Chapter 42 I'm Going

251 16 7
                                    




Mabilis akong nakarating sa room dahil sa lakad takbong ginawa ko. Kapos ang hiningang naupo ako sa unang nakitang upuan sa kwarto. Mabuti nalang at ako pa lang ang narito.

D-mn! No choice ako kung hindi ang mag-stay dito. Ayokong lumabas kahit na alam ko na, na imposibleng makapunta sya dito or maybe it's impossible for him to follow me.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko sa naisip.



Ano ba ang ginagawa mo? Hindi ba dapat ay hindi ganito ang maging reaksyon ko sakanya? Hindi dapat ako ganito.

Ahg! Naiinis ako sa sarili ko.





Napatigil ako ng ilang sandali bago tumayo at damputin mula sa sahig ang nahulog na bag ko. Kailangan ko nang maayos na pag-iisip, hindi maganda 'to. Tinapunan ko ng tingin ang wristwatch ko.


I lied, may kalahating oras pa talaga ako para tumambay.

Bago lumabas ay kinuha ko 'yong phone ko para i-text sina Kiel na hindi na ako pumasok at nauna na akong umuwi sa bahay dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.


Para nama akong timang na naglalakad habang patingin-tingin sa paligid hanggang sa makarating sa parking lot. Maygad! Ano ba ang nangyayari sa'kin?

Binuksan ko 'yong sasakyan para ibalibag sa loob 'yong bag ko tyaka 'yon isinara ng pabagsak. Matapos 'yon ay napasandal ako sa pinto dahil sa nararamdam na inis.



"Umayos ka Rory." Ginulo ko ang buhok ko.



Wala naman syang ginawa pero bakit ganyan ka?

D-mn it! I don't really know how to react! Sh-t sya! What the hell? May ginawa sya! His little actions, anong ibig sabihin no'n? Hindi ba parang noong isang araw lang ay tinrip pa nya ako? Sino sya?!

Napapikit ako ng mariin. D-mn it Raze, d-mn you! Naglalaro ka ba?



"Rory!" Pagtawag ng isang boses mula sa hindi kalayuan ang nakapagpatunghay sa'kin. "You okay?" Tanong nya.

"Uh." Napansin ko ang hibla ng buhok ko na nasa harap nang mukha ko kaya bago sumagot ay inayos ko 'yon tyaka tumayo ng diretso. I let a heavy sigh.

"Okay lang po ako sir." Sagot ko.

"Are you sure?" Paninigurado nito.

"Yes, sir Fahren." Sagot ko sabay ngiti kahit alam kong pilit lang 'yon.

Maniwala ka at h'wag ka nang dumagdag sa isipin ko.


Tumango-tango sya. Ilang saglit syang natahimik bago bumuka ang bibig pero bago pa sya makapagsalita ay may kumuha na ng atensyon namin.



"Sir.." Tawag ng bagong dating.



Parang nakaramdam ako ng pagkairita sa boses palang.



"Engineer? Nandito ka pala? Ang aga ah?" Ani sir Fahren.

"Uh, yes... May chineck lang kami." Sagot nya sabay ngiti. "Papasok palang?" Tanong nito.

"Ah, oo. May isa-submit pa pala akong papers kay madame." Sabi ni sir.

"Then you should go now." Hindi maganda sa pandinig ko ang sagot nya.


Tatalikod pa lamang sana ako para sumakay na sa saskyan ko ng marinig ko 'yong pangalan ko.

"I was just asking Rory if s-------"

"If I can help you sir with your things? Opo. Sure." Mabilis na sabi ko sabay ngiwi sakanya. "Ilalagay lang naman po sa room namin sa table nyo, 'di ba? Ako na po. Ipasa nyo na po 'yan." Lumakad ako papalapit sakanya at kinuha ko 'yong ilan sa mga dala nya.

"But h---"

"Sir, okay lang po. Papasok na rin naman po ako." Pagpapalusot ko pa. "Una na pa a-------"


Naputol ang sasabihin ko nang may biglang umagaw nong mga hawak ko sa'kin.


"Ako na." Anang isang boses na ikinatigil ko. "Get your things." Utos pa nito.

"Engineer..." Hinarap ko sya. "I can handle. Ako na sir." Dugtong ko.


Tinaasan nya ako ng kilay.

"Let's go." Ang sagot nya tyaka nagsimulang maglakad palayo.

Hindi ako kumilos. Hindi ba sya nakakaramdam?

"Sumunod ka nalang." Natatawang suhestyon ni sir Fahren bago ako tinalikuran.


Ang akala ko ba ay uuwi na ako? Bakit nagkaganito? Bakit ba pilit akong naiipit sa ganitong mga sitwasyon?

Ano ba'ng kailangan nya?



"Rory!" Tawag nya sa'kin.

Inis akong naglakad at dali-dali akong kumilos para kuhain 'yong bag ko sa sasakyan. Pero nong naglalakad na ako papalapit sakanya ay napatigil ako sandali at bahagyang bumagal sa paglalakad.

Bakit kailangan ganito?


Nakatingin ako ngayon sa harapan ko kung nasaan sya nakatayo at naghihintay sa'kin.

Bakit nangyayari 'to?

Umawang ang bibig nya nang tuluyan akong makalapit sakanya. Pero maya-maya ay tinalikuran na ako at nagsimulang maglakad. "D-mn it." Mahinang utas nya na hindi nakalagpas sa pandinig ko.

Hindi nalang ako kumibo. Nasa likod nya lang ako at sumusunod sa bawat hakbang nya.

Bakit ba napupunta ako sa ganitong sitwasyon? Napabuga ako nang hangin.


Nagpapatuloy lang ako sa pagsunod sakanya nang muli syang magsalita.


"Hindi ko alam kung anong department ka. Baka gusto mong palit tayo ng pwesto?" Utas nito bago tumigil sa paglalakad tyaka ako hinarap.

Binigyan ko sya ng isang walang ganang tingin bago nagpauna.






Sa pag-akyat namin ng building ay hindi maiwasang may makasalubong kaming kakilala. Mga chismosa.



Hanggang sa makarating sa tapat nong room ay tahimik kami.

Hinarap ko sya. "Ako na ang magpapasok ng gamit ni sir." Sabi ko tyaka akmang kukuhain 'yong mga gamit pero iniwas nya 'yon sa'kin.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay nya sa gilid ko kasabay no'n ang pagtunog nang pagbukas ng pinto sa likod ko.

"Pumasok ka na." Utas nya tyaka ako nilagpasan at nagpauna sa loob.


Wala akong nagawa kaya sumunod nalang ako at nagdiretso sa paglakad sa upuan ko. May iilan na rin akong kaklase sa loob.


"Ang aga ah?" Utas nong isa na sinabayan pa ako sa paglalakad. Napatingin ako sa wristwatch ko. "10 minutes pa." Sabi pa nya na nginitian ko nalang.

"Kilala mo?" Sabay nguso nya sa harap.

Sigurado ako kung sino ang tinutukoy nya kaya hindi ko na nagawang lingunin pa 'yon.

"Engineer nong ginagawang building sa kabila." Sagot ko saktong pagkatapat ko sa bakanteng upuan.


Ibababa ko palang sana 'yong bag ko nang may biglang humigit sa'kin sa baywang. Kasabay nang pagharap ko ay ang pagsakop nya sa labi ko. Dahil sa gulat ay hindi ko nagawamg ikurap ang mga mata ko hanggang sa bumitiw sya.

"I'm going..." Bulong pa nito bago ako binitiwan at naglakad patungong pinto. "Ang mga mata... Alisin sakanya." Pahabol nya bago tuluyang lumabas.













Itutuloy...

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon