Chapter 37 Kiss

260 16 2
                                    




"'cause she's bittersweet.
She knocks me off of my feet.
And I can't help myself.
I don't want anyone else." Pagsabay ko sa kanta habang nagpapatuyo ako ng buhok at patingin-tingin sa phone ko.



Ang tagal mag-reply! Hahaha. Got yah bib! Malaki ang ngising isip ko.


'Mali.'


Napataas ang kilay ko sa reply na nakuha mula sakanya. Ang tagal mag-reply 'yon lang naman pala ang sasabihin!


'What? No! Anong mali? Tama ako!' I replied.

'Mali ka nga eh.' Ang reply nya.

'Two different words, sounds like one.' Habol pa nya.


Seriously? Uhg!


'Sabihin mo nalang bib.'
Inis na reply ko na may kasama pang panggigigil sa pagta-type.

''Told you... Two different words, sounds like one. Something fast. Sometimes an event. Meant 'to destroy.' Ang tanging reply nya.

'Tigilan mo na nga ako sa ganyan mo.' Sagot ko.

'Okay... Shut up na ako.' Sagot nya.

'Now tell me, what is it?'


Napaupo ako sa kama tyaka magkasalubong ang mga kilay na paulit-ulit na binasa 'yong mga clue nya.


"RORY! ANO NA? BABABA KA PA BA RITO?" Isang sigaw mula sa labas ang nakakuha ng atensyon ko.


Uhg! Nandito nga pala sila. Napailing ako habang tumatayo.


"COMING!" I yelled back.


Muli kong hinarap 'yong phone ko para magpaalam sakanya, matapos 'yon ay dumiretso na ako pababa.



"What took you so long, honey?" Salubong sa'kin ni Mia.

Nagkibit balikat lamang ako sa tanong nya at ngumiti. "Let's go?" Pagyaya ko sakanila.

"Iniwan mo ba 'yong phone mo?" Out of the blue na tanong ni Pat.

"What's wrong with my phone?" Nawiwirduhang balik tanong ko sakanya.

"Busy ka lagi sa ka-chat mo every time na lumalabas tayo. Dapat lang talaga na iwan mo 'yon!" Sagot ni Pat. "Iniwan mo ba?" Ulit nya.

"Oo." Sagot ko.



Matapos 'yon ay sunod-sunod kaming lumabas ng bahay at nagtungo sa garahe. Nang makasakay ako sa sariling sasakyan ay laking gulat ko na lamang nang sa isang iglap ay napuno ang sasakyan ko.


"Wala man lang bang magi-inform sa'kin kung anong nangyayari?" Isa-isa ko silang tinignan bago muling tumingin sa harap.

"Lima tayo, hindi maganda kung magkakanya-kanya tayo ng sasakyan, 'di ba?" Ngingisi-ngising ani Kiel mula sa passenger's seat.

"Why d----" Magtatanong pa lang sana ako ng putulin ako ni Mia.

"Tipid gas, just drive." Sabi pa nya.



Napairap na lamang ako bago i-start ang engine at mag-play as driver nitong apat.


Every weekend ganito ang gawa naming lima. Ako, sina Kiel, Ngay, Mia at Pat. Kinukuha naming bonding time ang mga walang pasok na araw kapag walang gawain sa school.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon