Chapter 22

372 34 3
                                    

CHAPTER 22 Twitter

- Rory's POV -

Kinagabihan ay hindi ko napigilan ang pagiging mausisa ko kaya naman nag log in ako sa twitter. Mabilis kong nakita ang account nya dahil sa flood twits nina Mia at Pat.

Ibang klase talaga ang dalawang 'to!

Ng makarating sa mismong wall ni KIB ay kita ko agad ang sunod-sunod na twit nya. Ilang minuto lang ang pagitan ng mga 'yon.


"Spoil ko kayo since tapos na rin hahaha... Bibitawan ni Supremo ang pagiging President."

"Mas pinili ko nalang 'yong raw para kung ano ang nasa Wattpad, 'yon na rin nasa book."

"Mas malinis, panibagong lines ni Supremo."

"'Yong way ng pagpasok nila Zein sa HU, iniba ko. Mas complicated. Panibagong plot twist. Mas maangas na Supremo."


At sunod-sunod pa. Ang daldal pala talaga nya. 'Yung totoo? Lahat ba ikinukwento nya dito?

Ang daming alam!

Parang tanga nanaman na ngingiti-ngiti ako ngayon. Shoot! Bakit ang cute nya rito sa twitter? I feel like parang kagaya ng dati. Gusto ko syang makilala hindi lang sa looks. Uhg! Forget it Rory!

May mga twit din sya four hours ago.

"Stupid love."

"Happy. Sad. Down. Frustrated. Depressed. In love."

"I don't wanna run away but I can't take it I don't understand."

If you're not the one?


Napakarami ko pang nabasa na kadramahan nya sa buhay at mga kalokohan. Hanggang sa love life ng high school student, security guard at kay Jollibee ay naikwento na nya. Seriously? Ganto sya? Hindi lang sya madaldal.

Inabot ako ng halos kalahating oras sa pagbabasa sa mga twit nya bago ko nakita 'yung sinasabi ni Pat.

"'Ah, wala namang imposible. Pero ayaw ko. Gusto ko 'yong babaeng hindi mahilig sa Wattpad. Dunno. lol'"

A fan asked him. Tapos ayon, 'yon ang sagot nya. Darn! Bakit nasasaktan ako na sinabi nya 'yon kahit dito lang sa twiter? May twit din naman pala na binawa rin nya 'yon. Pero hindi eh. Bakit may ganto?

Napakagat ako sa pang-ibabang labi habang paulit-ulit na binabasa 'yun. Seryoso ba sya dito? Bakit? Bakit parang gusto kong maiyak?

May kung ano-anong bagay nanaman ang pumapasok sa isip ko. Hindi ba dapat ay wala na'ng what if's? Wala na'ng disappointment? Wala na'ng tanong. Tatanggapin mo na hindi ba? Dapat lang!

Parang no'ng isang linggo lang ay kausap ko pa sya.

Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa mga naglalarong bagay sa'king isipan. See? Curious lang sya sa'yo. Wala ng iba pa. Wala lang 'yong pagtawag nya. Wala lang 'yong letter nya. Wala lang 'yon. Plain na curious lang sya.

Bakit kailangan pa nyang makipag-usap 'di ba? Alam na naman nya ang pangalan ko. From the very beginning in-add nya ako. At pwede nyang makita ang records ko sa school kung gugustohin nya para hindi na nya kailangang lumapit sa'kin o magpakilala. Pwede din naman nya tignan ang wall ko---d-mn it Rory! Swerte ka ba at pag-aaksayahan nya ng panahon 'yang mga iniisip mo kung pwede naman 'yong ginawa nya na mas madali?

Siguro bored sya no'n.

Napapikit ako sa mga naiisip.

Ikaw nalang ang nananakit sa sarili mo Rory. Pabayaan mo nalang sya. Kalimutan mo nalang. Mag-back to zero ka. Or better, iwan mo ang wattpad. Ahg! Para ano? Magustohan ka nya? Muling tanong sa utak ko.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon