Chapter 50 Picture

209 19 5
                                    



Kinabukasan ay halos hindi ako makabangon gawa ng kaunting alak na nainom ko kagabi. Nagising ako ng alas dies ng umaga kaya naman nakakuha pa ako ng ilang oras pa na tulog bago bumangon at nagdiretso sa bathroom.

Kailangan kong kumilos dahil may lakad pa ako. Uhg!


I glanced at myself in the mirror. Black jeans at white tank top ang suot ko, kumuha din ako ng itim na jacket bago tuluyang kinuha ang sling bag ko at bumaba.


"Aalis ka na?" Tanong ni Kiel sa akin na sandali lang akong tinapunan ng tingin bago muling hinarap ang phone nya.

"Oo, alas tres kailangan nando'n na ako." Sagot ko.

"Pwede ka naman hindi pumunta 'di ba? I-email mo nalang 'yong kailangan." Ani Mia bago ako hilahin patabi sakanya. "Umupo ka dito at mag-online." Utas nito bago kuhain ulit 'yong phone nya.

"Anong mayron?" Tanong ko.

"Check mo 'yong accounts mo." Sagot nito.

"Later, kailangam ko nang umalis. Nagugutom rin ako, sa labas na ako kakain." Sagot ko bago tumayo at naglakad. "Alis na ako."

"Sasama ako!" Ani Pat bago ako tuluyang hinila papalabas. "Walang lutong pagkain sa bahay nyo, wala rin laman 'yong ref. Gutom na ako." Anito at nauna pang sumakay sa sasakyan.


Sumunod akong sumakay sa driver's seat.

"Natapos mo na ba 'yong docu mo?" Tanong nya sa akin ng makaayos ako ng upo.

Binuhay ko 'yong makina bago sumagot. "Yeah. Kailangan eh." Natatawang sagot ko.

Ilang minutong katahimikan ang sumakop sa amin. Kita ko sa peripheral vision ko na nakatutok sya sa phone nya.


"Saan tayo? Jollime?" Tanong ko.

"Libre mo?" Nakangising sagot nya. "Wala akong dala, hinila lang talaga kita." Nakatawang dugtong pa nito.

"Kuripot." Utas ko bago nag-park.

Nang makapasok kami sa Jollime ay ay nagdiretso sya sa counter dala ang wallet ko. Habang ako ay naghanap na ng mauupuan. Sa pangdalawahang upuan ako pumwesto, 'yong malapit sa entrance.


Bago ako makatulog kagabi, pumasok sa isip ko 'yong mga nangyari. 'Yong mga nalaman ko at 'yong mga sinabi nya.

Ano nang mangyayari ngayong alam ko na?

Four years na ang nakalipas, at hindi ko alam kung bakit, pero nalilito na ako ngayon.

Matagal na akong sumuko. Pero ngayong nandito na sya, hindi ko na alam. Hindi ba dapat naka-move on na ako? Ang akala ko nakalimot na ako.


Siguro nalimutan ko nga sya, pero 'yung mga nangyari at naramdaman ko sakanya nong mga panahon na 'yon ay iba. May halaga kahit kakaibang sakit ang ibinigay sa akin no'n. Pero tapos na hindi ba? Nasabi na nya lahat.

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang isipin na 'yon. Hindi na muna dapat ako nag-iisip ng ganon.

I let a heavy sigh.


Habang naghihintay ako kay Pat ay inilibot ko ang paningin ko.

Sa hindi kalayuan ay may nakita akong dalawang bata na siguro ay nasa apat na taon na parehas, kambal? Magkamukha sila. 'Yong batang babae ay may hawak na isang bote ng mogu-mogu, habang 'yong batang lalaki naman ay crocodile na laruan ang hawak.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon