Chapter 30

298 34 5
                                    

CHAPTER 30 Label

Rory's POV

Kaming dalawa na lang ngayon dito sa loob ng sasakyan.

"Hindi ka pa ba papasok sainyo?" Tanong nya.

"Why are you here?" Sa wakas ay tanong ko ngunit hindi ko sya magawang tapunan ng tingin.

Kanina ko pa gustong malaman kung bakit nandito sya ngunit lagi akong nawawalan ng lakas ng loob para magtanong. Laging nabablangko ang isip ko.

"Magpahinga ka nalang muna, bukas babalik ako. Mag-uusap tayo." Sagot nya sa tanong ko.

"Lagi mong sinasabi na mag-uusap tayo. Ano ba'ng dapat pag-usapan at hanggang dito ay nakarating ka?" Naguguluhang tanong ko sakanya. "I don't get you... Ang gulo." Pagpapatuloy ko na may kasama ng frustration. Hindi ko maiwasang ipakita 'yon dahil sa mga nangyayari at nararamdaman ko. Gusto kong malaman ang lahat! Asang-asa ako! This is really frustrating! "Aksidente lang ba na nakita mo kami? Anong sadya mo dito? Bakit nasa lugar ka namin? Work? Vacation or what?" D-mn! I sound so desperate.

Suddenly, gusto kong malaman ang lahat. Lahat- lahat. Mahirap ang nagugulohan sa bawat ginagawa nya. Mahirap ang manghula at asahan ang bawat kilos nya.

Ngayon ay unit-unti nang lumalabas sa isip ko ang mga tanong na dapat masagot. Mga nagpapagulo at nagpapa-asa sa'kin. Maling umasa. Oo, pero hindi ko kayang pigilan matapos lahat ng ginawa nya no'ng nakaraan.

"Why are you doing this?" Pigil hiningang tanong ko. "Gusto ko ng malinaw at hindi scratch na sagot." Habang tumatagal ay tumitindi ang kagustuhan kong alamin ang lahat na hindi ko nagawa kanina.

"Sinabi ko na sa'yo, kahit ako rin naman ay nagulohan.." Ang sagot nya. "Hahayaan mo kaya akong gawin ang isang bagay na makakapagpalinaw ng lahat?" Seryosong tanong nya.

"Kahit ikaw ay nagugulohan." Pag-uulit ko sa naunang sinabi nya. Natatawang binalangin ko sya. "Hanggang ngayon?"

"Past tense. Nagulohan." Anito na nakangisi pa na hindi man lang ako tinitignan.

"Gusto kong malinawan. Seryoso ako, Kib. Lahat ba ng ginagawa mo ay dahil pa rin sa curious ka?" Dire-diretsong tanong ko.

He heaved a deep sigh bago ako binalingan. "Hindi." Maikling sagot nya. "Pumasok ka na sa loob. Bukas, mag-uusap tayo ng maayos... Please, Rory." Pagpapatuloy nito tyaka umayos ng upo at tumingin ng diretso sa harap.

"Bakit ipagpapabukas pa? Ngayon na, ngayon ko gusto." Mapilit na sabi ko. "Sagutin mo ang mga tanong ko ng maayos, pwede ba 'yun?" Dugtong ko.

"Not now." Aniya habang pinipisil-pisil 'yong manibela ng sasakyan na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Hindi muna, Rory."

Pinakatitigan ko sya. "Bakit?" Pigil hiningang tanong ko. "Seriously? Kib!"

"Please... Rory." Anito.

"Oh please, Kib. Kailangan kong malaman!" Consistent na sabi ko.

"Ang kulit mo." Kunot noo nya akong binalingan. "Can I just kiss you?" Aniya na seryosong nakatingin sa'kin.

"Tigilan mo ako Raze! Seryoso ako." Pinigilan ko ang panlalaki ng mga mata ko sa sinabi nya. But d-mn! Sa loob ko ay gusto ko ng himatayin! What the hell, Kib?!

"Para tapos na hindi ba?" Aniya bago kagatin ang kanyang pang-ibabang labi.

"Shut up!" Nag-iwas na tingin na usal ko.

"See? Yuo-----"

"This is too much! Sinong baliw ang makakarating sa gantong punto ng dahil lang sa curiosity?" Asik ko habang nakatingin sakanya ng diretso. Sheez! Bakit kailangan mapunta ako sa gantong sitwasyon?

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon