
Nam Domingo
Raze WP
Eve Horan
Wala akong kilala kaya in-ignore ko lahat.
Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang mag-scroll up and scroll down kaya nag-log out nalang ako at naghanda na sa pagpasok.
Bukas ay Sabado na! Ang bilis lumipas ng mga araw. Sana naman ay makapag-chill ako.
Magsisimula na ang klase ng dumating ako sa classroom, alam nyo na, naisingit ko pa ang pagbabasa ng wattpad kanina, ilang chapter ng Hell University.
"Ngayon tumingin ka sa katawan ko hanggang magsawa ka. Sa katawan ko lang. Hindi sa iba." Paulit-ulit umiikot sa isipan ko ang mga linyang 'yan simula no'ng mabasa ko! Kinikilig ako! Bakit masyadong possessive si Supremo?! Iiiihhhh! May kasamang pagkakilig sa isip ko.
Ang sweet ng pagiging possessive nya. Maygad!
Sweet and at the same time deadly Supremo! At hindi lang sya puro salita, ang daming gawa!Ang sabi nila kapag sweet daw ang character ay mas sweet daw ang author. D-mn! He's a guy! May girlfriend kaya si KnightInBlack? Anong klaseng boyfriend kaya sya? Iniisip ko palang ay nakakaramdam na ako ng excitement.
Ano kayang itsura nya?
Hindi naman siguro masamang magpantasya hindi ba?
Bakit kase babae ang school president namin? Aish!
Sana lang ay totoo sya! Kahit 'wag na si Zein, mwehehehe.Dahil masyado akong okupado ay hindi ko na namalayan na lunch time na pala.
"Tara na!" Pagyayaya nina Mia at Pat sa'kin.
Mabilis kaming nakarating sa cafeteria at bumili ng mga kakainin.
"Rory sama ka sa'min sa Sunday? Punta kaming Westwood." Panimula ni Mia habang kumakain ng binili nyang spag.
"Try ko, baka may gawin ako o kaya magpahinga nalang muna ako sa bahay." Nagkibit-balikat na sagot ko.
"Sumama kana! Minsan na nga lang tayo maggala aayaw ka pa!" Anito ng nakanguso.
"Busy 'yan sa wattpad hula ko." Segunda ni Pat.
"Ano ba'ng binabasa mo ngayon?" Tanong naman ni Mia na nakapagpagising sa puso't isip ko. Mistulang nagniningning ang mga matang tinignan ko sila.
"Hell University!" Puno ng excitement na tugon ko at may malawak na ngiti.
"'Yun parin? Saang parte ka na? Kwento ko nalang!" Kinikilig na suhestyon ni Pat sa'kin.
"Oo nga! Ng mabilis ka!" Pumupuso ang mga matang sabi ni Mia.
"Ayoko! Kulang-kulang!" Sagot ko sakanila.
"Saan ka na ba? Nabasa mo na ba yung part na iiihhhh!" Mahina munang umirit ito bago nagpatuloy "Yung--yung.. "What?! That's a fcking mistake! Miss Shion should be the one to win!"" Bago magpatuloy ay nagkatinginan sila ni Mia.
"SHE'S SO FCKING DMN GORGEOUS COMPARE TO ANYONE! DMN IT!" sabay na wika nila na may kasamang pagtili sa huli.
"SSSSSHHHHHHH!" matapos 'yun ay may iilang estudyante ang sumuway sa'min.
"SUPREMO LINE!" Pag-irit ng isa sa mga estudyante.
"THAT LINE THO." Sigaw pa ng isang babaeng estudyante na malapit sa'min.
"HELL UNIVERSITY!" Pahabol pa ng isang lalaki bago muling may nagbawal sa'min na ikinatawa naming lahat.
"See? Famous ang line!" Nagmamayabang na wika ni Pat. "Nabasa mo na?"
"Oo." Natatawang sagot ko.
Dumating ang sabado, na mula umaga hanggang magtanghali ay naglilinis ako ng bahay. Kaya ng matapos ay napaidlip ako sandali sa couch sa salas dahil sa pagod.
Pagkagising na pagkagising ay nagdiretso ako sa banyo at mabilis na naligo.
Sa labas nalang ako kakain, wala sina mommy at ang mga kapatid ko dahil lumuwas sila pa-Nueva Ecija kaya't mag-isa lang ako dito hanggang bukas.
Maga-alas dos na ako nakarating ng ZM Mall, grabeng gutom ko! Dumiretso ako sa sa Jollimee.
Oo, batang Jollimee ako.
Halos puno na ng mga costumer sa loob. Mabuti na lamang ay mabilis akong naka-order at nakahanap ng pwesto. Sa pangdalawahang table ako naupo malapit sa entrance.
Magsisimula pa lamang akong kumain ng may maramdaman akong presensya sa gilid ko.
"M-May nakaupo?" Turan nito sa bakanteng upuan sa tapat ko na mukhang hindi pa sigurado kung magtatanong sya dahil sa pagkakautal nito.
Isang iling lamang ang isinagot ko sakanya na kinuha naman nya'ng go signal at mabilis na pumwesto sa harap ko.
Walang imik-imik na nagsimula itong kumain kaya nagpatuloy nalang din ako.
Hindi ko maiwasang pasadahan sya ng tingin.
Kumakain sya habang nakasuot pa din ang kanyang itim na shades. Ngayon ko lang napansin, may dalwang bote sya ng mogu-mogu! Strawberry!
Maayos ang kanyang itim na buhok na medyo nakatayo.
Ang kinis at ang puti nya pa!Tumira ba 'tong si kuya ng gluta?
At masyado bang malamig kaya yung polo nya ay dinoblehan pa nya ng itim na jacket? Artista ba 'to? Naka-get up eh. Parang nagtatago sa kung saan.
Napansin ko din ang pendant nya na Krus at ang kulay asul at itim na relo. G-shock? Dunno. Original ba? I dunno.
Unti-unti syang nagtaas ng tingin kaya mabilis kong ipinagpatuloy ang pagkain.
Ramdam ko ang pagtayo nya, senyales na tapos na sya.
"Here." Wika nya na nakapagpatingala sa'kin.
Nagtatakang tinignan ko ang mogu-mogu na ine-extend nya sa'kin. "Ha?" Tanong ko ng naguguluhan.
"Take it. Nangangawit ako." Sabi nito, kaya naman mabilis kong kinuha ang mogu-mogu sakanya.
"My Fave! That's my way of saying thank you." Sabi nito bago isinuot ang kanyang face mask na itim at may print na letter "R" bago nagmamadaling umalis.
Itutuloy..
-----
MAG-IWAN KAYO NG COMMENT.
AND PLEASE VOTE.
SALAMAT!
BINABASA MO ANG
His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)
Fanfiction[COMPLETED] Knight in Black Fan Fiction A Wattpad Author and Reader Story UNEDITED First Half (Chapter's 1-36) Second Half (Chapter's 37-61) Credits sa owner ng picture/s na ginamit para sa BookCover. Salamat!