Chapter 6

552 53 2
                                    

CHAPTER 6

- Rory's POV -

"Hindi ko 'yan napansin kanina. May nagpapabigay lang sa'yo." Anito.

"What?! Sino?" Para akong nabingi sa sinabi nya.

"Hindi ko kilala. Pinapaabot lang daw sabi nu'ng isang estudyante." Pagpapaliwanag ni Mia.

"Sino naman kaya 'yon?" Tumatangong nasabi ko habang may magkasalubong na kilay at puno ng excitement na aura.

"Hindi din kilala nung napag-utusan. Actually galing sa administration 'yan, duon daw talaga iniwan." Aniya.

Hanggang sa makauwi ay hindi pa din ako makapaniwala.

Hawak ko lang ang libro habang nakahilata sa kama.

Hindi ako makatulog. Ni hindi ko din maipagpatuloy ang pagbabasa ko dahil sa pag-iisip.

Napatingin ako sa likod nito at napangiti.

Naiiling na tinitigan ko ito.

"National Bookstore. 150 pesos." Napahalakhak na ako sa nabasa.

For real?! Hindi ba dapat ay tinatanggal ito bago ibigay?

Sino ka ba talaga?
I want to meet you.

Sinubukan kong hanapin kanina 'yung estudyante ngunit ang tanging naisagot nya sa'kin ay ipinag-utos lang daw ng admin dahil may nagbilin kaya hindi rin nya kilala.

Uhg! This one is making me crazy! Sino ka ba?! Isa na ngang misteryo iyong si KnightInBlack, sumali ka pa!

Sa pagbubuklat ay napadpad nanaman ako sa unang pahina, sa pirma nya.

"Kuya Kib."

May kasama pang-smiley.

Knight In Black o dapat kuya KIB na din?

Kumalabog nanaman ang dibdib ko. Nagwawala ang nasa loob, gustong lumabas. Feeling ko kakapusin nanaman yata ako ng paghinga. Dahil lang 'yun sa maliit na pirma nya.

I gulped.

Pinasadahan ko ng mga daliri ko 'yung parte na may pirma, dinadama kahit na ang flat na papel lang ang nahahawakan ko.

Ikaw kaya? Anong klase ng pakiramdam ang ibibigay mo sa'kin?

Dahil sa ginagawa ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na napapangiti. Ang lakas ng dating sa'kin ng pirma mo.

Napapikit ako sa naisip, ipinwesto sa dibdib ang libro at niyakap ito.

May mga kung anu-anong pumapasok sa isip ko.

Ibig sabihin ba nito, minsan na nyang nahawakan 'to? Minsan na nyang pignatuunan ng pansin ito? Minsan ng nakuha ng libro na ito ang paningin nya? Ang buong atensyon?

Paano ka ba nya hinawakan? Gaano ka nya katagal tinitigan? Anong pakiramdam? Anong pakiramdam ng hawak ka nya?

"Anong pakiramdam na nasa kanya ka?" Napadilit ako dahil sa nasambit ko.

Baliw na ba ako?
Nasisiraan?
Abnormal?

Hindi ko na alam! Nababaliw na nga yata ako sa kakaisip sakanya.

Mahinang tawa ang kumawala sa'kin.

Literally. Baliw na nga ako.

Napangisi ako sa sariling pag-amin. Hindi ko alam kung bakit, pero nalulungkot ako. Ramdam ko kase, wala na 'tong hangganan at hindi ko na kayang pigilan. At sa tingin ko ay hindi ito magandang ideya. Binabaliw nya ako. Nagpapabaliw naman ako. At wala akong planong magpapigil o tumigil.



His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon