Demons XXXIV | Kidnapped 1.0

186 2 1
                                    

Kung alam niyo po ang tawag sa ibang mga sandata kineme na sinasabi ko ay paki-inform ako. Minsan nalilimutan ko talaga ang tawag eh hehe. A picture will be added for imaginary purposes of the arnis-like weapon.

~•~

TIME: 08:24 PM
DATE: October 26, 20**
LOCATION: Philippines

Kahapon lamang ay nakauwi na silang lahat maging si Sungjong. The five of them decided to went out para gumala habang naiwan naman sa bahay sina Ley at Iscelle. Umaga pa lamang ay umalis ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila umuuwi.

"What's taking them so long?" Tanong ni Ley sa kasama.

"I dunno for sure. Baka naman nag-enjoy sa pag-gala?" Hindi siguradong sagot ni Iscelle sa kaniya.

"No. They've never gone home this late. I'll try to call each of them." Matigas na saad ni Ley na naghihinala na because her friends are usually at home around five or six in the evening.

Sinubukang tawagan ni Ley ang lima ngunit wala siyang nakontak kahit isa sa mga ito. Nagsimula na siyang kutuban kaya dali-dali siyang tumakbo sa kaniyang kwarto leaving Iscelle at the living room. Kinuha niya kaagad ang kaniyang laptop sabay activate ng mga device na ikinabit niya sa phone ng lahat ng kaniyang kaibigan incase of emergency. The device is a mini microchip na hindi basta makikita ng sinuman. Inilagay ito ni Ley sa mismong loob ng phone ng mga kaibigan without them knowing.

Nang matrace niya na ang mga ito ay hinanap niya ang lugar na iyon saka niya hinanap ang visual satellite ng lugar. Nang malaman niyang isa itong lumang building which is actually a hideout of some infamous gang ay dali-dali niyang inayos ang mga gamit at saka tinawagan si Iscelle na nanatili sa baba.

"Why?" Takang tanong nito matapos maka-akyat.

"Hurry, Iscelle. Magbihis ka, we'll go out." Tila nagmamadaling saad nito with a serious face sabay pasok sa loob ng kaniyang kwarto.

Sumunod naman si Iscelle at nagpunta na sa kwarto niya. Nagsuot lamang siya ng washed tattered jeans at black sando na tinernuhan niya ng leather jacket dahil medyo malamig na rin. Samantalang si Ley naman ay nagsuot ng black tattered jeans at black crop top and top it off with her black leather jacket. Nag-lagay siya ng mga daggers sa left boots niya then dalawang baril which is an IOF .32 Revolver sa bulsa ng kaniyang jacket. Naglagay din siya ng dalawang CZ 99 na service pistol sa may beywang niya tas sa right boots niya ay meron siyang iniikot na bakal na pag hinigit ay pwedeng maging sandata. It is an arnis-like weapon na matulis ang magkabilang dulo.

Sabay silang lumabas ng kwarto nila. Dala-dala ni Ley ang kaniyang maskara saka kinuha ang susi ng kaniyang Lamborghini Asterion. Isinakay niya na lang si Iscelle sa kaniyang because it'd be a hassle kung magkahiwalay sila ng sasakyan. Bago pa sumakay ng kaniyang kotse ay may tinawagan muna si Ley.

"I'll be there at Empyrean. Make sure DA is complete. It's a very serious matter." Seryosong saad nito sabay baba ng tawag.

Sumakay na siya kaagad ng sasakyan at saka isinuot ang kaniyang mask. Inabutan niya rin si Iscelle ng itim na mask na nagtatakip sa kalahati ng mukha nito.

"Wear this later when I tell you to." Seryosong saad niya pa.

"What for? And, where are we going anyway?" Takang tanong nito habang hawak ang mask.

"The girls have been kidnapped and we're going to someone who can help us rescue them." Paliwanag ni Ley.

"Where and who are they?" Muling tanong ni Iscelle.

"Just wait and see." Sagot ni Ley sabay buntong hininga.

Nakarating sila sa Terra Infinite kung saan sobrang higpit ng security. Bago ka makapasok ay dadaan ka muna sa isang gate na i-scan ang mukha ng driver at pasahero pati na ang ang kotse mo. Matapos yun ay diretso naman sa eye scanner. Pagkalagpas ay may mga guards na naka-bantay at may intercom dun, wherein papapasukin ka nila if they will get a permission from any of the members of DA or Demon Angels gang.

When Demons Met Their AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon