Chapter 34

268 24 2
                                    

CHAPTER 34 Morning

Rory's POV

Nakahiga ako sa aking kama habang pilit na pinapakalma ang sarili ko nang biglang may nagbukas ng pinto dito sa kwarto ko.

"Good morning Rain or Shine!" Masiglang pagbati ni Kiel.

"Rain or Shine?" May halong pang-iinis na tanong ni Ngay.

"H'wag mo akong char charin ngayon, Ngay. Dapat good vibes lang." Bakas sa pananalita ni Kiel ang masayang mood nito.

Hindi ko na sila binalingan at diretso pa ring tumingin sa kisame.

I heaved a sigh and closed my eyes. Gusto ko ng tahimik na paligid sa ngayon. Gusto kong mag-isip ng maayos.

"Ingay mo, promise." Ani Ngay.

"Fiesta na eh." Sagot naman ni Kiel.

"Bukas pa ang Pista." Pagkontra dito ni Ngay.

"Pre-fiesta gano'n." Hindi nagpapatalong pagsagot ni Kiel.

Habang nag-uusap sila ay papalapit ng papalapit ang mga boses nila.

"Nonsense na... Gisingin mo nalang si Rory, para makabalik na tayo sa ibaba." Utos ni Ngay.

"Ikaw na... Galit pa yata sa'kin 'yan eh. Alam mo na." Hindi ko man kita si Kiel ay alam ko nang napapanguso na sya ngayon pa lang.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Ngay. "Maldito ka kase." Komento nya bago ko naramdaman ang paggalaw ng kama.

"Maldita, you mean Ngay." Maarteng pagtatama ni Kiel.

Hindi ko maiwasang imulat ang aking mga mata dahil sa ingay nila. "Lumabas muna kayo kung mag-iingay lang kayo para sa walang halagang bagay." May bahid ng pagkainis na turan ko.

Parehas kong nakuha ang atensyon nila dahil sa biglaan kong pananalita.

Pinasadahan ko silang dalawa ng tingin bago ako tuluyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama.

Kita ko ang pagtaas baba ng adams apple ni Kiel bago sya magsalita. "Ry, galit ka pa ba?" Mahinang tanong nito. Hindi kagaya kanina ang tono nya, bumaba rin ang boses nito.

Nagpakawala ako ng isng malalim na paghinga bago ko sya tinitigan ng diretso. "No. Just please... Please, don't do that again. H'wag ka na uulit. Nakakainis eh." Sabi ko.

Tumango-tango sya. "Copy that. Sorry ulit." Anito.

"Okay." Mabilis na pagsagot ko.

"Pinapagising ka na ni tita." Ani Ngay mula s gilid ko.

"Anong oras na ba?" Tanong ko. "Gusto ko pang matulog eh." Dugtong ko.

"Mag-alas dies na, sasamahan mo pa raw si tita'ng mamalengke para bukas, 'di ba?" Ani Ngay.

"Ahg!" Napatapik ako sa ulo ko. "Montik ko nang malimutan!" Wala sa sariling ginulo ko ang buhok ko.

"Ano? Alis na kami ah? May ipinapagawa pa kase sa baba. Babalik nalang kami mamaya dito ah? Kwentuhan, alam mo na... Tyaka mamayang gabi na 'yong Sayawang Bayan!" Halo-halong pagkakilig, sabik, uhaw at iba pang emosyon ang naramdaman ko sa pagasasalita ni Kiel ng mga huling katagang binitawan nya.

What the hell?

"Oo nga!" Kinikilig na pagsangayon naman ni Ngay. "Kwentohan mo kami!" Dugtong pa nito bago tuluyang umalis.


Sabi ko na nga ba! Hindi ako makakaiwas sa dalawang 'yon! Paano pa kina mommy? Sakit ng ulo ang mga nangyari! Paano ako magpapaliwanag? Paano ako magkukwento kung maging ako ay naguguloham pa rin? Paano ko ba lulusutan 'to?

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon