Epilogue

571 23 15
                                    






"Anong oras na ba?" Tanong ko sakanya ng mapansin na medyo madilim na sa labas, maging dito sa loob ng kwarto ay tanging lampshade na lamang ang nagsisilbing liwanag.

"Last check ko 8:37." Usal nya habang nakasiksik sa leeg ko.

"Bakit hindi mo sinabi? Imi-meet natin sina tita, 'di ba?" Babangon pa lamang sana ako nang mas hapitin nya ako at higpitan ang pagkakayap sa'kin. "Nakakahiya Kib, 'di pa ba sila dumarating? We s-"

"Ayokong gisingin ka." Pagputol nya sa sinasabi ko habang mas inilalapit ang katawan nya sa akin.

"Kib!" Asik ko. "Seriously?" Hindi makapaniwalang utas ko.

"Seriously? Hindi ba pwedeng ako muna kahit ilang oras lang? Tyaka alam kong napagod ka." Bulong nya. "Rest."

Umiling ako. "Nagugutom ako." Pag-iiba ko sa usapan.

Tumunghay sya mula sa leeg ko. Kahit dim ang paligid ay kita ko ang pagtango nya. "May luto na sa baba, tara."

"After natin kumain, hatid mo na ako." Utas ko habang umuupo mula sa pagkakahiga. "Nandyan na sila tita?"

Naramdaman ko ang pagtabi nya sa'kin.

Pero hindi ko sya magawang balingan ng tingin. Ahg!


"Stay." Usal nya habang hinihila 'yong kumot ko.

"Tigilan mo 'yan." Pagbawal ko sa ginagawa nya kasabay ng paghablot sa parte ng kumot na hawak nya. "Wala akong-" Pumikit ako ng mariin para pigilan ang kung ano 'mang salita ang gustong lumabas sa akin. Nang medyo makabawi ay tumunghay ako sa harap ko bago nagsalita. "Please. Mauna ka na sa labas, susunod nalang ako."

"Hindi mo na naman kailangan ma-"

"Kib..." Pagtawag ko sakanya na ikinatigil nya. "Please."

Tumawa sya ng marahan bago ko naramdaman ang mga braso nya sa paligid ko.


"That was great baby, thank you." Mahinang usal nya sa tainga ko. "You're beautiful. Please, don't be shy." I felt his lips touched my neck. "I love you " Binibigyan nya ako ng maliliit na halik do'n, na naging dahilan ng pagbigat ng bawat paghinga ko.

Naramdaman ko ang paghawak nya sa pisngi ko, unti-unti nya akong pinaharap sakanya matapos ay sinalubong nya ako ng isang mabilis na halik sa labi.


Ito nanaman, 'yong epektong binibigay ng bawat pagdampi ng labi nya sa akin, 'yong epekto ng paglapat ng balat nya sa akin, 'yong mga epekto nya sa'kin. Hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko, na sana lang ay hindi nya maramdaman.


"But darling, just kiss me slow, your heart is all I own, and in your eyes you're holding mine..." Nakangiting pagkanta nya. "Hindi ko alam kung bakit, pero gustong-gusto ko 'yong kanta na 'to..." He cleared his throat. "Would you mind if I will ask you to dance?" He stood in front of me wearing his boxer shorts.


D-mn!

Hindi ko mapigilang mapamangha sa katawan nya kahit na medyo madilim ay maaaninag mo ang sa tingin ko ay katawan na pinaghirapan hubugin. Dios ko! Siguro ay isa na rin ito sa dahilan kung bakit wala syang kahiya-hiya na ibilandra ang katawan nya sa harap ko.

Ang ganda ng katawan ng loko.

Sobra-sobramg papuri para sa lalaking maraming nagmamay-ari. Halos mapailing ako sa naisip. Yeah, nakita ko... Kahit ilang taon na ang lumipas bago sya muling nagparamdam ay wala talagang nakalimot sakanya. Walang pagbabago, maraming pa rin baliw na baliw sakanya. Paano nalang kung makita pa nila ang nakikita ko ngayon? D-mn no! Mababaliw yata ako.



His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon