Chapter 4

570 69 16
                                    

CHAPTER 4

- Rory's POV -

Naiwan akong naguguluhan sa sinabi nya.

His way of saying thank you? Hindi ba dapat ako ang mag-thank you sa ibinigay nya sa'kin?

Babalik na sana ako sa pagkain ng makakita ako ng isang cellphone sa kabilang parte ng mesa.

Naiwan nya!

Ano ba namang kaanohan 'yan!

Nakatayo na ako ngayon. Iniisip kung anong gagawin ko.

Susundan ko ba sya? Hahanapin? O maghihintay dito dahil baka bumalik sya?

Sa huli ay wala din sa nabanggit.
Sa laki ng ZM Mall hindi ko 'yun madaling makikita.

Tinapos ko ang aking pagkain at mabilis na binuksan ang mogu-mogu. Napangalahati ko agad ang laman nito, sakto kase sa gusto kong flavor. Matapos 'yun ay nagmamadali akong lumabas.

Mag-CR muna ako bago pumunta sa kung saan pwedeng humingi ng tulong dito sa mall para mas mabilis na masauli sakanya 'yung phone.

Burara si kuya!
Nadala nya yung isang mogu-mogu pero naiwan yung phone nya! Ayos ah?

Ng makapasok sa CR ay agad akong nag-ayos at ginawa ang dapat gawin.

Papalabas na ako ng may makabangga pa ako na naging dahilan ng pagkahulog ng hawak kong cellphone at mogu-mogu.

"Shoks! Hindi sa'kin 'yang cellphone baka masira!" Naibulalas ko habang mabilis na pinupulot ang phone at ininspeksyon ito. Habang 'yung lalaking nakabangga ko ay hinahabol yung dalwang mogu-mogu na gumulong pa palayo.

Sinunsundn ko sya ng tingin ng mapagtanto ko kung sino sya."Kuya!" Pagtawag ko dito.

Dahil sa pagtawag ko ay medyo natigilan sya.

Mabilis ko itong nilapitan dahil sa tuwa. "Kuya ikaw nga! Sa'yo 'to hindi ba?" Ipinakita ko sakanya ang cellphone na mabilis naman nyang kinuha.

Hindi ko man kita ang eksprsyon nya dahil balot na balot ang mukha nya ay ramdam ko namang nakahinga sya ng maluwag.

"Kuya." Pag-uulit nya sa pagtawag ko sakanya then he chuckled. "Anyway, thank you!" Wika nito sabay abot sa'kin ng mogu-mogu na nahulog din kanina.

Nagtataka man sa pag-ulit nya ng kuya ay sinagot ko sya ng nakangiti. "Thank you din po dito." sabay pakita nung mogu-mogu.

"Tapos na ba kayong mag-moment? Naiihi na ako! Miss baka pwede ka ng lumbas?" Sabi ng isang naiiritang boses, lilingunin ko pa sana sya ng bigla akong hilahin ni kuyang naka-mask palabas ng CR.

PALABAS NG CR NG MGA LALAKI!! Asdffghjklzxcvbbn

Habang naglalakad at hila-hila nya ay hindi ko maiwasang kabahan at nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok.

Siguro ay gawa ng pagkakapasok ko sa CR na 'yun! O baka dahil masyado kaming mabilis at medyo hingal na ako.

I gulped. Ang lamig ng kamay nya! Saglit kong ipinikit ang aking mga mata at humugot ng malalim na hinga. Pagmulat ko ay tumama kaagad sakanyang likod ang aking paningin.

Sexy back!

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Montik ko ng masapok ang sarili ko dahil do'n.

Biglang kumalabog ang dibdib ko na halos hindi na ako makahinga. Gusto na yatang lumabas ng puso ko, onti nalang at mawawasak na yata ang rib cage ko sa sobrang pagkabog nito. Bigla din akong nilamig na may kasamang pawis.

Ang weird ng nangyayare sa'kin.

"Okay ka na dito?" Anito pagkalayong-pagkalayo namin sa CR tyaka ako binitawan at hinarap.

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok sa pagkakarinig ng boses nya. Kinakapos na yata ako ng hangin dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

"O-oo?" Hindi siguradong sagot ko.

Hihimatayin na yata ako! Ano ba tong nararamdaman ko?

"Okay ka lang?" Muling tanong nya.

Napalunok ako bago sumagot. "Okay lang ako." at isang pilit na ngiti ang lumabas sa labi ko.

"Sure?" Paninigurado nito na sinagot ko na lamang ng pagtango. Feeling ko kase hindi na bubuka ang bibig ko at wala na ding lalabas na boses dito.

"Okay then, I have to go. Late na ako." Wika nito habang nakatingin sa wristwatch nya. "Thank you ulit! Ingat." Binalingan nya ako sandali matapos ay tumalikod sa'kin at mabilis na naglakad.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa unti-unti na'ng mawala sa dami ng tao.

Parang tanga akong pumikit sandali at muling humugot ng malalim na hininga bago muling nagmulat. Kumalma ka Rory, please! Paalala ko sa sarili ko. Naupo ako sa isang bench na malapit lang sa'kin.

I heaved a sigh.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Medyo matagal pa akong nakaupo du'n bago tuluyang mapakalma ang sarili.

Bigla ako nakaramdam ng uhaw. Binuksan ko ng walang kahirap-hirap ang mogu-mogu na hawak ko at dire-diretsong uminom.

Huli na ng may mapagtanto ako, na ikinasamid ko dahil sa pagkabigla.

Hindi na sealed pero bawas ng kaunti. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko 'to. Sa pagkakaalam ko ay kalahati na ang bawas ng sa'kin!

"What?!" Mahinang wika ko.
Don't tell me ito naman ngayon? Nagkapalit ba kami ng inumin?! Uhg! Obviously! Gaano ba ka-careless ang lalaki'ng 'yun? Naiinis na naisip ko. Ibang klase!


Hindi ako naniniwala sa indirect kiss! Darn it!



Matapos ang pangyayareng 'yon ay umuwi na ako sa bahay. Hindi ko na kase gusto ang pakiramdam ko.

Bago matulog ay nagbasa muna ako ng Hell University. Malapit na akong matapos, pero parang ayoko syang matapos! Gusto ko pa ng gantong istorya. Masyado na akong nahubumaling dito.

Ang galing naman kase ng author nito. Kakaiba dahil sa lalaki ang gumawa. Iilan nalang kase yata ang mga lalaking may hilig sa pagsusulat. Ang laking pogi point nito!

Nasa huling parte na ako ng pagbasa ng biglang mag-ring ang phone ko.

Mabilis ko 'tong kinuha at sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang caller.

"Sumama ka ah?" Pagbungad nito sa'kin. Boses palang at linya ay alam ko na.

"I'm not feeling well Mia, sorry pero baka hindi na talaga ako makasama. Tyaka wala sina nanay hanggang bukas." Sagot ko.

Kinamusta nya lang ako matapos ko sabihin 'yon at mabilis din syang nagpaalam. Nanghihinayang man ay wala na din syang nagawa.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa hanggang sa tuluyan ko na ngang matapos ito.

MY NEW ADDICTION! HOLLY MOLLY! I CAN'T EVEN STOP SMILING!!

Hell University is sooooo great!

Supremo! Owmaygad!

Halos makalimutan ko ang sama ng pakiramdam ko sa excitement at kaba sa mga nabasa ko.

At dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakarating na ako sa wattpad account ni KnightInBlack.

So mysterious.

Raze WP ang fb account nya.

Raze one hell of a hottie mysterious man sa H.U. just like him. The author.

Who are you KnightInBlack?

Sino ka ba talaga?
Masyado akong naku-curious sa'yo. Kuhang-kuha mo na ang atensyon ko.




Itutuloy...





--------
COMMENT AND VOTE.
SALAMAT.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon