Chapter 1

1.4K 106 30
                                    


Rory's POV

Sa loob ng apat na taon ang pagbabasa sa wattpad ang pang-iwas ko sa pagka-inip. Basta kapag free iyon kaagad ang inaatupag ko.

Minsan kapag walang load ebook ang binabasa ko, kaso ang mahirap do'n dahil hiwa-hiwalay ang bawat parte! Tapos nalaman ko pa na 'yung "ibang" ebook kinukuha lang ng walang paalam sa may akda. Kaya medyo nagdalawang isip na ako kung magbabasa pa ako ng ganon. Sa huli tumigil ako sa pagkuha ng ebook at mas minabuting maging silent reader sa watty.

Matagal na akong wattpad reader. At sa hinaba-haba ng panahon na pagiging reader ko hindi ko gaanong kinikilala kung sino ang author ng mga binabasa kong istorya. Ayos na sa'kin yung alam ko ang user name nila sa wattpad. Yun lang. Wala na akong planong alamin ang kahit na anong tungkol sakanila o kahit kilalanin sila.

Reader ako hindi stalker, iyan ang nasa isip ko.

Until one day, curiosity hits me! Napuno ng "Hell University" ang timeline ko. Hindi ko talaga s'ya alam, nakita ko na lamang sa mga naglipanang post sa news feed ko at dahil sa ang dami kong nababasa na maganda daw ang istorya at kung anu-ano pa, naisipan kong hanapin.

Pero mamayang gabi nalang, ang bagal kase ng net kapag ganitong oras na.

Kailan kaya uunlad ang Pilipinas? Kahit sana mapabilis lang ang internet connection okay na. Maraming sasayang bata, I mean maraming sasayang kabataan.

Ilang minuto pa ay nag-dismiss na ang guro namin sa Filipino kaya't dali-dali kong ibinaba ang aklat ko'ng El Felibusterismo na kanina ko pa ipinanghaharang sa ipad ko, mini lang naman kaya madali lang magtago. Mabilis na inayos ko ang mga gamit at naghanda na sa pag-uwi.

"Hoy Rory! Ano nagmamadali ka nanaman?" sigaw nang isa sa mga kaibigan ko, si Mia.

"Ssssssshhhh," halos sabay-sabay na pagsuway ng mga kaklase namin sakanya na nakapagpatawa sa 'kin.

Loko talaga 'yang si Mia.

Sa isang private school ako nag-aaral at mga madre ang namamahala dito.

Bawal sumigaw o tumakbo, bawal ang games, ebooks o kahit anong application sa ipad na ginagamit namin dito bilang answer sheet at libro. May monthly "check-up" ang ipad sa IT room namin kaya walang kawala.

Nagtataka ba kayo kung bakit may libro akong hawak kanina? Kakasimula pa lamang ng school year kaya hindi pa na-download sa ipad namin ang ebooks (books dito sa school) kaya nag-distribute muna ng mga kakailanganing libro. Batch-batch ang pag-download, first year's first, last year na ako kaya medyo matatagalan.

"Una na ako!" sabi ko sa mga kaibigan kong nakipagkumpol-kumpol pa sa isang tabi at nagtsismisan. Wala nang pumansin sa 'kin kaya nagdiretso na ako.


Kinagabihan ay mabagal pa din ang internet, inabot tuloy ako ng alas dos ng madaling bago maayos na makapagsimula.

Mabilis ko'ng nahanap ang Hell University dahil sa ito nga ang bagong hit sa wattpad. Mystery/Thriller. Nakita kong may part 2 na din pala ito. Completed, nabasa ko. Millions na ang reads, and comments. Wow!

At nanalo pala ito last year sa watty's? Cool! Bakit ngayon ko lang 'to nakita? Para tuloy akong nanghihinayang!

Mabilis ko itong inilagay sa reading list at nagsimula na sa pagbasa.

Nakaka-ilang chapter na ako ng mapatingin ako sa orasan.

Mahihinang mura ang nasabi ko ng makita ang oras. Mag-alas kwatro na at wala pa akong tulog, may pasok pa ako mamaya! Nanghihinayang man ay napilitan akong tigilan muna ang pagbabasa at umidlip kahit sandali.

"Babalikan kita mamaya!" pagkausap ko sa ipad ko na dinownloadan ko na ng wattpad at itinago sa pinakatagong parte nito para hindi mahuli. Sana!

Nang makahiga sa kama ay hindi na nawala sa isip ko ang unang beses na pagkikita ni Ace at Zein.

Kahit sinaktan ni Ace si Zein sa unang beses na pagkikita nila ay ang cool n'ya! Kaso nerd, mas gusto ko pa yata si Matt.

Ilang minuto palang yata ang nakalipas ay may naramdaman na akong humihila ng kumot ko sa gilid. Ahg! Nagkakamot sa ulong umupo ako sa higaan at tinitigan ang dalwa kong puppy na alaga. Mukhang pinagkakatuwaan nanaman ang kumot ko.

"Yaki! Taki!" Pagtawag ko sa mga ito, mabilis naman nilang nabitawan ang kumot. "Kayo ah? Nawiwili!" kinukusot-kusot ang mga matang tinignan ko ang orasan, mag-alas sais na! Kaya bumangon na ako at nagtungo sa banyo at naghanda sa pagpasok.

"Myyyyy! Aalis na po ako!" Bago lumabas ay paalam ko.

"Ingat 'nak!" Pasigaw naman na sagot n'ya. Wala ang daddy maaga sigurong pumasok sa trabaho. 'Yung mga kapatid ko naman ay naghahanda pa sa pagpasok.

Habang naglalakad ay in-open ko ang ipad ko at muling nagbasa.

Oo, naglalakad ako habang nagbabasa.

Hindi ko mapigilan eh, nae- excite ako sa mga mangyayare.

Malapit na ako sa gate ng may makabangga ako na naging dahilan ng pagkahulog ng puso ko. I mean nu'ng ipad ko!

Napasinghap ako sa nangyari!
Biglang kumalabog ang puso ko at nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok.

Mabilis na napulot no'ng lalaki 'yung ipad at sinuri iyon. Siguro ay sinisigurado kung may nasira nga ba bago ibinalik sa 'kin.

Pagkabalik na pagkabalik sa 'kin ay mabilis ko itong tinignan ng may nanlalaking mga mata. Naka-on pa rin ito, kaso ay nasa book cover na s'ya ng Hell U.

"Uhhmm," napataas ang tingin ko sa nakabanggaan ko. "Sorry miss," nangingiting wika nito.

May nagso-sorry ba'ng nakangiti?

Tinitigan ko sya ng mabuti, mula ulo hanggang paa. Oo, bastusan kung bastusan. Pasalamat si kuya at gwapo s'ya, matangos ang ilong, makinis na kutis, makakapal na kilay, mapul----ano ba?!

"Okay lang po, basta next time tumingin kayo sa dinadaanan nyo," sagot ko dito.

Napangiwi ito ng bahagya sa tinuran ko at pag'kuway nagsalita. "Ikaw ang hindi tumitingin ah?" pagkontra nito sa sinabi ko.

Nanliliit ang mga matang tinitigan ko sya. "Nakita mo naman na nakatutok ako sa ipad, diba? Ikaw naglalakad lang! Kaya dapat ikaw ang nag-adjust," naiiritang wika ko dahil nakikita kong mas lumalawak pa ang ngiti n'ya habang nagsasalita ako na naging dahilan ng medyo pagnguso ko.

"Gaano ba kaimportante 'yang binabasa mo? Na kahit nasa gilid ka ng kalsada ay pinagtutuunan mo ng atensyon?" anito na kung makangiti ay wagas.

"Importanteng-importante!" mabilis kong sagot.

"Oh?" Anito at talagang ayaw mawala ng ngiti nya.

"B-binabasa ko 'yung re-reviewer ko!" pagsisinungaling ko.

Papa God, sorry na po agad-agad.

"Ptttfffff. Kailan pa naging reviewer ang Hell University miss?" nagpipigil ang tawang sagot nito.

Pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi nya. Ahg! Wala na! Sira na ang araw ko!

Naiinis na nagmartsa ako at nilagpasan sya!

Habang s'ya naman ay napatawa na. Rinig ko! Rinig na rinig ko kuya!

Bwiset na lalaki! Tatandaan ko talaga sya! Lalaking nakakulay pulang T-shirt o maroon ba 'yun?! Ah basta! Tapos may print na malaking letter "R" yung damit sa harap at may hawak na paper bags galing ZM Mall! May wristwatch na kulay itim at asul.

Huwag na huwag mo nang isusuot 'yan! Dahil kapag nakita kita. Aaahhg!

Kainis!

Habang naglalakad ako ay may biglang nag-flash na liwanag sa paligid kaya napatigil ako. Kumidlat ba?!





Itutuloy..

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon