Chapter 61

302 21 3
                                    


"Ma, sa taas po muna kami." Utas ni Kib nang makapasok kami sa bahay nila.


Dahil do'n ay nakuha namin ang atensyon ng mama nya. Tinitigan nya kami habang unti-unting nagsasalubong ang mga kilay. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa uri ng paninitig nya.


"You two looks like sh-t." Komento nito na ikinagulat ko dahilan para bahagya kong mahigit ang kaliwang kamay ko na hawak ni Kib.


Lumunok ako.


"Not funny." Komento ni Kib na parang wala lang. Matapos ay hinila nya ako para maglakad patungo sa hagdan.

"'Ni hindi mo pa nga sya ipinapakilala sa'kin" Sabi ng mama nya na ikinatigil namin.

"Mamaya na po." Sabi ni Kib na ikinabigla ko.

"Kib..." Pagtawag ko sakanya sa mahinang boses.

Binalingan nya ako habang pinanlalakihan ng mga mata, as if saying na sumang-ayon ka nalang. "You need to rest, right?" Binitiwan nya ang kamay ko para hawakan ako sa baywang.

Nagkibit balikat ako. "Meeting your mom won't make me feel l-"

"Whatever." Utas nya bago ngumunguso. Marahan nya akong iginiya palapit sa mama nya.

"Ma, si Rory... Babe, mama ko." Nakaramdam ako ng pag-iinit ng pisngi dahil sa paraan ng pagpapakilala nya sa'min.

"Minsan talaga nawawala ang manners ng anak ko, Rory. Pagpasensyahan mo na." Utas ng mama nya na malawak ngiti sa'kin. Tumayo sya at lumapit sa'min. "Pwede ba kitang yakapin?"

Sasagot pa lamang sana ako ng tawagin ni Kib ng may pagbabanta ang mama nya. "Ma!"

"What?" Natatawang tanong ng mama.

"She's tired. She needs to rest." Sagot nya.

"Hugging Rory won't make her feel like s-"

"Whatevere!" He cut his mom off.

"Kib!" Pagtawag ko sakanya ng may kasamang pagbabanta. Nanlalaki ang mga mata ko syang tinitigan. "Seriously? Problem?" Tanong ko.

He rolled his eyes in reply then walked away.

"Just don't mind him, hija. Mayron lang syang gustong gawin na hindi nya magawa kaya ganyan." Bulong ng mama nya sa'kin.

Tumango ako. "Moody." Komento ko.

"Yes. Anyway, it's really nice to finally meet you hija." Sabay yakap nya sa'kin. "Tawagin mo akong tita Jorsyl."

Niyakap ko sya pabalik. "Thank you po, tita." Pilit ang ngiti na utas ko dahil kinakabahan ako. Bakit ba iniwan nya ako?


"Tapos na?" Tanong ng isang boses mula sa hindi kalayuang pinto sa pwesto namin. May hawak syang isang bote ng tubig. Oo, bote ng tubig.


Nagsimula syang maglakad patungo sa'min ng may malawak na ngiti. Moody. Pero kahit sobra ang pagka-moody nya ngayong araw okay lang, bagay na bagay sakanya.


"Water?" Pag-abot nya sa'kin no'ng hawak nya.

"Salamat..."

"Hindi ba kayo kakain bago umakyat?" Tanong ng mama nya.

"Rory?" Patanong na pagtawag sa'kin ni Kib na parang ako ang pinapasagot sa tanong ng mama nya.

Nang balingan ako ng mama ni Kib ay sya namang pag-iling ni Kib. Ano ba ang gusto nitong lalaki na 'to? Kanina pa sya.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon