Chapter 47 Video

206 18 2
                                    




"Bakit ang tagal mo?" Ang salubong sa akin ni Mia pagbukas na pagbukas ko ng front door.

Nagdiretso ako sa sofa tyaka doon pabagsak na umupo at sumandal. "May nangyari lang, sila Kiel? Pauwiin mo nalang siguro sila, cancel nyo nalang 'yong kung ano man 'yong plano, bukas nalang tayo lumabas." Sabi ko. Pumikit ako ng mariin para pilit na palisin sa isip ko 'yong nangyari kanina.

'Yung pakiramdam ng bawat paggalaw ng labi nya sa labi ko.

"Ahg!" Marahas kong iminulat ang mga mata.

Nagre-replay sa isip ko 'yong ginawa ko kanina!

"Hindi pwede. Umakayat ka na sa taas at magpalit." Sabi ni Mia.

Hindi ko sya pinansin.

Iisa lang ang paraan para matapos ako sa ganito.

Napalunok ako.

Kailangan ko talagang makipag-usap sakanya ng maayos. Pero paano? Hindi ko kaya. Ngayon pa na nagawa ko 'yon?

'Really? Is that all Rory? 'Yon lang ba?'

'Of course!'

'Or maybe not? Are you afraid of something? Something na ayaw mong matapos?'


"Move, Rory. Kanina pa sila naghihintay doon. And please, sayang 'yong hinanda namin!" Malawak ang ngiting sabi nya.

Biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa kaya mabilis ko 'yong kinuha pero nong mahawakan ko ay kinuha kaagad sa akin ni Mia.

"Umakyat ka na sa taas." Anito habang naka-focus sa phone ko. "Talk 'n Text lang, wala ka na daw load."

"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Seriously." Sagot nito bago sa akin iharap 'yung phone.


Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Mia.

I guess wala rin naman talaga akong choice. Para sa akin din naman 'to. Masyadong nakaka-stress ang araw na 'to, kailangan may gawin ako para mawala 'yon sa isip ko.



Napataas ang kilay ko nang makarating kami sa sinabing lugar sa akin ni Mia.

"Ra-Ro's kNight Club?" Basa ko sa pangalan nito.

"Reads as 'Rey-Ro's', let's go na!" Sabi ni Mia tyaka ako hinila papasok sa loob.



Napsinghap ako sa unang pagtapak pa lamang namin sa loob.


"What the heck?" Bulong ko. "Ano 'to? Bakit dito tayo?" Tanong ko tyaka hinila ang kamay kong hawak ni Mia.


Dim ang ilaw, maraming tao, mausok, maingay at higit sa lahat may mga babaeng nagsasayaw sa stage na halos wala nang pang-itaas na suot.

"C'mon! Sa VIP naman tayo, let's go." Ani Mia sa gilid ko.

"Mia! There is no way! Hindi tayo magtatagal dito." Sagot ko.

"Ilang taon ka na nga ulit? You are old enough para sa mga ganito! C'mon, enjoy your life." Kita ko ang ngisi nya sa akin.

Napabuga ako ng hangin bago muling nilibot ng paningin ang buong paligid. "Hindi ko in-expect na sa ganito tayo mapupunta. Most especially sa ganitong lugar i-celebrate ang birthday ko." Naiiling na utas ko bago ko ulit sya binalingan.

"Surprise?" Malawak ang ngiting sabi ni Mia.

"Oh, yeah. Let's go." Pagsuko ko.

"C'mon let's enjoy the night!" Pasigaw na sabi nya kaya nakuha namin ang atensyon ng mga malapit sa pwesto namin.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon