Demons XXII | First Day 2.0

216 2 0
                                    

Hindi mapigilang mairita ng pitong kalalakihan sa patuloy na tilian ng mga kababaihan matapos nilang dumating. Kahit na nababakas sa mukha ng mga ito na tila naiinis na sila sa ingay ay tila mas lalong nagkagulo ang mga ito sa ekspresyong ibinibigay nila. Naisip nilang mga abnoy ang mga babae sapagkat hindi na talaga sila natutuwa. Nagpasalamat na lang sila at nagsimula na ang klase dahil gustuhin man nila ay wala sa bokabularyo nila ang basta nalang manakit ng mga sibilyan. Nagdiretso na lamang sila sa kanilang sariling building na tinatawag ng mga estudyanteng demon's lair.

"First meeting would always be the same so I won't attend." Bored na sagot ni Gyu habang nakaupo sa couch.

"Tinatamad ka lang, as always. How 'bout you L?" Tanong ni Sungjong.

"He's asleep already. He don't want to attend as well. Since I'm sleepy, I'll go upstairs and ditch the classes too." Mahabang paliwanag ni Yeol sabay akyat habang naghihikab.

"Teka, where's Hoya?" Takang tanong ni Woo.

"Kalalabas lang. He'll never ditch classes even if it's too boring." Simpleng saad ni Namu.

"Aish! Susundan ko si Hoya. Papasok ako kasi first day." Sambit ni Sungjong bago lumabas.

"Hintayin mo ako! Gusto ko rin pumasok!" Habol ni Woo sa kasama.

"How 'bout you, Namu?" Tanong ni Gyu.

"Basketball instead?" Aya niya kay Gyu.

"Let's go." Sambit ni Gyu sabay akyat para kunin ang jersey niya sa kwarto.

~•~

Magkatabi sina Tintin at Jora na kapwa naupo sa middle row of seats na malapit sa bintana. Dahil wala pa ang unang subject nila ay patuloy sa pagiingay ang buong klase. Ang ilan sa mga estudyante ay may kanya-kanyang grupo or barkada na sapagkat ito na ang ikatlong taon nila sa eskwelahan unlike the two. Habang abala sa pagbabasa ng kung anong libro si Tintin ay abala rin sa panunuod ng kpop MV's ng kaniyang mga paboritong grupo si Jora habang naka-headset. Naistorbo lamang siya ng pumasok ang kanilang professor kaya dali-dali niyang itinago ang kaniyang cellphone.

"Hello class! Since I've seen that there are newbies here, I'll introduce myself first. I am Miss Baluyot, your accounting teacher for the whole semester." Pagpapakilala ni Miss Baluyot sa lahat bago tumingin sa dalawa.

"And now, introduce yourselves, ladies." Turo nito kina Tintin at Jora kaya't tumayo sila para magtungo sa unahan.

"Hello! My name's Cellestinn Nuelle Fuentebella." Just call me Tintin. Masiglang saad ni Tintin

"Hello din! I am Jora Denise Alcantara. JD or Jora would do." Nakangiting saad naman ni Jora.

"You have any questions for them class?" Tanong ni Miss Baluyot sa klase kaya't may nagtaas ng kamay.

"Are you related to the owner of this school, Tintin?"

"Ahhh.. p-parents ko sila." Nahihiyang sagot nito with an awkward smile.

"Woah!" Gulat na saad ng marami saka nagbulungan ng 'sabi ko na eh'.

"How bout you JD? Are you the sole heiress of Alcantara Group of Companies?" Tanong ulit ng kaklase nila.

"Hala! Pano mo nalaman? Sikat ba ako?" Kumakamot sa ulong saad sagot nito na tila nahihiya.

"Tanga! Yung kumpanya mo sikat hindi ikaw!" Bulong ni Tintin dito saka siya kinaladkad paupo matapos magpaalam sa prof na mauupo na sila.

'Sobrang boring ng klase kasi naman ang daming sinasabi ng terror na si Miss Baluyot. Kaimbyerna!' Reklamo ni Jora sa sarili.

After the 3-hour class ay nagpaalam na ito at sa wakas ay break time na pero she's in doubt na makakasabay nila yung lima. But they've tried messaging them via their group chat.

"Jora, may nagreply ba" Tintinn asked her habang naglalakad sila.

"Wala pa eh pero dumiretso na tayo sa pantry. Diba may class na uli tayo by 11:30 AM at hanggang 1:30 PM yun." Sagot nito.

"Basically, we only have 30 minutes before the next class." Saad naman ni Tintin

"Yeah and then last class will be after lunch, 2 hours ulit yun. Katamad." Dagdag pa ni Jora bago nag-buntong hininga.

Habang umo-order papuntang pantry ay tumunog ang phone ni Jora indicating a new message. Binasa niya ito and found out it's Robin and Kyra. Parating na raw ang mga ito. It's their lunch so they've decided not to bother ordering them their food because they can do it themselves.

Nang makaupo ay nagsimula narin silang kumain ni Tintin. Umorder si Tintin ng spaghetti at pancakes tapos ice tea for drink. While Jora ordered pork chop with one and a half rice and a slice of pizza plus coke.

"Nagutom kaba masyado?" Nakataas ang kilay na tanong ni Tintin sa kasama.

"Syempre, antagal matapos ng klase ni Miss Baluyot tas na-exhaust pa yung utak ko dun!" Reklamo ni Jora in a matter of fact tone sabay subo ng kanin.

"As if naman ginamit mo yang utak mo para ma-exhaust yan!"

Nagulat si Jora sa nagsalita mula sa likuran niya at nalunok lahat ng nginunguya dahilan para mabulunan. Dali-dali nitong inabot ang coke in can sabay lagok. Nakarinig pa siya ng tawa sa likuran at nakita si Kyra na tumatawa sabay upo. May dala na rin itong tray pati na rin si Robin. Masamang tingin naman ang ipinukol ni Jora kay Kyra habang ito ay patuloy sa pagtawa.

"Tangna ka ha! Tusukin kaya kita nitong tinidor?" Inis na banta ni Jora.

"Hampasin ko kaya ng mangkok yang noo mo!" Rebut naman nitong si Kyra.

"Bwisit ka!" Angil ni Jora. Tumawa lang ng tumawa si Kyra sa reaction nito.

"Let's just eat guys." Nakangiting sambit ni Robin.

Tumahimik na silang lahat at ipinagpatuloy ang pagtawa saka nagsimulang kumain. This kind of scenario was normal to them, lalo na kung andito si Batchi. Wala namang pikon sa kanila. Well, they just can't joke around if its Iscelle anyway.

When Demons Met Their AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon