CHAPTER 15 Curiosity
- Rory's POV -
Matapos basahin ang nakakatuwa nyang 'Artistic Letter' kahit na halos may kasamang pagkadisgusto ay nakangiti akong pumasok sa bathroom ko para malinis.
Sa ibaba muna ako pagkatapos ko dito. Ayoko munang mag-isip. Napangiti ako ng sulat na 'yun, pero dahil sakanya ay sa tingin ko mas magugulohan pa ako.
"Myyyyy! Nasaan sila?" Pagkababa ko matapos maligo ay si Mommy nalang ang naabutan ko sa salas. Agad akong tumabi sakanya sa sofa na inuupuan nya.
"Nagkayayaan silang lumabas, mga kapatid at pinsan mo." Sagot ni mommy habang busy sa pagtingin sa isang magazine."Hindi ako isinama." Halos mapangusong nasabi ko.
"Ang sabi ni Mae ay wala ka sa mood kaya hindi na sila nag-abalang yayain ka." Matapos magsalita ay nagsimula ulit si mommy sa pag-scan nu'ng pahinang kanina pa nya tinititigan. "May problema ba?"
"Wala po." Sagot ko.
"What do you think Ry? Gusto mo ba nito?" Sabay lahad sa'kin ng pahinang may mga nagmo-model ng skirts.
Napabusangot ako sa nakita. "Mommy, halos puno na ng skirts ang cabinet ko." Wika ko.
"Try it 'nak." Nakangiting bumaling sya sa'kin.
"Nagugutom na po ako." Sagot ko na nakapagpatawa kay mommy.
"Just this one." Naiiling na turan nya ng nakangiti.
"One?" I asked. Pano kase sure ako na hindi lang isa 'yun.
"Two or three." Napatawa sya sa sinabi.
"Sabi na eh. Kain na po tayo." Napapangiting sagot ko.
"Bagay naman sayo." Nakangiting wika nya habang pinasadahan ng kanang kamay ang aking buhok. "I'll wait for your dad, mauna ka na." Sabay halik nya sa noo ko.
Close kami ni mommy, maging si daddy din naman. Close as in alam nila lahat at nakikialam sila sa lahat. Yes. Haha.
Ako daw kase 'yung pinakahinintay na apo sa lahat. Matapos kaseng ipanganak ni mommy si kuya ay nahirapan na syang magbuntis. Dalwang beses pang nakunan si mommy bago ako. Si Mae? In-adopt sya. Anak sya ng kapatid ni daddy na babae na ngayon ay wala na. Namatay ang mama nya at wala ang g-go nyang papa. May fun run, tumakbo eh.
Matapos kong kumain ay nagdiretso na ako sa taas, sa kwarto ko. Gusto kong matulog ng maaga ngayon dahil unang araw ko sa bago kong eskwelahan. Hindi naman na ako gaanong kinakabahan dahil makakasama ko naman ang mga pinsan ko.
Ng makaupo sa kama ay kaagad kong dinampot ang cellphone ko. Dead batt. Nag-charge ako matapos 'yun ay binalingan ang study table ko.
Hell University books. Bookmarks. The Artistic Letter.
Pumwesto ako sa upuan at muling binuklat 'yung 'Artistic Letter'.
Kakaiba.
Napangiti ako sa naisip.
Hindi sya nagpaliwanag ng maayos sa sulat. Ang tanging nabanggit nya ay ang curiosity nya.
Curiosity?
"Eager desire to know."
"The desire to learn or know more about something or someone."
Nakaharap ako ngayon sa ipad ko at oo, nasa google ako ngayon. Nakakabobo. Feeling ko kase dahil sakanya nanggaling 'yung salita hindi ko na alam kung anong ibig sabihin nun. Kung hanggang saan.
Masyadong nagugulo ang utak ko sa mga sinabi nya. Hindi ko maintindihan.
Nakailang ulit pa ako sa pagbasa. Sasakit pa yata ang ulo ko sa kakaisip. Seriously? Masyado nya akong ginulo. O baka naman iba lang ang pagkakaintindi ko?
Napabuntong hininga ako at itinabi ang mga gamit.
Aasa ka nanaman ba kagaya noon sa book signing? Tumigil ka muna. 'Wag kang masyadong mag-isip Rory, matulog ka nalang. Pagkumbinsi ko sa aking sarili habang umaayos ng higa sa kama.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naghanda para sa pagpasok bago bumaba.
Naabutan ko sina Kuya at Mae na nagsisimula ng kumain. Habang si mommy ay busy'ng nakaharap sa niluluto.
"Hoy Rory! Iniwan mong naka-charge 'yung phone kagabi." Pagbungad sa'kin ni Kuya. "Mabuti nalang at may hihiramin ako sa'yo kaya nakita ko." Pagpapatuloy nya habang kumukuha ng pagkain.
"Thank you?" Patanong sa nasabi ko habang papaupo.
"Tss." Anito. May pagkamasungit sya. May dating lang naman.
"Anong hihiramin mo ba?" Tanong ko naman.
"Kuya took your Hell University book." Mabilis na sumbong ni Mae sa'kin na nakatanggap naman ng isang wagas na pag-irap mula kay kuya.
"Kuya!" Nanlalaki ang mga matang binalingan ko sya.
"What?" Anito ng may pinipigil na ngiti.
Napabusangot at magkasalubong ang mga kilay na tinitigan sya.
"Don't worry, wala akong nakitang love letter na nakaipit dun." Nakangisi ng wika nya. "Kung love letter man ang tawag dun." Then he chuckled.
D-mn! 'Yun! 'Yun ang iniiwasan ko! Napapikit ako gawa ng pagkairita.
"Mommy! Si kuya!" Naiinis na wika ko.
"What?" Natatawang anito. "Sino ba 'yun baby sis?"
"Mommy!" Binasa nya! Binasa nya! Bi-na-sa-nya!
"Rome, tigilan mo ang kapatid mo." Pagsuway ni mommy kay kuya bago bumaling sa'kin. "Sino 'yun Ry?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni mommy.
"Uhg! Where's my privacy? Binasa nyo!" Halos maghisterikal na wika ko.
"May manliligaw ka ba sa Manila?" Diretsong tanong ni mommy ng may nakataas na kilay.
"Wala po. Hindi naman love letter 'yun. Just a friendly letter." Mabilis na tugon ko.
Really Rory? Just a friendly letter?
Binigyan ko ng isang nakamamatay na tingin si kuya. Ang bwisit sa buhay ko! Moody ape. "'Yung book." Pagpapatuloy ko.
"Hindi mo 'yun makukuha hanggang hindi pa ako tapos." Busy sa pakain na sagot nito. "Tyaka sinabi ko lang naman kay mommy, hindi ko ipinabasa." Nakangisi pa rin na dugtong nya.
-----
NOTE: Just a little bit background para kay Rory :) Lame update? Haha lol. Bawi ako sa next chapter. GUSTO NYO BA NG POV NI KIB/Raze?
BINABASA MO ANG
His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)
Fanfiction[COMPLETED] Knight in Black Fan Fiction A Wattpad Author and Reader Story UNEDITED First Half (Chapter's 1-36) Second Half (Chapter's 37-61) Credits sa owner ng picture/s na ginamit para sa BookCover. Salamat!