Chapter 20

426 40 4
                                    

CHAPTER 20 Reader

- Rory's POV -

Matapos ang pag-uusap namin ng gabing 'yon ay ilang oras pa akong gising na gising bago nakaramdam ng antok.

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi nya. Maging ang pagpasok no'n sa utak ko ay hindi ko kaya. Mukhang mas nagulohan pa ako kaysa sa inaasahan kong mas maiintindihan ko ang lahat kapag kinausap ko sya.

Dapat pa ba talagang sabihin 'yon? Umaasa nanaman ako.

"I like you."

"Na-curious ako sa'yo, nagustohan kita, anong magulo do'n? You are different in a way that attrac-------"

Napapikit ako ng mariin at yumuko. Stop thinking too much Rory! Stop.

"Rory? Tara na?" Napatunghay ako dahil sa pagtawag sa'kin.

Si Ngay, 'yong pinsan ko. "Tara." Mabilis kong isinukbit ang bag ko at binitbit ang mga libro na dala ko.

"Sama ka sa'min bukas?" Ani Kiel.

"Saan?" Tanong ko.

"Mall? Gala tayo." Sagot ni Ngay.

"Try ko." Simpleng sagot ko.

"Lagi namang ita-try mo, ilang beses na ba 'yon? Hindi ka naman sumasama." Nagdidiwarang wika ni Kiel.

"Wala lang talaga ako sa mood." Sagot ko.

"Whole week wala ka sa mood." Komento ni Ngay.

"Oo, sasama ako." Napipilitang wika ko.

"Bakit kailangan pang magpapilit? Chics ka? Chics?" Nakangising tanong ni Kiel na hindi ko nalang pinansin.

Magdadalawang linggo na simula ng lumipat kami dito at mag-iisang linggo na mula ng makausap ko si Kib. At oo, hanggang ngayon ay may hangover pa ako sa mga sinabi nya. At hindi ko pa sinubukan na mag-online simula no'n. Weird. Pero natatakot ako.

Mas naka-stress 'yong mga sinabi nya sa'kin. May mga tanong pa rin ako na sa tingin ko ay hindi na masasagot. Ayoko na syang kausapin. Mas magulo.

Patuloy na nage-echo lahat ng mga linyang sinabi nya sa'kin. Hindi ko magawang kalimutan. Sa mga sinabi at ikinilos nya ay mas umaasa ako. May pag-asang unti-unting nabubuhay sa loob ko at ayoko no'n. Hindi pwede. Sa tuwing iisipin ko ay napakaimposible. Napakaraming bagay ang sumasalungat. We are not even close, friends or what. Magkalayo kami. Ni hindi pa nga nya ako lubos na kilala. Reader ako author sya.

Pero bakit ganon? Sa dami ng pumipigil at pilit na nagpapatigil sa isiping iyon ay mukhang mas pinapaburan ng kung anong nasa loob ko 'yong mga sinabi nya.

Hindi ba nya alam na gustong-gusto sya? Obvious naman siguro hindi ba? Hindi ba nya alam na sa maliliit na bagay pa lang ay napapaasa na ako? Sa kaonting pagkilos lang nya. Alam pa ba nyang ginagawa nya?

Reader nya ako. Ang hirap ispin.

Bwisit na pag-iisip 'yan!

"Rory? Ano? Kasama ka pa ba namin?" Boses ni Ngay ang kumuha ng atensyon ko.

"Kanina ka pa ganyan. I mean araw-araw ganyan ka, may problema ka ba?" Nag-aalalang tanonh ni Kiel.

"Wala." Sagot ko.

"Naintindihan mo ba 'yong pinanood natin?" Tanong naman ni Ngay.

"I---No." Napapakagat sa labing sagot ko.

"Ahg! Ako napu-frustrate sa'yo Rory eh. Bumili muna ulit tayo ng ticket para sa request mong panoorin Ngay, tapos tyaka tayo mag-lunch. Tara." Ani Kiel.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon