Chapter 19

417 42 13
                                    

CHAPTER 19 KnightInBlack 2

- Rory's POV -

"I will count." Anang isang nakakatakot na boses na ikinatigil ni Reyah na nawala na lamang sa screen.

Maya-maya ay may narinig akong halakhak na may kasamang pagsigaw. "Ate ah? Pahirapa----Kuya!" Kita sa screen na ibinato sakanya ni KIB 'yung isang throw pillow na siguro ay dahilan ng pagtigil nya.

"OUT!" Ani KIB habang may isa pang throw pillow na iniikot-ikot sa kaliwang kamay.

"KUYA MAGDAMIT KA NGA! AKALA MO NAMAN MAAAKIT MO SI ATE SA PAYAT MONG KATAWAN? HMMP!" Nakasigaw na sabi ni Reyah.

Maya-maya pa ay naiiling na umayos ito ng upo at bumalimg sa screen.

"Enjoy ba ang palabas?" Anito ng may halong pagkairita.

"Medyo?" Patanong na sagot ko tyaka naiilang na nginisihan sya.

"Magbibihis lang ako. H'wag mong papatayin. Hindi ko na gusto 'yong ideya na mamaya nalang ako tatawag." Nakangising tumayo ito at nagsimulang maglakad. Inalis nito ang tingin sa'kin at diretsong tumingin sa harap.

"Seriously?" Tumaas ang isang kilay na tanong ko.

Binalingan ako nito sandali matapos ay ibinalik ulit sa harap ang tingin. "I'm serious." Sagot nya.

May isa nanamang pakiramdam ang nagpapakilala sa'kin. 'Yung pagsagot nya ng hindi ako tinitingnan ay may hatid nanamang ibang pakiramdam na pumapasok nanaman sa loob ko. Gusto ko ay nakatingin lang sya sa'kin! Uhg!

D-mn!

"Bihis muna ako ah?" Narinig kong sabi nya matapos ay mabilis na nawala sa screen. Hindi man lang hinintay ang sagot ko.

Eh kung patayan ko kaya? Halos mapangisi ako sa na isip. Hindi pala magandang idea. Nagsisimula nanaman akong mag-inarte. Aish!

Ibinaba ko ang cellphone tyaka tumingala na lamang sa kisame.

Iba ka. Ibang-iba. Sa iilang salita napapaasa mo ako. Sa kaonting galaw iba ang ibinibigay mo. Makita ka lang nahihirapan na akong himinga. Sa ilang segundo lang ay nababago mo ang timpla ko. Kakaiba ka. Wait, what?! Iniisip ko ba talaga ito? Uhg! Tama na ang pag-iisip Rory. Please. Hindi pa nangyayare ay may nangyare na sa utak mo, wala pang sinasabi ay alam mo na ang pinupunto. Sa bawat pag-iisip ng sobra ay may ibang naidudulot. Nakakasama ang sobrang pag-iisip tandaan mo, Rory.

Napabuntong hininga ako tyaka bumaling sa wall clock, 09:56 pm. Magdadalawang oras na pala kaming magkausap? Ganon na katagal? May hindi pa ba sya nasasabi? O may nasabi na ba sya? Parang wala naman kase kaming maayos na napag-usapan.

Nag-uusap kami? What the heck Rory?! Halos mapaikot ang mata ko sa sariling iniisip. At ngayon mo pa talaga naitanong 'yan? Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Paano kaya kung nakita ko 'yung isinulat nya sa book ko? Paano kaya kung hindi ako nag-inarte no'ng book signing? Paano kaya kung nabasa ko 'yung letter nya no'ng araw na 'yon? Ano kayang nangyare? Siguro nga ay nandito pa rin ako. Pero may iba.

May iba pa nga kayang nangyare sana no'ng araw 'yun? Ano? Pakiramdam ko ay may hindi pa sya nasasabi. Nage-effort para saan? Hindi naman siguro ganon lang iyon, hindi ba? Ito nanaman ako. Isip pa. Tanong pa.

Nakaka-frustrate! Dapat ay masagot lahat ito!

Tapos kapatid nya si Reyah, 'yung isa sa mga nakilala namin nina Mia sa book signing. Uhg!

I heaved a sigh.

Suko na ako. I will ask him later.

"Okay na." Isang boses ang tumawag sa atensyon ko. "Okay ka pa? I mean--ummm, inaantok ka na? Ahg! Whatever! Ano? You'll sleep na?" Magulong pagtatanong nito.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon