Chapter 44 Talk

226 21 7
                                    




Makalipas ang isang araw mula no'ng confrontation with the girls ay hindi na rin na-open 'yong topic. At simula din nong araw na 'yon ay hindi ko na ulit sya nakita.



I let a heavy sigh.



Hindi ko na dapat muna iniisip 'yon! Kailangan ko na matapos ang mga research ko para sa future ko. Shoot!

Napapikit ako ng mariin bago ulit hinarap 'yong libro na kanina ko pa binubuklat. Kanina ko pa 'to hawak pero wala akong ibang ginawa kung 'di ang magpalipat-lipat ng mga pahina. Na masasabi kong ginagawa ko nang wala sa sarili.

Ahg! Ipinilig ko ang ulo ko bago umubob sa kanang braso ko na nasa mesa.



Ano? Back to zero nanaman ba ako? What the hell? Hindi ganito'ng inaasahan ko! Iba ang iniisip ko sa inaakto ng katawan ko. Napatiim bagang ako. Hindi ko mapigilang mapaisip.



Aminado ako sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ko nalimutan 'yong ginawa nya. Of course! Sino ba ang makakalimot no'n? Sino ba ang gugustuhing limutin 'yon?


Seriously? Uhg! Did I just said it that way?




Hindi naging madali para sa'kin no'ng mga oras na 'yon... Asang-asa ako na mayron nang ibig sabihin lahat 'yon at hindi lang ganon na lang. Bawat oras na lumilipas, inaasahan ko na tatawag sya. Inasahan ko na gagawa at gagawa sya ng paraan para sa'min. Inasahan ko na totoo ang lahat nang ipinakita nya. Pero hindi, walang kwenta! Kahit kailan wala.


Lumunok ako.

Ahg! Stop it! H'wag kang bumalik sa dati na walang ginawa kung hindi ang masaktan ka, Rory.



D-mn it! I want to cry! Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Nagugulohan ako sa mga inaasta nya. Bakit kailangan ganon? Bakit ganon sya? I want to talk to him but I can't. Ayoko.



Napatunghay ako na sapo ng dalawang kamay ang ulo ko at inilagay ang mga siko sa mesa.


"Ano ba 'to?" Utas ko kasabay nang pigil na paghinga.



Sa mga taon na lumipas... Alam ko sa sarili ko na gusto ko pa rin nang paliwanag. Pero may parte sa'kin na hindi na kailangan at ayaw nang balikan ang lahat. Sa tuwing nawawala sa isip ko ang mga nangyari ay maayos ako. Pero kapag nabuklat ng ganito ang mga nangyayari ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan sa alaala. Ayoko na nang ganon.




Nasaktan ako noon... At kinaya ko.


Pero nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon.



Ang sakit sa dibdib.


Ngayon ay nalilinawan na ako.


I should go.


Ilang minuto pa ang pinalipas ko.


"Ang unfair..." Mahinang utas ko sa sarili bago nagawang tumayo.


Sa pagtayo ko ay napapikit ulit ako ng mariin. Do'n ko naramdaman ang pagpatak ng isang luha sa pisngi ko.




And I'm crying again...

Good job Kib! D-mn you!



Mabilis kong pinunasan ang nabasang pisngi. Nanginginig man ang mga kamay ay pinilit kong ayusin ang mga gamit ko at umalis do'n. Hindi ko na nakuhang ayusin 'yong libro para ibalik sa dati.


Mabilis ang ginawa kong paglakad sa hallway para makarating kaagad sa parking.


"Rory!" Isang boses mula sa likod ko ang nakapagpatigil sa'kin ng ilang segundo bago ako nagpatuloy.



His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon