Demons XLIV

147 2 0
                                    

~•~
Third Person's

Matapos makitang dali-daling umalis ng bahay si Ley ay tinawagan kaagad ni Kyra ang grupo nina Namu. Agad namang dumating ang D.A. gang sa kanilang bahay saka nila ipinaalam sa mga ito na nakakulong sa kwarto niya si Iscelle while Ley left while crying. Dahil doon ay hindi matutuloy ang binabalak nilang pag-te-training dahil bukod sa kulang sila ay hindi rin nila ma-a-access ang training grounds.

Matapos naman marinig ang nangyari ay kaagad na itinanong ni Dongwoo kung nasaan ang kwarto ni Iscelle dahil nahihimigan niya na kung anong posibleng nangyari. Alam na rin ng buong gang nila ang tungkol sa aksidenteng nangyari nung mga bata pa sila dahil ikinuwento iyon ni Woo matapos niyang makausap si Ley.

Yeol immediately walks off to find Ley. Gusto niyang samahan ito at siya ang magpatahan sa kaibigan because he can't bear seeing her pain again.

Nang marating naman ni Dongwoo ang kwarto ni Iscelle ay marahan siyang kumatok saka iyon binuksan only to find her on a fetus position while hugging the dinosaur stuff toy and bawling her eyes out.

"Nielle." Saad niya matapos niyang maisara ang pinto. Agad namang bumangon sa pagkakahiga si Iscelle at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

Niyakap rin siya ni Dongwoo saka siya binuhat nito. He sat on her bed and placed her on his lap. She remained hugging him and planted her face on his chest while she kept crying. He's just caressing her back while talking sweet nothings to her to console her.

"Ba-bakit ngayon.. ka lang, D-dinosaur?" Garalgal na tanong ni Iscelle before looking up to his face.

"I'm sorry if it's too late. I know I wasn't there during the most painful time of your life, but I'll make sure na babawi ako ngayon." He sinserely said before placing a kiss on her forehead.

"I hate her. I hate her more than ever. I.. I hate her." Umiiyak na saad ni Iscelle at patuloy naman siyang inaalo ni Dongwoo hanggang sa makatulugan na nito ang pag-iyak.

~•~

"Fuck! Maghapon at magdamag na akong naghahanap pero hindi ko parin siya makita. Nakapatay ang kanyang phone at wala naman ng ibang tracking device sa mga gamit niya kaya hindi ko siya ma-track. Tangina talaga!" Litanya ni Yeol sa sarili sabay hampas sa manibela ng kotse niya.

Inabot na siya ng gabi sa kakahanap kay Ley at matapos maka-receive ng tawag mula kay Myungsoo ay bumalik na siya sa Inspirit Sanctuary dahil doon daw siya hihintayin ng mga kaibigan.

~•~
Gleya Nam

Sa sobrang pagmumuni-muni ay naka-labas ako ng Maynila. I don't even know where I currently am because I was just driving with no directions. Naghanap na lang ako ng pinakamalapit na night bar para magpakalasing. Fortunately, may nakita ako kaagad kaya't naghanap ako ng parking space before going inside.

Dumiretso ako sa pinakasulok na bahagi ng night bar to sulk myself. Umorder ako ng isang bote ng tequila at matapos iyong ubusin habang umiiyak ay umorder naman ako ng long island dahil tila hindi ko nararamdamang tinatamaan ako ng alak. Later on, I felt like someone's staring at me at mukhang hindi ko iyon napansin kaagad dahil sa emosyon ko. Inubos ko ang natitirang alak saka nagbayad ng bill ko bago ko inilinga ang paningin ko to know who it is.

Nanlalaki ang mga mata ko matapos makitang siya ang taong mukhang kanina pang nakakatitig sa akin. "Anong ginagawa niya rito?" Tanong ko sa sarili.

Tila naramdaman ko ang espiritu ng alak at bigla akong nalasing kaya dali-dali akong tumayo upang maglakad palabas ngunit nahihirapan ako dahil napakadami ng tao ang sumasayaw sa gitna. Pinilit ko pa ring makipagsiksikan kahit masikip at tila mas nahihilo ako sa halu-halong amoy ng alak. Nang makalabas ay lakad-takbo kong tinungo ang kinaroroonan ng sasakyan ko ngunit bago ko iyon marating ay may humigit sa braso ko.

Napahawak ang sa dibdib niya and just by sniffing his scent ay kilala ko na kung sino ito. His scent didn't changed. Tiningala ko siya kaya't nakita ko sa mga mata niya ang pain and longing for someone.

"Yzel.." Madamdamin niyang turan saka niya ako niyakap ng mahigpit. Nalaman kong umiiyak siya base sa galaw ng balikat niya at sa nababasang parte ng damit ko kung saan niya isinubsob ang mukha niya.

Iniangat niya ang mukha niya kaya't dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha niya. I don't know why I'm doing this, I'm just acting based on instinct saka tila ba nararamdaman ko rin ang sakit na mayroon siya.

"I missed you. I really missed you!" Muli niyang saad before cupping my face and kissing my lips which left me dumbfounded. Before he can deepen the kiss ay nakabawi ako sa pagkagulat saka ko siya marahang itinulak. Nakita kong nagulat siya at tila mas nasaktan sa ginawa ko.

"Calm down, Lecs. I'm.. I'm not Yzel." Mahinahon kong turan sa kaniya.

"After years of making me miserable, yan lang ang sasabihin mo sa akin?" Medyo pasigaw niyang tanong na tila nanginginig pa sa galit.

"Let's get you home first, okay? Mukhang madami ka ng nainom eh." Saad ko na lang and it brightens his mood.

"Sasamahan mo ako?" Parang bata niyang tanong.

"Yes. I'll tag along." Sagot ko.

"No! Baka tumakas ka lang eh. Please, sumabay ka na lang sa akin. I can't let go of you now." Tila isang batang ayaw maiwan na maktol niya.

"Don't worry, I won't go anywhere, I promise. I'll just tag along, hmm?" Pangungumbinsi ko pa sa kaniya ngunit ayaw niyang pumayag and in the end, napilitan akong gamitin ang kotse ko at iniwan namin ang motor niya. Mukhang hindi niya na rin naman kayang mag-drive kaya itinanong ko na lang ang direksyon papunta sa bahay niya.

When Demons Met Their AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon