Araw ng linggo, matapos magsimba ng sama-sama ay nagdiretso kami sa bahay. Nanananghalian kami nang mapasok sa usapan 'yong malapit na daw na birthday ko.
"Anong plano? Party? Bar tayo?" Excited na tanong ni Mia.
"Simpleng kain sa labas, ayos na 'yon." Sabi ko habang nagsasandok ng kanin. "Hindi ba kayo napapagalitan na dalawa? Halos hindi na kayo mag-stay sa bahay nyo eh." Tukoy ko sa napakadalas na pagtambay nila dito ni Pat sa bahay.
"Hindi naman, kaya h'wag mo ibahin ang usapan." Sagot ni Pat. "Bar nalang tayo." Suhestyon pa nito.
"Nah. Ayoko." Sagot ko bago isinubo 'yong pagkain ko.
"Friday naman 'yun 'di ba? Walang pasok ng sabado." Pagpupumilit ni Pat.
"May lakad ako kinabukasan eh. Publishing company, may kailangan ayusin." Nakakibit balikat na sagot ko.
"After no'ng lakad mo diretso tayo sa bar and that's it." May pinaledad na utas ni Kiel.
"Kinabukasan 'yong book signing." Sabi ko habang busy na binabalatan 'yung hipon.
"May date na pala?" Tanong ni Ngay.
"Uhumm. 'Di kayo nago-online? May iang araw na na-announce, kasabay nang BS ng ilan pang kilala na author no'ng company." Sagot ko.
"Alam mo na dapat na kapag hindi kami nag-iingay about dyan wala pa kaming alam." Nakangusong ani Ngay.
"Dunno." Natatawang sabi ko.
"Celebration para dyan, plus birthday mo... Party para dyan!" Sabi ni Pat.
"Okay na ako sa simpleng dinner." Sagot ko.
"Kuripot ka lang ang sabihin mo." Komento ni Mia.
"Hoy, 'di ba dapat may datung ka? May book ka na ah?" Segunda pa ni Ngay.
"Simple dinner will do." Sagot ko.
"Kuripot. Kami na ang bahala." Ani Kiel.
"Hindi na." Pagkontra ko.
"'Yon na ang regalo ko sayo, so walang tututol." May pinaledad sa tonong sabi ni Kiel.
Napailing na lamang ako sa kakulitan nila. Wala na akong magagawa patungkol dyan.
Kinabukasan ay Monday, may pasok. Ahg! Naglalakad ako sa kahabaan ng pathway patungo sa tambayan namin nang makita ko ang isa sa mga estudente dito sa school. Kaklase ko sya sa isang subject at naging group mate ko, mukhang hirap na hirap kaya inalok ko na nang tulong.
"Kasama ba talaga sa trabaho mo ang ganito?" Nagtatakang tanong ko. Isa kase syang S.A.
For real? Trabaho ba nyang magbigay ng meryenda para sa mga nagtatrabaho do'n sa ginagawang building?
"Si Miss Cox, parang type kase yata 'yong engineer yata? Ewan ko ba." Nakabusangot na anito. "Nagpapalakas eh." Dugtong pa nya.
"Seriously? Uso pa pala ang ganon? At si Miss Cox?" Hindi naman sa nanglalait ako, pero may edad na rin 'yon ah? Ilan na nga anak no'n? Tapos may chismis pa na kung ilan ang anak no'n ganon din ang naging asawa.
"Wala nang bago kay miss Cox, sanayan nalang... Sakanya kase ako madalas." Natatawang anito. "Hindi ka ba male-late sa klase mo?" Tanong nya.
"Nah. Higit isang oras pa bago ang first class ko ngayon, napapaaga lang naman ako dahil do'n sa mga kaibigan ko." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)
Fanfiction[COMPLETED] Knight in Black Fan Fiction A Wattpad Author and Reader Story UNEDITED First Half (Chapter's 1-36) Second Half (Chapter's 37-61) Credits sa owner ng picture/s na ginamit para sa BookCover. Salamat!