~•~
Iscelle DanielleNaguguluhan ako sa mga nangyayari. Alam ko naman matagal na na kabilang sila sa isang gang since Ley had told us about it long time ago ngunit hindi talaga ako maka recover sa mga pinaguusapan nila kanina. Ibang Ley ang nasaksihan ko kanina at tila ngayon ko lang siya nakita sa ganong estado. Kahit ako na matagal na siyang kakilala ay tila natakot sa aurang mayroon siya.
I'm currently inside this freak's car dahil wala naman akong choice. Kasalukuyang umaandar ang sasakyan nang buksan niya ang glove compartment at armrest storage box kung saan nakakita ako ng iba't ibang klase ng baril at kutsilyo. Sanay naman na akong makakita ng mga ganito at alam ko rin naman ang makipaglaban at gumamit ng baril. Para saan pa't naging criminology student ako.
"Nielle kumuha ka ng baril at mga kutsilyo. You need to protect yourself." Seryosong saad nito habang nagda-drive.
Ngayon ko lamang siya nakitang seryoso kaya't naninibago ako. Ngunit kumuha pa rin ako ng isang baril na hinawakan ko lamang tas mga kutsilyo na isinuksok ko sa aking sapatos. Nang makarating kami sa destinasyon namin ay nakita kong ang daming nakaabang sa labas na armado at nakakatakot na lalaki. Hindi ko alam pero kusang nanginig ang kamay kong may hawak na baril. Hanggang sa naramdaman kong may humawak sa mga ito..
"Don't worry, we'll take care of your friends and I promise that no one can hurt you. Stay here okay?" Malambing niyang saad na ikinatango ko lang at saka naman siya lumabas ng kotse.
~•~
Third Person'sHabang nagda-drive ay kinuha ni Ley ang kaniyang cellphone at saka tinawagan ang isang tao who will surely help them. Hindi man lang niya hinintay na magsalita ito matapos sagutin ang tawag at dire-diretso niya lang sinabi na pumunta ito sa location na pupuntahan nila.
"Will she be there?" Tanong ni Yeol sa kaniya.
"Yeah, she'll be there." Maikling sagot ni Ley.
Nang makarating sa kanilang destinasyon ay nagpalit sila ng inuupuan because even if the enemies seems stupid, it'd be suspicious kung sa passenger seat lalabas si Yeol. They can't let things worse sadyang ayaw lang ni Ley na hindi siya ang mag-drive.
"Stay here until everything's alright." Matigas na saad ni Yeol.
"Can't promise you that." Simpleng sagot ni Ley.
"Please Empress.. makinig ka sakin. Just this once." Desperate nitong saad sabay suklay ng mga kamay nito buhok niya.
"Tsss! Take care okay?" Saad nalang ni Ley bago niya yinakap ng bahagya ang kaharap.
Nang makalabas ng sasakyan ai Yeol ay mabilis namang kinuha ni Ley ang kaniyang laptop saka niya inactivate ang device na inilagay niya sa batok ni Yeol. Isinuot niya na rin ang earpiece saka sinimulan ang pakikinig sa nangyayari sa loob. The mini micro chip device that she installed on Yeol's nape is like a spy tools that when activated ay maririnig ang lahat ng paguusap within 3 meters radius. Inilagay iyon ni Ley para malaman niya kung kelan sila susugod. She can't keep her promise to stay still dahil kapag natiyak niyanh maayos na ang lagay ng mga kaibigan ay susugod na rin siya. She's well prepared for this battle.
Habang nakikinig ay inassemble niya na rin ang sniper rifle niya. Mabuti na lamang at naisipan niyang sa pinakadulo pumarada kung saan madilim ang lugar kaya't paniguradong hindi siya mapapansin kapag sinimulan niya na ang kaniyang plano.
Nang makarating naman ang Demon Angels gang ay sinigurado muna ng kalaban na wala silang dalang kahit anong armas bago sila iginiya papasok sa loob. Nakarating sila sa gitna ng lugar na iyon at nakita nila sina Kyra, Tintin, Jora, Batchi at Robin na kapwa nakatali at may mga pasa at konting sugat sa mukha at braso. Agad na nag-init ang ulo ng buong gang sa nakitang kalagayan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
When Demons Met Their Angels
ActionTAG-LISH COMPLETED** UNDER-CONSTRUCTION (^_^v) Two different worlds. Separate paths of journeys. Disparate personalities and ideals. "Don't ever mess up with us or else you'll regret for a lifetime" - Demons "We don't care about who you are. Risk is...